Tumambay na rin kaming magkakaibigan sa corridor, siyempre sumingit kami gusto rin naming manood, e.
Mukhang busy sila Dave dahil kanina pa sila sigaw ng sigaw, nagchecheer. Ako, hindi ko maramdaman ang excitement sa panonood, dahil nararamdaman ko si Will sa likod ko. Hindi naman talagang nasa likod ko siya, si Jewel kasi ang nasa likod ko tapos katabi niya si Will.
Gusto ko rin sanang lumingon at tignan siya pero nahihiya ako, matapos kaming aksidenteng magkatitigan, sobrang nahiya ako pati yung libag ko nahiya na rin.
Nakipagdebate pa ako sa sarili ko para lang magkaroon ng tapang na lumingon sakaniya. Pero noong lumingon na ako ay nakita ko nalang siyang umalis at pumasok sa classroom nila.
Parang nadurog ako, bakit parang nawala yung excitement? Hindi ba dapat nakaluwag luwag na ako dahil hindi ko na kailangang pigilan ang hininga ko? Pati sarili ko hindi na natutuwa sa mga kagagawan ko.
Binalewala ko nalang at nanood nalang ako ng laro kahit alam ko sa sarili ko na distracted ako sa behavior niya. Not because I dislike his first demeanor or attitude, I just, alam niyo 'yon, 'yong you are expecting too much na magfifirst move siya just because your friends are also his friends. Alam niyo 'yong feeling na 'yon? Nakakadisappoint siya and then disappointed ka rin sa sarili mo for not making a single move.
Nagvibrate ang cellphone ko sa kamay ko kaya binuksan ko ito para tignan ang dumating message saakin. Ah, sinusundo na ako ng papa ko. Pero ayaw ko pang umuwiii.
Hindi ko pa siya nakakausap, wala pa kaming first interaction–
(Flashback)
Papasok na ako ng gate sa school, alam kong late na naman ako pero nandito naman na ako sa school kaya ayos lang 'yan, sana hindi pa nagsisimula ang first period namin ngayong hapon.
"Halla, mayroon ata akong nakalimutan." Nakalimutan ko yung pera ko sa bahay, ano ba yan! Makalimutan ko na lahat, huwag lang ang pera ko, ano na pang recess ko mamaya?!
Padabog akong naglakad papuntang building namin, noong paglingon ko sa likod ko nakita ko na naman siya pero hindi ko sure na siya 'yon, wala pa kasi akong palatandaan sakaniya.
So, paano ko kaya malalaman na siya talaga 'yon, o hindi? Piniga ko na utak ko pero wala talaga, sa kakaisip ko ay hindi ko na alam gagawin ko kaya sabi ko sa sarili ko, "bahala na."
Mayroon akong problema, hindi kami magkalapit so paano ko mapagmamasdan 'tong tao na 'to? Aha! Alam ko na.
Huminto ako sa paglalakad at kunwaring kinukuha ko ang cellphone ko sa bag ko. So, ayun nga inumpisahan ko na ang acting ko. Noong makuha ko na ang cellphone ko, binagalan ko ang pag-akyat ko sa hagdan, ilang hakbang lang ay nararamdaman ko na siya sa likod ko.
Kinagat ko ang pisngi ko sa loob, bakit ba ako kinakabahan, e hindi naman sigurado na siya 'yon!
Nakarating din sa third floor, sa wakas! Nahirapan ako siyempre, pabigat din 'tong case ko, e. Para akong elementary, nakacase pa mga libro ko. Hindi lang kasi kaya ng spinal cord ko hehe.
Dahil naalala kong sinabi ni Lillian saakin na magkatabi lang kami ng room. Napangiti ako pero hindi ko namalayan na hindi siya friendly na ngiti, hay.
Noong nalagpasan ko na 'yong room B9, nagdadalawang isip pa akong lumingon sa likuran ko pero hindi na ako nag-overthink at liningon ko nalang ang lalaking nasa likuran ko.
Paglingon ko ay nakita ko siyang pumasok sa room B9. Napahinto ako sa paglalakad, hindi ko ma-process sa utak ko 'yong nangyari ngayon.
Gusto kong magsisisigaw dito, gusto kong tumalon hanggang magsawa ako. Siya nga 'yon! Hindi ako nagkakamali, alam ko 'yon. Nakasalamin ako pero hindi ako bulag, dahil unang lingon ko palang sakaniya kanina ay pamilyar na siya agad.
AHH!!!
Ayaw ko na!! Hindi ako makapaniwala... nakasabay ko siyang pumasok!!
(End of Flashback)
Shet! Nangyari pala 'yon! Iiyak na ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, tandang tanda ko pa rin 'yon na parang kahapon lang siya nangyari, pero curious ako kung natatandaan niya ba ako o hindi.
"Uy, uwi na ako." Paalam ko sakanila.
"Ha? Uuwi ka na agad? Hindi mo pa nakakausap si ano, e." 'yon ang sabi ni Dave saakin. Oo, alam niyang si Will 'yong crush ko dahil naniniwala ako sa kasabihang "sikreto ng isa, sikreto ng lahat."
"Oo, sis. Nandiyan na kasi papa ko." Ayaw ko rin namang paghintayin ng matagal si papa, pero gusto ko talaga magstay dito kahit sandali lang, gusto ko lang pagmasdan 'yong lalaking 'yon.
"Kausapin mo muna si Will." Pagpipilit nila saakin. I mean, wala namang mangyayaring mali kung susubukan.
So, 'yon na nga. Sa sobrang cheer nila saakin, na-build ulit yung confidence ko, siyempre isa na naman 'tong chance kaya hindi ko na 'to papalampasin, minsan lang naman din 'to mangyari.
"Parang hindi ko kaya." Sa wakas ay nagsalita rin ako. Hindi ako ready, hindi ako ready na harapin si Will, bakit? Imagine, porket friends mo yung friends ng crush mo iisipin mo ng mayroon kang chance? Hindi ba masiyado 'yon? Parang tinetake advantage mo yung mga kaibigan mo, dapat you want to make memories with your friends because they're your best friends, hindi dahil friends sila ng hinahangaan mong tao.
'yon ang nasa isip ko, na ang hirap sabihin.
"Kaya mo 'yan, sis. Minsan lang 'to!" Linapitan ako ni Jewel at hinawakan ang kamay ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako ha, straight ako, okay?
Huminga ako ng malalim. Hindi na ako nag-isip ng kahit ano, nandito ang mga kaibigan ko para saluhin ako kung i-ignore lang ako ng lalaking 'yon. At saka lalaki lang 'yon! Worth it ba 'yon iyakan? Syempre, oo, marupok ako, e.
Dahan dahan akong lumakad sa harap ng classroom nila, pero hindi ko siya makita, nagtatago ata o baka nakaramdam na mayroon akong gagawin na kahihiyan.
"Wala naman siya." Bulong ko sa mga kaibigan ko.
"Ako na 'to. Ako bahala." Nagsalita ang kumikinang na class president. Bet oh!
"Will, Lumabas ka diyan! Kapag hindi ka lumabas, ma-minusan kita." Ay halla, nagbanta pa nga!
"HAHAHA! 'yan, sis. Pagbantaan mo 'yang lalaking 'yan." G na g si Jewel, e! May farm ata ng galit kay Will.
"Ay, talaga sis. Hindi ako umuurong, dapat magkaroon sila Aliza ng first interaction." Oo naman, hindi niya alam na mayroon na kaming aksidenteng pagkikita. Actually, kami lang ni Lillian ang nakakaalam ng hagdan moments, 'yong sa corridor moments naman ay ako lang nakakaalam.
"Oh, ayan na siya." Tinapik kami ni Miah, akala mo talaga nakataya buhay namin dito, e. Online sabong momentss.
Ayan na siya! Ay, teka lang, pwede ba 'to? Sabi ni Dave, labas, e. Bakit nasa pintuan lang siya.
Okay lang 'yan! Aarte pa ba ako? Pwede naman, pero 'wag ngayon.
"Aliza! Kausapin mo na." Wow, demanding.
Gusto 'kong umiyak. Sobrang kinakabahan ako. What if mahilo ako after ko gawin 'tong kahihiyan na 'to? Hay nako! Gusto ko sumigaw at magdabog hanggang mawasak 'tong building na 'to.
Sa sobrang focus ko sa pagkikipag-usap sa sarili ko, hindi ko namalayan na 'tong mga walang hiyang dalawang paa na 'to ay lumalakad na pala papunta sa pintuan, kung saan nandoon si Will.
Anong gagawin ko?! Anong sasabihin ko kapag nakarating ako sa harap niya?! Sisigaw ba ako o magtutumbling?!
Sa sobrang panic ko ay kumapit ay sa pader, katabi lang mismo ng pintuan nila.
Kaya ko 'to! Hindi ako pakipot!
Huminga ako ng malalim at sumilip sa pintuan nila, nandoon nga siya! Parang mayroong binubuklat na libro, ay wow. Quick thoughts lang hehe.
"Hi!"
Hindi ako ready, pero hindi ko sinabi na hindi ready 'yong boses ko!
:>
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...