"Dito, dito. Yan ganiyan, kunin mo pa yung isa sa malapit sa hagdan at ilalagay din natin."
Nag-aayos kami sa quadrangle dahil intrams ngayon, maaga kaming pinapasok sa school dahil kailangan din naming tumulong sa pag-aayos. Wow good student!
Balak ko talagang ma-late ngayon pero pinilit lang ako nila Lillian at Miah. Best friend ko na silang dalawa since elementary. Mayroon pa kaming isang kaibigan, si Jewel. Hindi siya maagang pumapasok dahil mahinhin siya, oo alam kong walang connect ang pagpasok niya sa pagiging mahinhin siya, pero sa utak ko mayroon silang connection at ayaw ko lang i-explain dahil tinatamad ako.
"Hoy gago 'to! Hindi ka man lang nagsasabi, hinihintay kita sa room!" Miah Javier, siya yung kaibigan kong malakas manapak, hindi tulad ni Lillian na hindi nananakit ng babae.
"Sorry, sorry! Akala ko kasi nandito ka na sa baba." Yun talaga ang akala ko, na nandito na siya sa baba, chat kasi siya ng chat sakin ng "san ka na?" "nandito na ako, hinihintay kita." Hindi naman niya sinabing sa classroom siya naghihintay, e!
"By the way, nakita mo na si Jewel?" Tanong niya at tumingin sa paligid niya, jusko namimiss niya na naman ata si Jewel, e kakakita lang naman nila kahapon.
"Oo, tumaas na siya kanina pumuntang room, nakita ko." Tumango ako sa 3rd floor kung saan ang room namin.
"Wait, pupuntahan ko siya." Loh bakit sila nagpupuntahan?
"Wag na, hintayin nalang natin siya dito." Sinubukan ko siyang pigilan dahil bababa rin lang naman sila mamaya.
"Aakyat ako, be. Diyan ka lang." Sabi niya sabay alis, umalis siguro siya agad para 'di niya na marinig ang mga reklamo ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas, nakababa na sila. Pinatawag lahat ng mga estudyante na bumaba dahil magsisimula na ang announcement.
Pumila na kaming lahat pero may mga estudyante pa ring paakyat palang dahil kakadating lang nila. Buti 'di ko pa nararanasan 'yon, at never kong hihilingin na maranasan 'yon!
Ay, teka. Hindi ko pa nakikita si ano, nasaan ba siya? Bakit wala pa siya dito sa pila? Ang tangkad na kulangot tapos hindi pa makita! Ay, wow! Makasalita naman ako, hanggang kilikili lang naman ata ako. ATA. NOT SURE, OKAY?
Insecure ako sa height ko, dati pa. Pero hindi ko nalang pinapansin kasi hindi naman importante ang height, minsan pa nga ay nagiging mayabang ang isang tao dahil lang sa matangkad siya. Wala akong pinapatamaan ha.
Hayop! Namimiss ko na siya! Wow, miss agad? Hindi ko pa nga alam pangalan niya, e. Kahit naman malaman ko pangalan niya wala pa rin naman akong karapatan.
"Oy, sis. Nasaan yung crush mo?" Tanong ni Jewel saakin. Well, hinahanap ko rin siya kaya wala akong masasagot diyan, sis. Ay halla! Did Jewel just ask me about my crush?! Wala akong maalala na sinabi ko sakaniya 'yong tungkol sa crush ko!
"Teka lang, paano mo nalaman na mayroon akong crush?!" Napatingin ako bigla sakaniya. Hindi ko alam magiging reaction ko, hindi naman sa ipinagdadamot ko ang crush ko sakanila pero kapag sinasabi ko kasi sakanila mga crush ko, laging nauudlot. Kaya I decided to keep it to myself nalang. Kahit si Lillian, hindi siya updated sa status ko.
"Sinabi ni Miah saakin." Sabi niyang nag-aalinlangan pa!
"Miah?" Dahan dahan akong napatingin kay Miah. Wala rin akong maalala na sinabi ko kay Miah 'yon!
"Um.. e kasi! Aksidenteng nabanggit ni Lillian saakin." Sabi niyang nagdadalawang isip pa kung ibebetray niya ba si Lian o hindi, pero siyempre ako pa rin ang panalo.
LIAN!!!
Oo na, OA na ako pero apology accepted na kahit hindi ko pa nakakausap si Lian, aksidente naman daw, e. At saka wala na akong magagawa, at para namang maitatago ko yun sa buong buhay ko kaya ayos na rin na malaman nila. Hindi naman big deal.
"Speaking of Lillian. Hoy, ante!" Nakita ko si Lian na naglalakad kaya tinawag ko siya at sumama saamin.
Nagkukwentuhan kami, nagtatawanan ng malakas, imbes na manood ng laro hehe sorry hindi po kami interesado sainyo.
Napalakas ata ang hampas ni Miah sakin at muntik pa akong madapa buti nalang may tao. MAY TAO?!
Napatigil ako at ayaw ko pang tumingin sa taong nakatayo sa harapan ko ngayon, oo nag-eexpect akong si crush 'to, sino ba namang hindi mag-eexpect kung ganito na yung sitwasyon?!
Dahan dahan akong tumingin sakaniya at napadabog ang loob looban ko.
"Dave, ikaw pala 'yan!" Oo, na-disappoint ako. Gusto ko talaga siyang mameet, what if eme eme lang ulit 'to? What if hindi na kami magkita ulit? Ang daming what ifs ang umiikot sa ulo ko at parang gusto ko nalang umiyak.
Si Dave nga pala, kaibigan namin.
"Nakita niyo si Will?" Mukha ba kaming tanungan ng nawawalang tao?
"Sis, hindi naman siguro kami mukhang tanod sayo, no?" Dahil sa bad trip ako ay naging pilosopo ako.
"Oy ano ba hahaha. Hindi namin siya nakita, baka nandiyan lang yan sa tabi tabi." Buti nalang sumagot si Jewel, kung hindi baka nagdedebate na kami ni Dave ngayon, magaling pa naman siya sa debate and I can't forget the part that he excels in everything. Ang galing, no? Hashtag proud nanay here! Paano ko siya nailuwal? Huwag, huwag mo ng alamin.
"Dapat sama sama tayo. Pero sige punta na tayo sa taas, baka nandun lang 'yon." Dahil wala naman kaming masabi, sumunod nalang kami kay Dave sa 3rd floor. Magkakapitbahay lang kami ng room, oh diba ang galing! Pwedeng mangapitbahay anytime!
Halos mga estudyante ang nakatambay sa corridor dahil nag-uumpisa na ang laro. Hindi ko pa rin siya nakikita, I'm sure na nandito lang siya pero nawawalan na ako ng pag-asa.
Ay, halla shet! Siya ba yun? Halla! Oo nga! Halla, bakit niya kinakausap sila Dave at Jewel? What if kilala na talaga nila crush ko? Halla wala na, nabuking na.
"Bakit parang ang tamlay mo naman, sis." Tinapik ako ni Miah sa braso.
"Siya 'yong crush ko, e." Tinuro ko yung nakablue na kausap nila Jewel.
"Gago?!" Gulat na sabi o tanong ni Miah.
"Oo nga! Bakit? Kilala mo?"
"Oo, yan yung kaibigan ni Jewel at Dave. 'yan si Will." Wala akong masabi. Wala talaga. Promise.
"Ipapareto kita!" Nagising ako sa sinabi niya.
"Hoy, parang baliw 'to! Wag na!" Itinanggi ko naman dahil sobrang nahihiya na ako.
"Jewel! Dave!" Halla! Talaga ngang gagawin ni Miah!
Dahil ayaw kong tumayo mag-isa, sumama nalang din ako sakanila kahit nadidistract ako sa lalaking kausap ni Jewel. Nahihiya rin naman akong sumingit sa usapan nila dahil hindi naman kami close, at isa pa, wala naman akong sasabihin, baka mapahiya ko lang sarili ko.
Ah! Baka isa lang siya sa mga crush ko na mauudlot. Okay, sige, ayos lang na makagawa ako ng kahihiyan ngayong araw na 'to, ang importante ay isa siya sa mauudlot na crush ko.
Dahil feeling confident na ako and I can feel the victory na. Tumingin ako bigla kay Will, muntik na akong maatake ng nagkaeye to eye kami! Jusko! Lord, kunin niyo na po ako! Nakatingin siya sakin!!
:>
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...