15

432 22 10
                                    

Chapter 15: Marriage

"Diddy, whawts that?" Kanina pa tanong nang tanong si Shyenaugh habang nakaupo sa gilid ni Lennox na ngayon ay inaayusan ng kaniyang mga stylists.

Tonight is his concert and also his schedule sa pag-aalaga sa bata kaya kinareer ng binata ang pagmu-multitask.

Wala kasi siyang ibang mapagbilinan dito dahil busy rin ang mga pinsan sa kani-kanilang mga trabaho at si Gideon naman ay nasa ibang bansa, kaya walang nagawa si Lennox kun'di dalhin ang bata sa mismong concert niya.

It's been two days since Shyenaugh's first birthday happened at wala pa rin siyang balita sa kaniyang dalawang mga pinsan na hindi niya alam kung paano ipaglayo.

Tutol na tutol kasi ito sa pag-iibigan ng dalawa kasi ika niya, siya raw ang nagigipit lalo pa't papreho niya itong pinsan. Kaya noong naghiwalay ang dalawa, hindi mapaglagyan ang tuwa ni Lennox na siyang muntik na nagdulot ng hidwaan nila ni Declan.

Kaagad dinungaw ng binata ang batang pangisi-ngisi sa salamin habang titig na titig sa isang bagay na kaharap nang bumalik siya sa kaniyang huwisyo.

"That's a hairspray, baby. You put that in your hair para mag-stiff ito." Napatango naman ang bata na tila naiintindihan iyon at pinalakpak ang kamay bago sumagot.

"Cawn I try, Diddy? Haiwspwey," she mumbled the last word while pointing it with her small finger.

She tilted her head as she roamed her eyes around the stuffs in front of her.

Shyenaugh loves seeing new things kaya lagi itong natutuwa kapag dinadala siya ng kaniyang mga daddies sa mga hindi pamilyar na lugar.

"Sure."

Dahil doon ay mabilis namang gumalaw ang isa sa kaniyang stylist's para ayusan si Shyenaugh.

"Diddy, why go thewre?" Tanong ulit ng bata nang marating nila ang backstage. She was pointing the stage where people kept chanting Nox's name.

Buhat-buhat ito ni Lennox habang ang mga tao sa paligid naman ay humahanga silang pinanood, particularly every reflex of Lennox's biceps, since he's only wearing a sleeveless top for his upbeat performance.

"Sana ma-ere ko rin anak ni Nox. Shet, Daddy material! I cannot with the scene!" Impit na tili ng isa sa staffs na secret fan ni Lennox.

"Magtigil ka, Lin. As if naman na mapapansin ka niyan. Kingina kasi, ba't dito pa ako nalagay," sabat naman ng katabi nito.

Ngunit matapos ang pag-uusap na iyon ay wala pang ilang minuto nang tapunan sila ng tingin ni Lennox at ngumiti.

Natuon na rin sa kanila ang buong atensyon ni Shyenaugh.

"Lin, right?" Tanong nito at pasimpleng tinapunan ng tingin ang katabi ng nagngangalang Lin.

The said staff stiffened with her wide eyes.

Hindi kasi nito alam kung ano ang isasagot lalo pa't kinakausap siya ng kaniyang idol.

"Y-Yes, Sir Nox. D-Do you need anything po?"

Lennox chuckled, revealing his perfect teeth, added with how his eyes smiles like the sun's heartbeat.

Dahil doon ay halos maihi ang babae. The woman next to her, couldn't help but roll her eyes several times, rason kung bakit ito siniko ng katabi.

"Can you take care of my Shyenaugh muna? She can't be with anyone, except for people na she finds comfy. And I saw her taking a glimpse of you. Would you mind?" Mahabang turan ni Lennox habang pinakatitigan ang kaniyang staff sa mata.

Shyenaugh's Five Billionaire Babysitters (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon