"Aliza, lutang ka nanaman diyan." Sabi ni Miah saakin
"'di ah, sakto lang." Malalim lang kasi 'yong iniisip ko ngayon. What if hindi ko na makita si kuya? Sa lawak ba naman ng school namin, 5% lang ang possible chance na makikita ko siya, plus marami ring tao dito. At saka dagdag na rin natin ang mga malabong mata ko.
Nagpatuloy nalang kami maglakad ni Miah papuntang gym kung saan gaganapin ang mass.
Mayroon kasing gaganaping mass at kailangan dumalo lahat ng mga estudyante, maliban na lamang kung bawal ito sa religion niyo.
Katulad na lamang ni Jewel na bawal ang pakikisayaw sa iba at ang mass sa religion nila.
"Ang init init nanaman." Naiinip na sabi ni Miah.
"Oo nga, wala nanamang hangin mamaya." Nagsecond emotion naman ako, pero ang totoo ay tinatamad talaga akong umupo.
Tumingin ako sa bleachers para tignan kung may space pa ba para doon kami umupo. Hindi naman siguro required na by grade 'to no? Kapag by grade pa talaga 'to, magwawala na talaga ako.
Napahinto ang tingin ko sa lalaking nakaupo malapit sa kaklase ko. 'yong poging kuya na ka-partner ko sa heart formation, na tinatawag din nilang grand march, 'yon ang narinig ko kanina.
"Nandoon sila oh." Tinuro ko ang mga kaklase ko. Sa totoo lang, ayaw ko doon kasi mainit 'yong pwesto doon, pero nandoon nga si kuyang pogi! Minsan lang kami magkita dito sa school, take the risk or lose the chance the na 'to!
"Tara." Pumunta na kami ni Miah sa mga kaklase namin.
Bawat hakbang ko, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. I mean, hindi nga ako kilala ni kuya and hindi ko rin siya kilala, pero hindi talaga mawala sa isip ko 'yong titig niya.
Baka sakaling mamukhaan niya 'ko, dumaan ako sa harapan niya. 'yong puso ko, ang bilis ng tibok.
At ang kapal naman ng mukha ko para dumaan sa harapan niya!
Sinulyapan ko siya, na para bang naging slow motion ang paligid ko. Sa pag-aakala kong mapapansin niya ako, ay hindi nangyari dahil malayo ang tingin niya.
Nang makaupo kami, nagkukwentuhan sila Miah at ang iba pa naming kaibigan. Baka may chika sila sa isa't isa. Uhaw ako sa chika pero pass muna, may gusto akong sulyapan, e, hehe.
Pa-simple kong sinilip sa gilid si kuya, side eye ba. Kunwari kinakamot ko ulo ko pero ang totoo, dumederetso ang mga mata ko sa kaniya. Ang gwapo niya talaga!
Ang swerte naman ni Karl, kaklase ko, ang lapit niya kay kuya. Kaunting usog nalang magkatabi na sila, oh. Hay kainggit naman.
For some reason, gusto kong lumipat ng upuan, gusto ko siya makilala. Ikakamatay ko ata kapag 'di ko siya nakilala HAHAHA.
Jusko ilang beses ko palang siya nakita patay na patay na 'ko?! E, nakakamatay naman kasi talaga 'yong kapogian niya!
So, 'yon na nga. Buong mass, imbes na magfocus ako sa program, lumilipad 'yong utak ko tapos 'tong puso ko kinakabahan pa rin dahil gustong-gusto kong kausapin si kuya.
Pero ang creepy kaya kapag bigla bigla kang kinakausap ng taong hindi mo naman kilala, tapos iisipin mong stalker 'yong taong 'yon! Sino ba namang matutuwa doon, 'di ba?
What if mag-admire nalang ako from afar? My gosh, hirap naman gawin niyan.
Pero hindi ko talaga ine-expect na makikita ko ulit siya. Like, is this fate?! Chariz lang! HAHAHAHA.
Assuming check!
Ako, hindi ako naniniwala sa tadhana. I think it is just made to fool people. Maraming nasasaktan dahil sa tadhana, marami ring sumasaya pero wala pang isang buwan nag-iiyakan na.
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...