CHAPTER ONE

980 20 12
                                        

^dedicated to @AnnieGlendaReynaldo for being one of my and my story's very first suppporters. Magrereview na 'yan for board. Pagdasal natin sila. :D

MY GIRLFRIEND DELIVERY

By: SupeRienne

CHAPTER 1

"Arrielle, padeliver please. Wala pa kasi si Macoy eh." napahinto ako mula sa ginagawa kong flower arrangement ng lapitan ako ni Ms. Liezl, ang owner ng Sweet Petals, ang flower shop na pinagtatrabahuhan ko, and handed me a boquet of pink roses and a business card.

Sandali kong pinagmasdan ang kapirasong papel na iyon. "South Newton University po?" tanong ko. Ito kasi ang university na pinapasukan ko. MWF at Saturdays lang ang classes ko kaya naman nagagawa kong magpart-time bilang Accounting Staff-slash-Flower Arranger-slash-Delivery Girl ng Sweet Petals. Oh di ba! Kulang na lang ay ang magtransform ako bilang si Supergirl at iligtas ang sangkatauhan sa sobrang dami ng ginagawa ko.

"Yes." maikling sagot ni Ms. Liezl at saka dumiretsong counter. Bumalik naman agad ito na may dala-dala nang susi na may grey keyholder. Ang susi ng grey Honda Civic nito. Oo. Ine-specify talaga ang kulay dahil meron pa siyang pink, blue at black na HC. Oh siya. Siya na ang mayaman, ako na ang madaldal.

"Oh." sabay lahad ng susi sakin. "Gamitin mo muna. Gamit kasi ni Macoy yung delivery van."

"Ok, sige po Ms. Liezl." sagot ko matapos kong tanggapin ang susi. I was to go ahead nang muli itong magsalita.

"I think, Ate Liz sounds better." she let out a little chuckle. "Drive safely, Arrielle." with that she winked then walked towards her office.

She's one full of an amazing person. Mabait na, maganda pa. Parang ako lang. Hehe. Asa naman! But seriously, she reminds me of Patrixe, my bestfriend. Sigh. Three years has been so long. Namimiss kaya ako nun? Haay.

Habang nagdadrive, napalingon ako sa bungkos ng bulaklak na nasa tabi ko.

Magta-tatlong taon na din pala akong nagtatrabaho sa Sweet Petals. Tatlong taon na din since iniwan ko ang lahat ng meron ako noon.

I left the life I had... My granny and grappy, my bestfriend, and the only man I loved whose still occupying the spaces in my heart until now, Phoenix.

Di ko namalayan ang unti-unting paglandas ng mga luha sa pisngi ko.

Haay. Tatlong taon na pero hanggang ngayon hindi ko pa din mapigilan ang mga luha ko sa tuwing maaalala ko sila. It's as if my tears have their own way of thinking that makes me can't stop them from flowing anytime those memories comes into my mind. Tsk. Nanlalabo na tuloy ang paningin ko.

I removed my glasses and wipe my tears using the back of my palm, but before I was able to bring back my glasses, may napansin akong bulto ng isang tao na kaunti na lang ay nasa harapan na ng kotseng minamaneho ko.

*SCREEEAAACH!!!*

"Oh my God!" naibulalas ko sa sobrang pagkabigla. I nearly hit him. Nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang magkahalong gulat at galit na siyang nakapagpa-tindig ng balahibo ko.

Nagmadali akong lumabas para siguraduhing ok lang siya. Nang makatapat ko siya, agad kong napansin kung gaano siya katangkad. 5'3 ang height ko at mukhang hanggang balikat lang niya ako.

"A-are you okay?" nangangatal kong tanong habang nakatitig sa itim na itim na singkit niyang mga mata na sa ngayon ay mataman ding nakatitig sa akin habang nagtataglay ng sobra-sobrang pagngangalit.

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon