"Sis!" Paiyak akong tumakbo kay Lian na nakatambay sa corridor. Kakapasok ko palang at gusto ko nalang umiyak sa nalaman ko.
"Bakit?"
"Nagcomeback sila Jess." Kumapit ako sa braso niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hanggang doon lang naman ang abot ko dahil mas matangkad siya sakin.
"Ok lang yan, sis. Hayaan mo na yun, red flag siya." Tiningnan niya ako at saka niyakap.
"Pero ang gwapo kasi, sis! Bat kasi siya gwapo?!" Napatayo ako ng matuwid habang nagrereklamo.
"Aba! malay ko, sis. Hindi naman ako ang nagluwal sakaniya!" Pilosopo talaga 'to, just like the old days.
"Hay nako! Sino ba siya para iyakan?!" Ipinadyak ko ang paa ko out of frustration. Ay wow english! Di mo kaya!
"Kaya nga, sis, sabi sayo e red flag yan!" Sinermonan niya ako na parang biological mother ko siya, tapos biological father ko si ano ehe, ay wag na baka lumabas ang true colors niya. Hindi naman kasi talaga siya nakakatakot, realtalk lang.
"At saka hindi ko naman kasalanan na na-attract ako sakaniya!" Totoo naman kasi! Hindi ko yun kasalanan.
"Ay sis jusko ka, itigil mo na yan." Tingnan niyo siya manermon! Bakit siya ganito manermon?!
"Sino pala yung sinasabi mong lalaki noong nakaraan?" Tanong ko sakaniya dahil nakakaoverthink na siya.
"Ahh hindi ko alam pangalan niya pero pwede ko naman tanungin si Kyle kung gusto mo." Ay wow nag-offer agad si ante!
"Nagtanong ka pa e papayag din lang naman ako!" Siyempre, alangan na tumanggi ako e biyaya na ang lumalapit oh!
"Be, nakakahiya kasi!" Mahiyain pala 'tong babae ko?
"Kaya mo yan, sis! Kilala niyo naman isa't isa, e. Pero ano ba itsura ng sinasabi mong lalaki?" Hindi na ako nagsayang ng oras dahil wala rin naman akong mapapala kung iiyakan ko ang gwapong red flag.
"Um.. matangkad siya, maputi at singkit." Singkit? Hindi naman sa uhaw ako sa singkit, PERO SINGKIT?! WALA NG BAWIAN?!
"We? Sure ka? Turo mo nga sakin." Sinisiguro ko lang naman para hindi ako madisappoint sa huli hehe.
"Oo nga, be! Kahit tanungin mo pa kay Kyle." Gusto ko rin sanang ako nalang magtanong kay Kyle pero nahihiya ako kasi hindi naman kami close, magkaklase lang kami dati pero hindi pa rin kami masiyadong close noon.
"Bakit ako?"
"Basta, be. Makikita mo siya, nasa kabilang room lang naman siya, e, katabi ng room niyo." Akala ko ba nahihiya siyang magtanong kay Kyle pero bakit parang updated siya.
"Hindi ko naman siya hinahanap, sis. Bakit ko siya hahanapin hindi ko naman siya crush, sino ba siya." Wala na akong crush ngayon! Aliza walang crush era.
Hindi ako tumigil sa kakareklamo sakaniya dahil sobrang disappointed talaga ako. Ang gwapo na tao pero hindi marunong mamili ng matinong babae! Okay sige, hindi rin naman ako matinong matino pero choose better to make your life better, kasi girlfriend material ako, yun ang sabi ni Lillian saakin. Siyempre maniniwala ako, uto-uto ako e.
Sa kakasalita ko ay hindi ko namalayang tumakbo na pala si Lian papuntang classroom nila dahil magsisimula na ang first period nila.
Nasabi ko rin ba sainyo na may quiz sila Lian ngayon? Bukang bibig niya iyan kanina na hindi raw siya nagreview tapos nanghihinayang na raw siya sa isang maling sagot! Samantalang ako minsan ay hindi ko pa makalahati ang quiz namin at pareho lang kaming hindi nagreview noon!
Dahil wala pa naman ang first period namin, tumambay muna ako sa corridor.
Isinandal ko ang likod ko sa railing at hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ko, hindi na talaga ako natutuwa sa camera ng cellphone ko, hindi na siya ganoon kaganda katulad ng dati.
Madali lang naman siya gamitin pero gusto ko talaga magamit yung talagang camera niya pero hindi ko magamit kasi nagiging grey siya, sira ata.
Ang swerte kaya ng cellphone ko, lagi ko siyang nililinisan, walang araw na hindi siya malinis. Maalaga talaga ako sa mga gamit ko pero feel ko mas effective kapag siya magpapaalaga saakin hehe.
Sa gilid ng mata ko, naaninag ko ang isang lalaki, kung hindi ako nagkakamali kasi medyo mahaba yung buhok niya, pero hindi naman abot sa bewang no!
Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa railing sa tabi ko at tumalikod saakin. OMG! No one has ever done that to me before!
Sino ba siya para talikuran ako?! Anyways, hindi naman kami close, hindi namin kilala ang isa't isa kaya hindi ko kailangan magpanic. Ok lang 'yan.
At saka, parang familiar siya. Siya ata yung... Halla! Siya ata yung tinutukoy ni Lian! OMMM!!
Napatingin ako sakaniya ng matagal pero siyempre hindi ako nagpapahalata kasi baka isipin niya, "ano ba naman 'tong babae na 'to parang ngayon lang nakakita ng tao." Well, excuse me, matagal na po ako nakakita ng tao!
Simula nung pinanganak ako, tao na agad nakita ko, si Doctor Annaly Marie Joy Palma Evangelista. Hindi naman halatang in-stalk ko sa fb hehe.
Pero OMG! Kanina pinag-uusapan lang namin siya ni Lian, tapos ngayon nakita ko na siya?! Baka naman pinapaasa niyo na naman ako ha.
Sa kakadebate ko sa sarili ko, hindi ko namalayang umalis na pala iyong lalaki. Ay sayang! Ang gwapo pa man din!
Nakita ko ang iba pa niyang kaklase na naglalakad papuntang hagdan para bumaba, siyempre. Ay, maggagarden ata sila, baka yun TLE nila.
Kung ako teacher niya, hindi ko siya pagdadamuhin, paglilinisin ko nalang siya ng classroom.
Pero yun ang TLE nila e, sino ba siya para ipagtanggol ko? Siyempre, future crush ko.
:>
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...