CHAPTER SEVEN.Two -- The Princess and the Monkey

374 6 2
                                    

MY GIRLFRIEND DELIVERY

By: SupeRienne

^dedicated to you bebe @RazielRealin. I miss your cute and warm comments! She's a CPA soon-to-be. Let's pray for her! :) 

CHAPTER 7.2 -- The Princess and the Monkey

LESLIE's POV

"Hala. M-miss. O-okay ka lang ba?" tanong sakin ng sinumang lalaking lumapit.

"Are you blind?! I slipped because of that freaking banana peeling, and now you're asking me if I'm okay? OKAY LANG AKO?! OKAY LANG! OKAY LANG DIN BA KUNG PASLANGIN KITA NGAYON NA?! Stupiiid!" I screamed at the top of my lungs habang nakaupo pa din mula sa pagkakadulas. Oh gosh. My butt! My poor butt!

I just thanked the fact that the hallway now was isolated. Maybe because it's already dismissal kaya wala ng mga nagdadaang students.

That freaking banana peeling! From now on, I loathe bananas! I. Loathe. Bananas!

He assisted me to stand, and was almost shocked to see his good looks.

But when my sight met what he is holding, "Oh my God!!!" I squealed when I saw a bunch of bananas on-hold. "YOU STUPID MONKEY!! Balak mo ba akong balian ng buto. I swear to every beautiful godesses I look like, I'll make you pay!"

"Hala to. Ang OA. Di naman sinasadya! Ta's di ka din naman tumitingin sa dinadaanan mo eh. Tara na nga sa clinic, para macheck kung okay lang 'YAN." sabi niya habang naka-nguso sa parte ng 'pang-upo' ko. Goosebumps! Pang-upo? Oh my God! Sinasapian na ako ng spirit ng lola ko!

"AAAAH! BASTOS KA! Lumayas ka sa harap ko! Get out of here!" sigaw ko rito.

Good thing masunurin siya at nagsimula ng maglakad palayo. But...

When I started stepping a foot forward. "Ouch!" I winced in pain. Di lang pala puwet ko masakit, pati pala balakang. I moved another foot and it hurts more. Tiningnan ko ulit yung papalayo ng lalaki kanina.

"Hoy!" tawag ko rito pero di ako nilingon.

Nilakasan ko pa ang tawag ko para siguruhing maririnig niya.

"HOOOY!" sigaw ko ulet pero hindi pa rin siya lumilingon.

"Hoy, unggoy!" tawag ko sa mas mahinang boses. Nakakaasar, ang bingi niya! Ayan! Maka-'get out of here' ka kasi, Leslie. Tsss. Magpapasundo na nga lang ako sa driver namin!

When I was to get my phone from my LV bag, I heard him shout back. "Maqui pangalan ko, hindi unggoy. Sige. Ingat ka pauwi ha? Baka abutin ka ng hatinggabi sa bagal mo maglakad. Bye."

The nerve! Naririnig naman pala niya eh! "H-hoy, M-Maqui!" I shout back.

"Yes?" he answered and turned to face my direction. He's still some meters away but I could still see his smile. Ok na sana eh, kung di lang unggoy. Buset siya. "Anything I can do for you, Miss Sunget?" he continued while smirking.

"I can't walk." mahina kong sabi habang nakatungo.

"Ah. Ok." sabi niya habang naka-ngiting-aso pa rin saka tumalikod ulet. Ayan, talikod lang. Nakakainis ang pagmumukha niya!

"W-wait."

"Oh?"

"Patulong ng konti."

"Ok." pagkasabi niya nun ay humarap na uli siya at naglakad hanggang makalapit sa akin.

"Ouch! Ano ba! Ang sakit oh, bilis bilis mo!" I said irritated pagkatapos niya akong simulang alalayan maglakad.

"Ano gusto mo, maglakad ng ganto." saka nag-demong maglakad ng mabagal with matching facial expressions pa. "Naku. Mahihiya ang pagong sa sobrang bagal mo. Tsk. Halika na nga." sabi niya saka umupo ng patalikod sa harap ko.

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon