Chapter 6: Coming
Sampung buwan ang nakalipas at mabilis ding lumaki si Shyenaugh. In her seventh month, her five daddies made a small birthday party for her, at syempre, ang lima lang din ang bisita.
May nakita kasi silang post online na sini-celebrate din ang every month ng sanggol kaya ay walang palya ang kanilang celebration para rito.
Sa ikawalong buwan ng bata ay halos mabaliw ang lahat, at hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang reaksyon nina Declan at Casimir habang iniisip ang pangyayaring 'yon.
"What do you fucking want me to do?!" Sigaw ni Lennox kay Casimir sa kabilang linya dahil sobrang ingay ng nasa paligid niya.
Kakatapos lang kasi ng kaniyang concert, ngunit may fan-signing pang mangyayari ilang minuto mula ngayon.
Aside from being a businessman, Lennox is also a famous singer internationally.
Halos hindi mapirmi si Casimir sa kaniyang upuan nang marinig iyon sa pinsan at tila nawalan na ng pag-asang mapapatahimik niya ang bata dahil kanina pa ito iyak nang iyak.
Mahaba naman ang kaniyang pasensya, ngunit sa puntong iyon, parang ubos na ubos na ang pinakamahabang natira.
He no longer knows what to do.
"Come here, now! Those bastards are not answering their phones," sagot naman ni Casimir habang pilit na pinipigilan ang sariling magmura.
Karga nito si Shyenaugh na halos tumulo na ang laway kakangawa, habang ang kaniyang cellphone naman ay nakaipit sa kaniyang tenga at balikat.
"Baby, shh now, okay? I don't do singing so I can't sing you right now..." saad niya sa sanggol nang may pagmamakaawa habang tinititigan ang pulang-pula nitong ilong.
Halos maiyak din siya sa trip nito dahil bigla itong titigil sa pag-iyak habang pilit na nilalagay sa noo ang kamay at bahagyang tinutusok na parang may gustong ipahiwatig. At kapag hindi niya ito tinutugon ay babalahaw na naman ito ng iyak.
Kaunti na lang at sasabunutan na ni Casimir ang kaniyang sarili sa inis habang iniisip na siya ang pinakabobo sa larong charades kaya kahit ano pa'ng gawin ng bata ay hindi niya ito maiintindihan.
"Shyenaugh, please, I'm also going nuts right now..."
Ilang yugyog na ang kaniyang ginawa para isayaw si Shyenaugh at ilang beses na rin itong binalik sa crib pero iisang galaw lang ang ginagawa ng sanggol na tila nakikipaglaro: Itutusok ang kamay sa noo at bigla-biglang nagda-duck pose.
Dahil doon ay hindi alam ni Casimir kung matatawa ba siya o kakabahan dahil marahas at paulit-ulit itong ginagawa ng bata.
"Ano ba kasi ginawa mo sa bata kahapon?" Singhal niya kay Lennox habang peke pa ring nakangiti sa batang marahang pinahiga sa crib.
Hindi pa kasi nito binababa ang tawag. Mabilis namang kinuha ni Casimir ang cellphone sa kaniyang balikat at hinawakan iyon nang maayos habang pinapatahan pa rin si Shyenaugh.
Mabuti na lang at hindi na masyadong malakas ang iyak nito, ngunit matitinis pa rin kung pakinggan.
"What? I didn't do anything. Pinaalaga ko lang siya kay Vaughn kahapon due to an emergency and I don't know what that fucker did to my baby."
"Swear, I'm going to kill the both of you kapag nabaliw ako rito. Bilisan mo dyan dahit 'pag ako napuno, papasabugin ko 'yang kinatatayuan mo," aniya habang pilit pa ring inaaliw si Shyenaugh.
Mabilis niyang binaba ang tawag at pinakalma ang sarili.
"Cown! Cown! Cown!" whined by Shyenaugh while still gesturing her hands on air.
BINABASA MO ANG
Shyenaugh's Five Billionaire Babysitters (Ongoing)
General FictionFive billionaire bachelors are bound to babysit a naughty child they found on the road when they were dead drunk. And following that chaotic night, visions of them being very overprotective of the child had flashed before their horrified eyes, for...