Chapter 10

26 1 0
                                    

Kinabukasan, naghanda na akong pumunta sa school. 7:14am palang naman pero feel ko sobrang late ko na, kaya naman nagmadali na 'kong pumasok.

Malapit lang naman bahay namin sa school, kapag maglalakad ka mga 10-20 minutes lang ang magagamit mong oras, pero if ihahatid ako ng papa ko, it will take 5 minutes.

Pero for me kasi, mas gusto kong naglalakad ako. Nakakapag-isip kasi ako ng mga bagay-bagay, and then pag dating ko sa bahay, medyo ok na 'yong overthinker side ko.

Ganda nga ng advantage ng paglalakad ko e HAHAHA, ang disadvantage nga lang is wala akong kasabay.

Dati si Lian kasabay kong umuwi, pero ngayon hindi na kasi lagi naman late ang out namin ng uwian, kaya sinabi ko na rin kay Lian na kahit huwag niya na akong hintayin.

Pagdating ko sa school, para akong sisiw na nanghihina HAHAHA morning walk ba naman tapos bibilisan mo pang maglakad kasi late ka na.

Napansin ko na mayroong blue na kotse na huminto sa gilid ko. At doon lumabas si Will. Taray naman, naka-kotse pa!

Binilisan kong maglakad pa-akyat ng building dahil ayaw ko naman siyang makasabay dahil hindi ako komportable.

Hindi naman ako direktang umamin sakaniya pero 'yong actions and gestures ko, halatang-halata, e.

So, I assume na alam niyang nagkaroon ako ng feelings sakaniya. Ngayon, hindi niya alam na hindi ko na siya gusto. Friend nalang talaga turing ko sakaniya.

Sa pag-aakala kong natakasan ko siya, bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Alizay." Sabi ni Will.

Malay ko ba sakaniya, tinatawag niya kong Alizay, napaka-pangit naman.

"Uyy HAHA." Tinawa ko nalang kahit wala namang nakakatawa. Ang awkward kasi!

Pagka-akyat namin ng third floor, floor na namin, tinanong niya ko and hindi ko ine-expect 'yon.

"Sino 'yong ka-partner mo sa practice?" Napa-isip ako ng ilang segundo.

Alin ang tinutukoy niya? 'yong partner ko ba sa mismong sayaw, or 'yong partner ko sa grand march, which is si kuyang pogi?

I think tinutukoy niya 'yong sa mismong sayaw.

"Ah si Sander." Sagot ko naman.

Tumango lang siya at pumasok na sa classroom nila nang madaanan namin.

Bakit niya tinatanong kung sino partner ko? Hindi naman interesting 'yon ah.

Habang papalapit ako sa classroom namin, nakita ko si Lian na nakatambay sa corridor. Dahil sling bag lang naman ang dala ko, dumiretso na ako kay Lian para makipagdaldalan. Magpapraktis lang naman kami buong week, e.

"Uy, may chika ako." Sabi ko kay Lian. Hindi pwedeng wala akong chika ngayon.

"Ano 'yon?"

"Nakasabay ko kanina si Will, tapos tinanong niya ako kung sino 'yong ka-partner ko. Bakit niya naman ako tatanungin, 'di ba? As if interesado naman siya sa buhay ko." Sumimangot ako sa sinabi ko dahil nagiging OA nanaman ako. Pero parte na talaga ng buhay ko ang pagiging OA hehe.

"Oo nga e, nakita ko. Oh, speaking of Will, may narinig ako tungkol sakaniya." Dali-daling sinabi ni Lian na para bang ang big deal ng chismis na 'to.

Oo, chismosa kami pero hindi kami nangjujudge ng appearance ng isang tao. Ugali lang hehe!

"Talagang hindi ka ba umamin sakaniya? I mean, hindi niya sinabi sayo ang dahilan kung bakit 'di ka niya gusto?" Tanong niya saakin.

"Nope, hindi ako umamin sakaniya at hindi naman kami madalas mag-usap, coincidence nga lang 'yong kanina." Umiling ako sa sinabi niya.

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon