Chapter 6

30 4 0
                                    

"Hoy, nakita mo na si Will?" Tanong nila Jewel saakin.

Paano 'ko ba sasabihin sakanila na matagal na 'kong nakamove on kay Will? Kahit kasi ako, hindi ako makapaniwala na nakamove on na 'ko, e.

Happy crush ko lang naman siya, biglaan ko lang din sinabi sakanila na crush ko si Will. So paano ko ie-explain 'to ngayon?

"'di pa." Matipid ako magsalita ngayon, ano naman kasing isasagot ko diyan? Baka iniisip nila hulog na hulog pa rin ako kay Will.

Tanggap ko ngang hanggang friends lang kami, e, at saka hindi naman masakit, para ngang wala lang.

Bahala na. Sasabihin ko rin naman sakanila 'to kapag ready na 'ko sa mga reactions nila.

Oo nga naman, hindi ako takot na sabihin sakanila 'to, takot lang ako sa reactions nila.

Lumingon ako kila Jewel at Miah, nagkakatitigan sila na para bang nag-uusap sila gamit 'yong mga mata nila.

Hula ko pinag-uusapan nila ako, kung bakit ganun lang 'yong reaction ko nung tinanong nila ako about kay Will.

...

"Parang ewan naman!" Oo na, reklamador ako. Halos lahat ba naman ng tao dito mayroong dalang jacket.

"Aliza, 'di mo dala jacket mo?" Tanong sakin ni Jewel habang isinusuot 'yong jacket niya na croptop. Wow.

"Nakalimutan ko sa bahay, sis." Sagot ko sakaniya. 'yong totoo talaga niyan HAHAHAHA wala talaga akong jacket, humihiram nga lang ako sa kapatid ko, e.

"Ayon oh, hiramin mo 'yong kay Miah." Ngumuso siya sa direksyon ni Miah, pero tumanggi nalang ako, titiisin ko nalang 'tong nakakapasong init ng araw.

Nakakahiya naman kasi humiram, dinala nila 'yon para sakanila tapos akong pachill chill lang dito kukunin ko 'yong sakanila.

Kahit kaibigan ko pa 'yang si Miah, sobrang kapal naman ng mukha kong hiramin 'yon.

Life update: parang ang empty empty ko, hindi naman sa wala akong gana sa mundo ha. Parang ano lang, parang gusto ko munang mapag-isa, gusto ko ng peace of mind.

Hindi ko talaga ma-explain 'yong sitwasyon ko ngayon, kung ano bang gusto kong gawin or may gusto ba talaga akong gawin. Ang gulo no? HAHAHA.

By the way, nakita ko si Will kanina. Wala lang, sinasabi ko lang. Sinusure ko lang kung talagang nakamove on na 'ko, at 'yon nga nakamove on na talaga ang ante niyo! BWAHAHAHA! Nakikita ko na siya as a friend lang talaga and no one can change my mind.

I'm consistent. My consistency is one of my loveliest trait. Kapag may nagugustuhan kasi ako, hindi ko yun tatanggihan ng ilang buwan. Akalain mo 'yon, happy crush lang pero umabot ng 6 months HAHAHAH.

Dati abot ng mga singkit 'yong standards ko, pero ngayon hindi na. Kasi ayaw ko na talaga sa mga singkit.



:> short update muna.

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon