^dedicated to Ms. Jenny Vallo. Ang pinaka-nakaappreciate ng chapter-part na ito. Naappreciate din kita for appreciating this. Thankyouuuu. :*
MY GIRLFRIEND DELIVERY
By: SupeRienne
Chapter 5.1 -- That Sleepless Night
*Tick. Tock. Tick. Tock.*
Kanina ko pa pinagmamasdan ang paulit-ulit na pag-ikot ng mga kamay ng Doraemon wall clock ko sa pagbabaka-sakaling mapagod ang mga mata ko at makatulog na, pero wala talagang talab eh.
Kinuha ko ang life-size Doraemon stuff toy ko sa may headboard ng kama ko at kinausap ito. "Oy, Doraemon! May magic pampatulog ka ba diyan? Share mo naman ako, pleaaase." nakatitig lang ako at mukhang ewang naghihintay at nagbabakasakaling bigla siyang gumalaw at maghalungkat ng kung anuman mula sa bulsa niya at i-abot sakin.
Nang mainip ako, naisip ko na baka wala siya nung hinihingi ko kaya niyugyog-yugyog ko siya, "Doraemon! Labas mo na nga lang yung Magic Pintuan mo diyan at hampasin mo ko gamit yun para naman makatulog na 'ko."
At muli, hindi pa din ako sinasagot ni Doraemon. "Hmp! Isnabero!"
Ganito ba talaga ang puyat? NABABALIW?
Mahapdi na talaga ang mga mata ko at nararamdaman kong unti-unti nang bumibigat ang eyebags ko. Malamang bukas hindi lang malaking eyebags ang abot ko kundi eyemaleta na sa sobrang laki.
Sinubukan kong muling ipikit ang mga mata ko ngunit ilang saglit pa lang ang nakakaraan ay muli nanaman akong napabangon mula sa pagkakahiga, at napasabunot na lamang sa sobrang pagkayamot.
Arrrgh!
"Arrielle, naman! Alas-tres na ng madaling-araw oh! Matulog ka na pleaaase." mukha na siguro akong ewan na pinakikiusapan ang sarili ko para matulog. Haaay. Gusto ko na talagang magpahinga!
"Deal!"
Ayaaan nanamaaan!
Yan! Oo! Yan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko magawang makatulog.
Hindi pa din ako makapaniwala na sa isang iglap, makikipag-kasundo ako sa isang nilalang na wala pang isang buong araw kong nakilala.
Oo. Tama kayo.
Tanda niyo nung sinabi ko kanina sa kanyang gagawin ko lahat para lang wag niyang ipakulong? Ayan. Ayan ang kapalit!
UWAAAAAAH! Naiiyak na 'ko. Muli ko nanaman kasing narealize kung gaano ka-irrational yung ginawa ko kanina! :(
I was left hanging when he told me pagiisipan muna niya ang tungkol sa ipapagawa niya.
Ano naman kaya iyon?
Naku! Handa akong magpaka-alila sa kanya, maglinis ng bahay at kotse niya, magtutor sa kaniya, kahit pa nga ang magpaligo sa aso nila, basta wag lang talaga niya akong ipakulong. Hindi yun kayang iprocess ng imaginations ko, at lalong hindi kayang tanggapin ng ego ko. Tama, Arrielle, okay lang yang ginawa mo.
Haay..
Sa ika-'hindi-ko-na-maalala-sa-sobrang-dami' na pagsulyap ko sa aking Doraemon wall clock sa kasalukuyang oras na alas-tres impunto ng madaling-araw, hayun sa wakas ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng mga talukap ng mata ko. Umayos na ako ng higa, and unconsciously tucked myself in the comfort of my bedsheets.
After a series of snorks, I then nearly jumped off my bed after hearing my phone rang.
At first I thought it was an alarm tone. Like hey! I don't remember myself setting an alarm! Just then, I realized it was my ringing tone. I took a quick glance on the wall clock and saw it was just a few minutes after I started my slumber.
SO, SINO ITONG HINAYUPAK NA NANG-ISTORBO NG 'IDLIP' KO?!!
Tinitigan ko ang screen ng phone ko.
0917*******
Calling...
Unregistered number?
Sino naman kaya ito?
Sino naman kaya ang nasa maayos na pag-iisip ang tatawagan ako sa kalaliman ng gabi?
Should I, or not, answer this one?
Paano kung serial killer pala ang tumatawag at nasa labas siya ngayon ng apartment ko?
Kinilabutan ako sa isiping iyon. Nailock ko nga ba ang mga pinto sa baba? Eh ang mga bintana kaya?
Hay naku, Arrielle! Masyado ka na talagang paranoid! Arrgh!
Muli kong tingnan ang screen ng kasalukuyang nagriring kong Galaxy S II...
Paano kung emergency pala? At number nina lola ang numerong ito?
Naku namaaaan!
"H-hello?" nangangatal kong sagot sa kung sino man ang tumatawag.
It took few deep breaths before I heard that husky voice again.
"Hey... Stupid girl?"
A/N:
Sorry for the late update AWESOMES.
And sorry kung medyo sabaw din ang update na ito. Ganto lang talaga ata pagkatapos kalabanin ang napaka-churvaekekholicsoveryahiiiraaaap na exams. Hehe.
At siyempre, ang super famous Writer's Block. Haha.
First part pa lang po ito. Watch out for the second part. I'll upload it maybe a couple of days ahead.
Ayan. Sana kahit papaano magustuhan niyo.
Happy reading guys! :)
Muwah! :*
I'd love to hear from ALL OF YOU!
Please...
*VOTE*
*COMMENT*
*FOLLOW*
*ADD this story TO your awesome LIBRARY*
*FOLLOW ME*
and...
*LOVE ME!* haha
I LOVE YOUU AWESOMES!
winks! ;)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Delivery
RomanceA flower delivery made Mr. Despicable meets Ms. Alone. From a flower delivery to an 'Instant Girlfriend'? How would everything turns about to be 'Between Them'.. And from being a 'Delivery Girl', How did she became his 'Girlfriend Delivery'?
