Pa-simple akong lumingon sa poging nasa tabi ko, oo! Partner ko ulit si kuya.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na si kuya pa rin ang partner ko ngayon! Nakakapanghina talaga ng tuhod!
Like, nafe-feel niyo ba ang nafe-feel ko?! 'yong feeling na kinikilig ka na tapos gusto mong umiyak kasi magpapauto ka nanaman. Gano'n 'yon!
Inilabas ko ang cellphone ko at ni-lower ang brightness, at pumunta ako sa camera ko.
Oo, pipicturan ko si kuya. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa pero kailangan talaga kasi, e!
Kahit alam kong hindi naman forever na makikita ko si kuya, at least naman mayroon siyang picture dito sa cellphone ko. At pa-simple kong kinuhanan ng litrato.
Stalker na ba 'ko? Pero feel ko hindi naman, kasi nabibighani lang talaga ako sa nakakamatay niyang ka-pogian.
Hindi naman ako nago-overreact ha, ano lang, sobrang attractive niya lang kasi, ang hirap i-explain pero sobrang attractive niya talaga.
'yong mga mata niya.. parang gustong pumatay, 'yong para bang may sama ng loob pero dapat attractive pa rin. Gano'n talaga 'yon, e!
Sa kaka-isip ko ay 'di ko namalayang tumutugtog na pala 'yong music. Halla sasayaw na kami! Gusto ko umiyak sa kilig!
Napatingin ako sa baba nang magka-eye to eye kami ni kuya, jusko po naman! Hindi ako ready!
Na-realize kong kami lang pala 'yong hindi pa gumagalaw, kaya hindi na 'ko nag-overthink pa.
Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at ang kanang kamay naman ay bitbit ng malalaki niyang kamay.
Hindi ako nag-exaggerate sa part na malaki 'yong kamay niya, kasi totoo naman, maliit kasi 'yong kamay ko kaya halata naman talaga 'yong differences ng size namin.
Pero hoy! Ang lambot ng kamay ni kuyaaa!!! Ang pogi nalang jusko! Hindi rin siya gano'n kaputi, moreno ang kuya niyo! HAHAHA.
Muntik na akong atakihin sa puso nang ipatong niya ang isa pang kamay niya sa bewang ko. HOY?!?!?! WTF!! Super attractive!! Grabeng koryente ka, kuya!
To be honest, hindi naman problema sakin kung moreno or maputi 'yong isang tao pero iba kasi 'yong galawan nito, e.
Para siyang chill na walang pake sa paligid, pero at the same time, kaya ka niyang patumbahin ng isang tingin lang. Nai-imagine niyo ba? Nakakapanghina ng tuhod, 'di ba?!
Plus, grey hoodie and school jogging pants lang ang suot niya pero bumabagay pa rin sakaniya?!
Habang ako dito naka-complete PE uniform, na nage-expect na matino ang itsura ko pero ang totoo niyan ay sobrang sunog na ng mukha ko, para bang prinito na manok. At saka, idagdag ko na rin 'yong oily na mukha ko! Sino ba namang matutuwa, 'di ba?!
Habang 'to si kuya, 'unbothered' lang. Parang wala lang sakaniya 'yong mga nangyayari sa paligid niya.
Ano ba 'yan! Hindi ko naman kasi ginustong ma-love at first sight.
"At saka, bago pala kayo sumayaw, mayroon kayong ibibigay sa isa't isa, garland at candle. Mga girls, garland ang ibibigay niyo sa boys while sa mga boys, candle ang ibibigay niyo sa mga girls. Magbibigayan kayo."
Kinuha ko ang keychain na nasa ID ko at ibinigay ko kay kuya, "kuya, kunwari ito 'yong candle." Sabi ko sakaniya.
Tumawa siya at kinuha 'yong keychain sa kamay mo. Hinahawakan niya 'yong keychain ko. Halla! At saka 'yong tawa niya, HALLAAAAAA!!! Nakakakilig!! 'yong mga mata niya nawawala pa kapag tumatawa siya, jusko!
Bakit naman ang cute at pogi nito, Lord maraming salamat po talaga! May inspirasyon na po ako para mabuhay! Thank you, Lord!
Noong natapos 'yong sayaw, tinanong ako ni Dave, "Aliza, siya pa rin partner mo?"
At sure akong narinig 'yon ni kuya, dahil malapit si Dave sa linya namin.
"Oo." Sagot ko naman habang nakangiti.
Lahat kasi sila nag-iba ang partner, maliban sakin.
"Students, balik na po tayo sa dati nating linya. Last practice na po ng heart formation and then uuwi na tayo." In-announce ng MAPEH teacher namin.
Nakangiti akong bumalik sa linya ko, confident kasi akong makakapartner ko ulit si kuya. Sana talaga final na 'to. Wala ng atrasan.
Fast forward hehe.
Umakyat na kami ng partner ko sa stage, kumalma ako na kinakabahan noong nakita ko si kuya.
Naramdaman ko siyang pupunta sana sa tabi ko pero 'tong sir namin, "nak, dito ka nalang pumunta para mas maganda 'yong flow." Iniba 'yong partner! Ayaw ko na talaga, iiyak na 'ko.
At dahil ayaw ko namang magpahalatang disappointed ako sa bagong partner ko, ngumiti nalang ako, hindi rin ako lumingon sa partner ko kasi feeling ko nagka-stiff neck na ako.
"Uy kuya ikaw pala 'yan." Sabi ko kay Kuya JP, bagong partner ko. Kilala ko siya since student siya ni mama ko noong elementary, and same school din lang kami noong elementary, kaya kilala namin ang isa't isa.
"Ay, ikaw pala 'yan Aliza." Sabi niya rin.
Wala naman na 'kong iba pang masabi kaya tumawa nalang ako.
Update, nasa harapan lang namin 'yong attractive kong partner, gusto ko makipag-switch sa kaklase ko para maging partner ko ulit si kuya! Hindi ko pa naman alam pangalan niya.
"Kuya, kunwari ito 'yong kandila." Sabi ko kay kuya JP. Ginawa ko rin 'yong ginawa ko kanina. Epic kasi HAHAHA.
Tumawa siya pero parang pilit, ano ba yan, nakakahiya 'yong ginawa ko. Nag-joke ba naman sa maling tao.
Napangiti ako nang marinig kong tumawa ng tahimik 'yong kuyang attractive. Natawa ba siya ulit sa joke ko o sadyang assuming lang talaga ako?
Pero nage-expect talaga ako na sana ako 'yong dahilan kung bakit siya tumawa. Kahit papaano ay gumaan ang ka-looban ko.
"Oy, miss ka na raw niya." Sabi ng kaibigan ni kuya sabay turo sakin.
Nagulat ako at nahiya dahil hindi ko namalayang nakatulala na pala ako kay kuya! Pero tumpak na tumpak 'yong kaibigan ni kuya sa sinabi niya hehe.
Parang may sinabi si kuya sa kaibigan niya kasi tumawa 'yong kaibigan niya, e.
"Hm. Hindi ko nga alam pangalan niya, e." Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yong kapal ng mukha ko. Basta ang alam ko lang nagsalita ako ng hindi nag-iisip!
"Pakilala ka na kasi HAHAHA." Siniko niya si kuya, hindi ko na rin nakita 'yong reaction niya kasi nakatingin na 'ko sa baba. Kinikilig, pati 'yong mga pimples ko kinikilig na rin!
Pagkauwi ko ng bahay, 'di ko mapigilang ngumiti kakaisip sa mga mata ni kuya.
Bigla kong naalala na kinuhanan ko pala siya ng litrato. Agad agad akong pumunta sa gallery ko.
Hayop, napakasama ng ugali! Putol ba naman 'yong ulo ni kuya sa picture.
:>
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...