19

682 22 24
                                    

Chapter 19: Mimmy

"Napakamaldita ng batang 'yan! Look what she did to my daughter's face! I will never let this slide, principal!" eksaheradong saad ng ina ng batang umiiyak habang galit at puno ng disgusto itong tinapunan ng tingin si Shyenaugh.

But the latter only looked at her with boredom. Mag-isa lamang na nakaupo si Shyenaugh paharap sa kaniyang kaklaseng pula ang mukha na katabi naman ng ina nito.

It's her second day of school, and she's already in trouble, but she cares less because this isn't the first time she's experienced such a situation.

"I already called her guardian, Mrs. Lazarus. We will settle this as soon as possible so, I hope you calm down, as well," tanging sagot na lamang ni Principal Amatara habang seryosong pinakatitigan si Shyenaugh, na hanggang ngayon ay puno pa rin ng kumpyansa sa katawan kahit mag-isa lamang itong nakaupo.

Napailing ito sa inasta ng bata.

"Shyenaugh? Don't you have something to say to Lily?" Tanong ng principal sa mahinahong boses.

Shyenaugh innocently averted her gaze to her. "I have po," she started. "That she deserves it," dagdag nito at tinapunan pa ng tingin ang kaklaseng mas nilakasan ang iyak kaya mas lalong umingay ang buong silid.

"Mahabagin! Bastos na bata! I don't know why you let this kid enroll in this prestigious school! You better expel that kid, principal, or else! Paniguradong hindi pinalaki nang maayos ng magulang!" Mrs. Lazarus.

"With all due respect, ma'am, but I was raised well po," pagputol ni Shyenaugh gamit ang kaniyang maliliit ngunit malamig na timbre ng boses. She even tilted her head at pinalobo ang kaniyang mukha dahil bagot na ito sa sitwasyon.

She then rested her head on the chair. "And I also think you failed as a mother since your daughter is problematic," dagdag niya nang walang pag-aalinlangan. 

Shyenaugh will never just sit kung alam niyang tama siya. She has this principle na siya lang ang nakakaintindi.

Halos mangalaiti naman sa galit ang babaeng kaharap at kung wala lang ang principal, siguradong pinagbunahatan na nito ng kamay ang batang si Shyenaugh.

Bumuga na lamang nang malalim na paghinga si Principal Amatara dahil sa inasta ni Shyenaugh.

"It's obvious that you hurt your classmate, Shyenaugh, and it's bad. Are you aware of the punishment, baby?" mahinahon at may diin na tanong nito. 

Kung hindi pa ito nagsalita, siguradong sasabog sa galit ang ina ni Lily dahil sa naging sagot ni Shyenaugh.

"If you think about it, Principal, I'm still just a kid trying to understand things like your rules and regulations. But yes po, I know everything—I finished reading them the moment I stepped into your prestigious school." Tikom na tikom naman ang bibig ng principal matapos 'yong marinig sa bata.

She's aware that Shyenaugh is special, especially that she's the youngest enrollee in school.  Ngunit hindi pa rin nito puwedeng palampasin ang inastang asal ng bata.

Ang alam lang nito ay isang Fordham si Shyenaugh ngunit hindi alam kung kaninong anak dahil hindi naman nito pinagkaabalahang basahin ang records ng bata. At mahigit lima ang Fordham na nag-aaral sa naturang eskwelahan.

The principal was about to say something, when a loud sound of engines invaded their ears, kaya kaagad silang napatingin sa kung saan nanggaling ang ingay.

Mayayaman ang mga batang nag-aaral sa naturang establisyimento, ngunit ang makitang nag-uunahan ang limang pinakamahal na sasakyan sa harap ng gate ay isang malaking eksena na ikinalaglag ng panga ng lahat.

Shyenaugh's Five Billionaire Babysitters (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon