Chapter 4

65 9 0
                                    

"Aliza, 'di ka ba nagtataka? Hindi ka niya binibigyan ng pansin dahil hindi ka niya kilala." May boses na bumubulong saakin.

"Hindi ka niya pinapansin kasi hindi kayo magiging magkaibigan, as in complete stranger lang kayo hanggang sa paghiga mo sa kabaong mo." Mapanakit na 'to ha! Makapagsalita akala mo talaga, e!

"Oh, bakit hindi ka makasalita?" Aba! Hinamon pa ako.

"Eh, dapat bang mayroon akong masabi? Pamilyar ka ba sa word na 'overthink'?" Oh, ayan! Para manahimik ka diyan.

"Siyempre, oo. Crush mo na 'yong pinag-uusapan, eh. Papabitin ka ba?"

"Ikaw kaya bitayin ko, lubayan mo nga ako!" Ha! Akala talaga nito 'di ko alam magalit.

"Hindi naman ikaw 'yong hanap niyan, e. Mayroon pang mas better sayo, kaya 'di niya 'yan iisipin na special ka. Manhid ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang?" Alam ko, hindi ako tanga.

Alam ko, hindi ako yung type niya, isang tingin mo lang kasi sakaniya alam mo na agad na hindi kayo para sa isa't isa, e. Pero sino ba naman ako?

"Hoy, Aliza! Okay ka lang?" Tinapik ni Miah ang balikat ko para magising ako.

Ay, nakikipagdebate lang pala ako sa sarili ko.

"Ayan kasi hindi naghihilamos pagkagising sa umaga." Hoy hoy hoy! May routine ako, wag ka!

"Sakit mo naman magsalita, be." Siyempre tinawa ko nalang.

Masakit yung debate ko sa sarili ko, e. Talo na nga ako, lalo pa akong pinag-ooverthink.

"Tara, recess na tayo." Niyaya ako ni Miah, tumayo rin siya agad para 'di na ako makatanggi dahil ready na siya sumabak sa pilahan doon sa canteen.

"Kunin ko lang pera ko, mauna ka na, namamayat ka na ata." Siyempre alangan na papalipas ako ng isang araw na wala akong napapagalit. Hehe.

"Mauna na ako, bilisan mo." 'yon nga, nauna na siyang bumaba.

Pagkakuha ko ng wallet ko, lumabas na ako ng room. Hindi ko namalayan na nakabukas pala 'tong zipper niya, oh ayan nahulog yung barya ko. Jusko! Mahulog nalang kaya kayong lahat para minsanang pulot nalang.

Pagkatayo ko, nasaktan nalang ako sa nakita ko. Alam ko wala akong karapatan pero masakit, eh. Ano gagawin ko dito eh masakit nga, eh, hindi naman 'to magagamot ng paracetamol, ah.

Alam ko namang close sila at 'di dapat ako ganito, hindi ko dapat 'to nararamdaman kasi happy crush lang naman siya.

Tama nga 'yong utak ko, hindi nalang sana ako nagpipilit sakaniya kahit aware naman ako na wala namang mararating 'to.

"Ikaw kasi, puro ka "kontento na ako sa friends" ayan tuloy napala mo." Ayan na naman siya!! Nakakainis ka naaa!

"Kita mo 'yang nasa harapan mo? Babalewalain mo 'yan pero masisira na naman mental health mo dahil diyan. Kaya pinapaalala ko na sayo, 'wag ka na mag-assume. Oh, baka mamaya sabihin mo na namang hindi ka aware na assuming ka?" Ay, halla. Ayaw pa itikom 'yang bunganga niya.

"Alam ko 'yan, baka nakakalimutan mo kapag tumalon ako dito sa building na 'to damay ka na rin." Takutan na pala ang ganap ngayon? Dapat nga nag-eemote ako ngayon, e.

"Mamamatay ka rin naman."

"At least hindi lang ako."

"At least ako ready mamatay, ikaw nga dami mo pang ready ready diyan, 'di mo rin naman itutuloy." Halla, gusto ata ako niyo mamatay!

Bakit napunta sa patay patay 'tong usapan? Broken-hearted lang ako kanina, ah.

"Baliw ka talaga kahit kailan." My powerful word "baliw"

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon