CHAPTER THREE

562 15 6
                                        

^dedicated to @RollyMarcelino for being one of my ultimate supporters. as in ULTIMATE! haha. Thank you! :)

 

MY GIRLFRIEND DELIVERY

By: SupeRienne

 

CHAPTER 3

 

 

UNO's POV

"Woah, dre! Matinding eksena pala yung kanina. Sayang at wala ako dun, outdated tuloy sa muntikan mo ng pagpanaw. HAHAHAHA--Aray! Para san yun?!" reklamo ni Akio, ang pinsan kong kanina pa nang-aasar, habang sapo ang batok niyang binatukan ko.

Langyang to! Ilang beses pa ba niyang ipapaalala ang nangyari kanina? Tinde mambuset, to think na di pa niya nasaksihan ng live yun, pano pa kaya kung andun siya.

"Langya, Akio. Gusto mo na talagang mamatay?!" kung di ko lang talaga to pinsan, malamang matagal ko na tong pinatapon sa Dapitan.

"Tama na yan. Kayong dalawa, umayos kayo at magi-speech na si Mama." seryosong sabi ni Kuya King saka lumingon sakin. "At ikaw, Uno. Mag-uusap tayo pagkatapos nito.

I just shrugged.

Malamang sesermonan nanaman ako ng isang to dahil sa nangyari kanina. Tss. Ano tingin niya sa sarili niya, tatay ko? Eh dalawang taon lang naman ang agwat nun sakin eh.

Tumingin ako sa stage kung saan naroon at kasalukuyang nagbibigay ng speech si Mama.

Ginaganap ngayon ang The Supreme Collaboration, ang annual event kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng shareholders at investors ng South Newton Group of Companies. At bakit kami nandito ngayon?

Dahil sa dugong nananalaytay sa amin.

Yeah. That better explains why.

Our parents are the president of two of the biggest companies under SNGC, and as their future heirs, it is mandatory for us to be here and be acquainted to the future world we will soon be at.

At ang isa pa, siyempre, para sa traditional na pairing ng heirs at heiresses ng mga naririto.

My Girlfriend DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon