Chapter 3

64 9 1
                                    

Gustong gusto 'kong mawala, gusto 'kong magpabunggo sa kalsada. Sobrang naiirita na ako.

May pinapagawa saamin 'yong art teacher namin. Yes, oo, nagdadrama na naman ako dahil una sa lahat, mukha ba akong national bookstore? Pangalawa, nanay ba nila ako para saakin kunin mga kailangan nila? Ah, baka nga palengke ako.

Sino ba namang 'di maiirita, diba? Pero ayos lang naman, nadadagdagan naman points ko sa langit. Pero nakakainis pa rin 'yon, no!

"Oy, Alixa. Meron kang gunting?" 'to talagang Nick na 'to, lalapit lang kapag may kailangan.

"Sino ka ba para pahiraman?" Sumimangot ako kay Nick.

"Sige na, saglit lang." Mapilit talaga 'tong pato na 'to.

"What if guntingin ko 'yang nguso mo?" Alam naman niyang ganito ako kaya 'di 'yan magagalit. Inabot ko na rin yung gunting sakaniya para lubayan niya na ako.

Ilang minuto rin ang nakalipas, sobrang drain ko na, parang naiirita na ako at hindi ko rin alam yung dahilan. Parang nawawalan ako ng gana.

Ewan ko ba.

Naguguluhan ako sa sarili ko, minsan may gusto akong gawin pero feel ko hindi naman dapat siyang gawin pero ginagawa ko naman, oh diba ang gulo ko, diyan na rin phmapasok yung disappointment sa sarili ko.

Halla si ante ang drama na naman!

Natapos din 'tong activity namin, yey! Pero ewan ko ba, naiirita pa rin talaga ako. Ok people, pabayaan niyo na 'ko.

So, ayun na nga. Pinalabas na kami ng teacher namin, e ako ayaw ko pang umuwi kasi wala lang, ayaw ko lang. Char!

'di pa kasi siya umuuwi, e siyempre i-enjoy ko muna kasi minsan lang naman kami magkita, e. Pero ngayon, hindi 'yon 'yong purpose ko, bad trip lang ako kaya nagcocool down muna ako bago umuwi.

Ayaw ko kasing pati sa bahay nadadala ko yung inis ko tapos lalala. Ok cut, tama na ads.

Habang nagroround ako sa floor namin, dahil nga hindi rin ako mapakali at hindi ko rin alam yung rason.

Nakasalubong ko si France, halla Na-miss ko siya! Pero kahit gaano ko pa siya na-miss, napatingin ako sa lalaking nasa likuran niya. Sa laki ba naman ng taong 'to, sinong 'di makakapansin sakaniya? Yes, po. Si Will nga.

Nagyakapan kami ni France, babae siya guys, ilang minuto lang ay naghiwalay kami sa yakapan, ito talaga yung friendly gesture namin.

O sige, aminin ko, mas gumaan pakiramdam ko after that hug. Napatingin ako kay Will, mga 5 seconds lang. Nahihiya pa kasi ako, bakit ba!

"Hi, Aliza!" 'yang malalim na soft na nakakagamot na nakakamatay na maganda sa tainga na malumanay na boses, binati ba naman ako!

Sana hindi niya nagkamali ng sinabi! Sana ako talaga 'yong binabati niya kasi kapag ako talaga pwes! Tatalon ako dito sa building namin! Walang aawat!

E, napatingin ako sakaniya tas napatango nalang ako kasi hindi ko naman alam sasabihin ko at hindi pa ako ready magsalita! Bad mood lang ako kanina, ah! Tapos ngayon parang sasabog na buong pagkatao ko? Mukha ba akong bomba, ha!

"Uyy, nag-hi siya." Loko talaga 'tong si France kahit kailan!

"Friends lang naman, ah." Pagdedefend naman ni Will. Ay wow! Friends forever! Ok na yung friends, at least mayroon kaysa naman sa wala, diba?

:>

Hay, nako! Papasok na naman, tapos may quiz na naman. Nagquiz nalang sana kami buong quarter, wag nalang magdiscuss! Sino ba kasi nag-imbento ng quiz na 'yan?

Wala pa naman 'yong teacher namin kaya magrereklamo muna ako, ganito kasi 'yong good student, magrereklamo muna bago review.

"Sis, ginagawa mo?" Umupo sa tabi ko si Jewel.

"Wala lang, scroll scroll lang." Wala rin lang naman akong load hehe, trip ko lang talaga mag-scroll.

"Ay. May sinabi sakin crush mo." Taeng 'yan! Umagang umaga siya agad 'yong tsismis?

"Oh? Ano meron sakaniya, sis?" Siyempre act cool lang ako, childhood friend niya 'tong nasa harap ko, e!

"Ano 'yan, sis? Easy-han mo lang, ha." Dagdag ko pa, ramdam ko kasing nakakamatay 'tong sasabihin niya at saka 'yong tingin niya.

"Nagchat siya kahapon, sabi niya friends na raw kayo." FRIENDS?!

"We? As in cinonsider niya na friends na kami?!" Naur, don't touch me. We're friendsss.

"Oo sis!"

Nagchikahan na rin kami ni Jewel tungkol sa happenings sa buhay namin, wala pa rin akong makwento tungkol sa buhay ko, parang nagccrave ako ng privacy. 'di ko na rin kasi ramdam 'yon.

Pagkatapos ng dalawang subject namin, vacant naman 'yong next period namin kaya makikichika muna ako sa kabilang room, kay Lian.

Tagal ko na rin 'di nakakausap 'to, e, busy din kasi kami sa mga assignments na akala mo naman nakataya buhay namin doon. Bakit? Magagamit ko ba 'yon kapag maibabalita ako sa TV na nagnakaw ako ng handbag sa mall? Diba, hindi?

"Uy, sis! Na-miss kita." Sinalubong ko ng yakap si Lillian. As always naman, duh!

"Oo, sis, alam ko. Miss mo siya." Napaurong ako sa sinabi niya. Pareho ko silang miss, nangungulila ako sakanilang dalawa.. ok! Sige, pwede namang mas nangungulila ako sa singkit na 'yon, pero hindi ako fake friend! Oh, diba, napaoverthink pa!

"Wag ka nga, totoo 'to ngayon!" Hindi naman sa sinasabi ko na peke 'yong mga dati hehe.

"Wait, alam mo na ba? Pero secret lang 'to, e." Oh, diba. Tsismis agad dala neto!

"Naneto, tatanungin mo 'ko tapos secret lang naman pala." Hindi nalang niya sana sinabi! Huhu.

Tumawa siya. Oo, tumawa siya. So, ano ang nakakatawa?

Charawt!

"Nagtatampo raw si ano." Halla! Bakit may tampuhan na nagaganap dito?

"Sino?"

"Si ano." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ha? Sino?"

"Si ano ngay." Naneto, ayaw pang sabihin. "Si Will, sis."

"Oh, bakit siya?" Daming tsismis tungkol sakaniya ah, nagmumukha tuloy akong addict sakaniya.

"Nagtatampo raw siya sayo, noong 'di mo siya pinansin. Pero secret lang ha! Wag mo sasabihin kahit kanino."

Namimiss ko lang 'yan kanina ah, bakit parang lumelevel up na? Parang super duper ultra mega pro plus fully paid miss ko na talaga siya.

:>

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon