09

565 31 2
                                    

Chapter 7: Celeste Blackwood

Dahil sa nakakabinging katahimikan, mabilis na tibok na puso lang ni Ophelia ang kaniyang naririnig habang pilit na tinatanggal ang bakal na tali niya sa paa. 

Tila namamanhid ang kaniyang katawang lumalapat sa malamig at magaspang na sahig, samahan pa ng nakakapanindig-balahibong ihip ng hangin. Hirap na hirap man, ngunit kailangan niyang gawin ang plano niya. At ngayon ang tamang panahon para doon.

Dalawang buwan na siya sa apat na sulok na mabaho at madilim na impyernong iyon, at isang beses lamang siya nagtangkang tumakas.

 Oo, tatakas si Ophelia, ngunit wala siyang balak na umalis nang tuluyan. Hindi siya maaaring umalis nang ganoon na lamang. Gagawin niya lamang ang pagtakas na iyon para makabisado ang buong lugar. 

Hindi siya aalis dahil hindi niya pa nakikilala kung sino ang ulo sa lahat ng paghihirap niya. 

She wants to make sure that when she leaves this place, she'll drag those people who made her experience this, in hell. She will surely make them rot and suffer in hell, until they beg to be get killed. 

Kaagad nagtagis ang kaniyang bagang sa inisip habang wala sa huwisyong inayos ang takas na buhok sa kaniyang mukha, bago pinakiramdaman ang sarili. 

Hindi puwedeng siya lang ang nagdurusa. Hindi siya makakapayag.

Mapait siyang ngumisi at halos kaawaan ang sarili nang makita ang mukha sa repleksyon na nagmula sa isang sirang salamin. Though it was dim, she could still see herself fully due to the light that came from a seven-inch circumference hole in the wall, enough for her to see her vulnerable self.

Mabilis ang pagbagsak ng kaniyang katawan that she could not even recognize herself, for she was deprived to eat and drink for a day. 

She could only eat four times a week, that's why she tries to save some food for the other day, for her to survive. They even beats her up several times, the reason why the scars, fresh wounds, and bruises, are evident in her fair skin. 

Ophelia felt so terrible upon witnessing herself in that horrifying state. Her expression was twisted with anger and pain with a set of tears that has started to form onto her eyes as she pitied herself in the reflection of the mirror.

"I will surely make you all pay..." she mumbled with her gritted teeth.

Kiniyom niya na lamang ang kaniyang kamao nang tuluyan niyang natanggal ang tali at tahimik na inihakbang ang paa palayo sa sirang mansion na nakatayo puso ng isang liblib na kagubatan. 

Pigil-hininga niyang pinihit ang door knob ng pinto habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa kung saan natutulog ang mga nagbabantay sa kaniya. She couldn't be caught right now. 

She needs at least 30 minutes for her to finish what she aims to do.

At nang tuluyan siyang makalabas, isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan habang pilit na inaaninag ang daan, dahil hindi na sanay ang kaniyang mata sa ilaw. 

Pait na ngiti ang ginawad ni Ophelia sa pasikat na araw nang lumapat ito sa kaniyang balat. Her body instantly felt its warmth as if it was the first time she had felt it, and as if her life had been longing for it for years.

Wala sa huwisyo niyang hinawakan ang kaniyang sinapupunan bago nagpatuloy sa paghakbang palayo sa mansion.

Kung tama ang kalkula niya, halos apat na kilometro ang tinakbo niya noong isang araw dahil halos dalawampung minuto niyang binaybay ang buong gubat. She calculated her speed, and in every 6 minutes of running with her own speed is a 1-kilometer distance. 

Shyenaugh's Five Billionaire Babysitters (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon