05

540 30 0
                                    

Chapter 5: Forgotten

A week has passed, and they still haven't noticed any progress in Ophelia's health, kaya hindi mapagsidlan ang pag-aalala ni Delancey habang matiim na tinitigan ang pinsan, na ngayon ay hindi pa rin nagigising.

Hindi siya sanay na makita ang pinsan na nasa ganoong sitwasyon dahil kilala ito bilang isang babaeng may matatag na personalidad, na iniisip ng lahat na walang dinaranas na problema o sakit. Matabil din ang dila nito kaya naman ay walang gustong kumalaban.

That's the Ophelia she wants to see and not the Ophelia she saw a week ago, up until now.

Delancey cannot bear watching her like this and she can't even fathom what she has endured over the past year, which made her want to avenge her cousin more.

She caressed Ophelia's hair whilst staring at her angelic and innocent face. Ngunit taliwas niyon ang kaniyang ugali. She's not angelic, nor innocent.

The woman in question may be stubborn and brat at times, but she is the most genuine person Delancey has ever known, prompting her to promise herself that she would definitely burn a city just to protect her beloved cousin.

Si Delancey kasi ang nagmistulang nakatatandang kapatid ng dalaga dahil limang taon ang agwat ng kanilang edad. Despite that, hindi iyon naging hadlang para maging mas malapit sila sa isa't isa, lalo pa't ang mga magulang ng babae ang nag-alaga at nag-aruga sa kaniya. Kaya malaki ang utang na loob niya sa pamilya Blackwood.


Delancey instantly tightened her fist with her gritted teeth when she remembered the letter she has read a day after she saved her cousin.

Nakita niya iyon sa brassier ni Ophelia na sinadyang itago, nang bihisan niya ito.

The woman wrote it three days before she left her instant shelter, hoping that it could be strong evidence for her to conquer her justice, dahil doon nakasulat ang lahat ng nangyari sa kaniya sa loob ng isang taon.

Matapos iyon mabasa ni Delancey ay halos bulyawan niya ang lahat ng nakasalubong niyang katrabaho habang nangangalaiti sa galit. Dahil nag-aalab siya na tila isang dragon, gusto niyang may mapagbuntunan, kaya mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motor at pinuntahan ang lalaking laging nagpapakulo ng kanyang dugo.

Ang lalaking peste sa kaniyang buhay, kung ituring.

Nang mahagip ng mata ng dalaga ang binata sa lugar kung saan ito laging naglalagi ay kaagad niya itong sinuntok ng dalawang beses, sapol sa mukha. Ngunit hindi man lang natumba o natinag ang lalaki, dahilan upang mas lalo siyang mainis at magalit. Ito lang kasi may kayang kalabanin ang kaniyang suntok.

"Fuck you! Fuck you kayong lahat! You're such a dick!" Sigaw ni Delancey habang may pahabol pang sampal at hindi na binigyan pa ng panahon ang binata para maka-react.

Mabilis na pinaharurot ang motor paalis ng lugar na tila walang nangyari.

The people who witnessed what happened were too stunned to speak.

Sa araw na 'yon ay iyak nang iyak si Delancey.

Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili dahil wala man lang siya nagawa sa mga panahong kailangan ni Ophelia ng kaniyang tulong. Ni-wala siyang kalam-alam na nasa ganoong sitwasyon ang kaniyang pinakamamahal na pinsan. Ang buong akala niya ay lumayo lamang ito para magpahinga mula sa magulong industriyang pinasukan.

"Wake up, bitch. The world is waiting for you," bulong niya rito habang marahang hinahawi ang buhok nitong lumalapat sa kaniyang mukha.

Hindi niya mapigilang mapangiti nang mapait.

Shyenaugh's Five Billionaire Babysitters (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon