^dedicated to @setsunamidori .. I miss you kosa! How's review? A bountiful bunch of God bless and Good lucks to you! Wag makakalimot! :)
MY GIRLFRIEND DELIVERY
By: SupeRienne
CHAPTER 5.3
"Yung susi ng kotse ko, kukunin niya. Guys, meet my driver, Arrielle."
"Ahh." says everyone in sync.
Driver? Kelan pa? Kelan pa ako naging driver nito? Ha? I was supppsed to give him my creepiest glare but upon seeing his famous deadly glares boring an inch-hole in my forehead, ayun at parang nahiya bigla ang mga mata ko.
Sa tabi niya, nakita ko ang babaeng pinaparisan sa katarayan ang mokong na ito. Aba't nahiya naman daw ang mga birdies sa kalangitan dahil mas mataas pa ang level sa kataasan ng kilay ng babaeng to kesa sa lipad nila.
"Ah. O-oo. Yung susi, b-boss." whew! Lord, so afraidy-may!
Come on, lupa! Eat me now! Devour me aliiive!
Tumayo siya sa kinaroroonan nito at naglakad papunta sa kung nasaan naroroon ako.
Dinakot niya mula sa bulsa niya ang susi ng Montero Sport nito, at bago ko pa man abutin ang susing inaabot nito, narinig ko ang mga salitang inusal niya na nakapagpatindig sa mga balahibo ko.
"Humanda ka sa'kin mamaya, Stupid Girl."
My hands where left hanging half-way from getting the keys upon hearing those.
Nagagalit siya. Wala ng deal? Ipapakulong na niya ako?
Naku po! Susmarya! Ano nanaman bang masama ang nagawa ko? Ano nang gagawin ko niyan?
He raised the keys in front of me, and when I was about to get them, he twisted his fingers down. At ano pa nga ba ang inaasahang mangyayari sa susing mula itaas? Alangan namang lumutang, di ba? Kaya ayun, kumalansing ang mga susi mula sa pagkakahulog kaya naman muli, sa ikalawang pagkakataon, heto't center of attraction nanaman ang pagpulot ko.
"Tss. Stupid." Dinig kong sabi ng kung sino man ay hindi ko nakita. Stupid? Ako ba sinasabihan nun? Ako pa talaga? Eh ang walanjong lalaking ito ang meh kasalanan e, tapos ako pa ang stupid? Wow, human!
Bakit ba sa tuwing mapapansin ako, puro kahihiyan na lang ang inaabot ko?
"Ah, s-sige, boss. H-hintayin ko na lang kayo sa labas." sabi ko ng makatayo ako. Di ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko pa kakayanin. Sobra-sobrang panliliit ang nararamdaman ko sa tuwing tinatapunan niya ako ng masamang tingin niyang iyon. Ano nga ba ang nagawa ko at kung makatingin siya eh halos ipagsigawan na niyang isa akong malaking buset sa buhay niya?
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at dali-dali na akong lumabas mula sa lugar na iyon.
Matinding kaba, takot at frustration. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Nagbago na nga ba ang isip niya? Ipapakulong na ba niya ako? Pero bakit?
Arggh!
Pagod na pagod na ang isip ko mula sa buong araw kong klase kanina, at heto pa ang mangyayari ngayon! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Mababaliw na talaga ako!
Napahilamos na lang ako sa sobrang frustration habang malakas na pinagpa-padyak ang mga paa ko. Di ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko hanggang sa makita ko ang mga patak ng tubig sa pantalon ko.
"Iiyak ka nanaman? Sige, iyak lang! Diyan ka magaling! Loser ka talaga kahit kailan! Loser!"
napahagulgol na lang ako dahil mismong sarili ko dina-down ako. Ako na nag-iisa na lang, na dapat siya mismong sumusuporta sa sarili niya, heto at mukhang sinukuan na ng tapang. Isang kaawa-awang nilalang.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Delivery
RomansaA flower delivery made Mr. Despicable meets Ms. Alone. From a flower delivery to an 'Instant Girlfriend'? How would everything turns about to be 'Between Them'.. And from being a 'Delivery Girl', How did she became his 'Girlfriend Delivery'?
