Chapter 5

37 4 3
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas, parang ang hirap maniwala sa sarili ko. Umaasa pa rin talaga ako na sana mapansin niya rin ako, pero parang 'di 'yon mangyayari. Manhid 'yon, e.

Parang gusto ko magsinungaling ng paulit-ulit sa sarili ko na baka magkaroon pa ako ng pag-asa sakaniya. Hindi naman kami close at hindi ko ine-expect na magiging close kami, malinaw naman na frinendzone lang ako, 'di ba?

Kasi mararamdaman mo talaga 'yong feeling kapag 'di ka talaga gusto ng isang tao, sa una iisipin mo baka nahihiya lang siya pero ang totoo pala na weweirdan na siya sa sayo kasi nga hindi ka niya type.

Pero ayos lang 'yon! Kaysa naman sa umaasa tayo sa wala, 'di ba?

"Aliza, mali 'yong ginagawa mo. Magwawaltz ka, hindi ka maglalakad." Sinabihan ako ng MAPEH teacher namin.

Ilang linggo na rin kaming nagpapraktis para sa prom, ang unfair lang kasi hindi namin makakapartner 'yong gusto namn maging partner. Nagbabase pa rin talaga sila sa height.

Medyo masakit 'yong part na maliit ako. Hehe.

At saka hindi naman ako dancer, e! Ang hirap hirap kaya sumayaw, lalo na kung di mo bet 'yong partner mo. 'di ko naman sinasabing hindi matino partner ko, di ko lang talaga bet. Choosy ako, bakit ba.

Nakailang praktis din kami, 'di ko alam kung anong mali dito sa partner ko, ang kulit ng paa, e. Pati prom kasi ginawang performance task, e.

Sorry, pero may anger issues ako. Manifesting sana mahaba pasensya ng future husband ko.

"Nakakapagod. Tapos nakatutok pa 'yong araw saatin. Hay!" Reklamo ni Miah habang galit na nagpapaypay.

Eto, batak din 'to, e. Magaling 'to sumayaw. Nakakahiya talaga kapag napapagiliran ka ng dancers HAHAHA.

"Miah! Tara recess tayo." Lumapit saamin si Clara, childhood best friend namin.

'To talaga, e! Sobrang galing nito, folk dancer ba naman. Ako kasi tao lang, nagdadabog pa kapag inuutusan.

"Aliza, sama ka samin? Bibili kami." Yaya ni Miah saakin.

Gusto ko rin sana sumama pero wala akong gana kumain kaya tumanggi nalang ako, hindi ko rin naman alam kung bakit pero parang nadadrain ako ng walang dahilan.

Wala din ngayon si Jewel, bawal kasi sa religion nila ang prom, magaling din siya sumayaw kaso mahiyaan talaga 'yong babaeng 'yon. Kapag talaga naging lalaki ako, liligawan ko 'yon. Super flawless ba naman.

Ah, tungkol naman saamin ni Lillian. Hindi na kami masiyadong nag-uusap, dahil busy kami kakapraktis and sa life din namin. Nagkikita naman kami paminsan-minsan, hi dito, hi doon.

"Oy, okay ka lang?" Biglang tanong saakin ni Eliz.

Kaibigan din namin si Eliz. Actually, lahat kaming magkakaklase ay magkakaibigan, kahit na may awayan na nagaganap, ang saya pa rin kasi ang ganap sa room.

"Oo naman, bakit?" Sagot ko naman, super random niya magtanong HAHAHA.

"Para ka kasing naiiyak." Sabi niya, sabay senyas na may luha daw ako sa kaliwang mata ko.

Pinunasan ko naman 'to agad kahit hindi naman ako sigurado na meron talaga akong luha doon.

"'di ah HAHAHA baka sa init lang 'to." Hindi ko naman alam sasabihin ko kaya itinawa ko nalang.

Mayroon kasi akong ugali na kapag mag-isa ko, parang natatakot ako, 'yong parang ayaw kong mapag-isa (and at the same time gusto ko rin), so parang inaatake ako ng anxiety ko kapag mag-isa ako.

Ang gulo ng buhay ko HAHAHAHA.

"Magkakaroon daw ng heart formation."

"Pano ngay 'yon?"

"Maganda 'yon! Basta ipa-praktis ata natin mamayang tanghali."

Siyempre wala naman akong magawa, edi nakikinig nalang ako sa mga chismis sa paligid ko.

Ano nanamang heart formation 'yan? Sa waltz pa nga lang parang hihimatayin na ko, e. Diyan pa kaya sa heart eme eme na 'yan?!

Nakakapagod na nga magpraktis! Nakababad pa sa araw, paano na ako puputi niyan? Ang lala na ng sun burn ko, parang 'di na ko tao sa lagay kong 'to.

Nauubos na nga pasensya ko, oh! Tapos dsdagdagan niyo pa ng heart heart na 'yan.

By the way, excited na ako ma-try 'to mamaya! Kahit nakakapagod na, keri lang! Para sa grades!



:>

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon