Chapter 6 (2)

39 5 0
                                    

"Hoy, nakita mo na si Will?" Tanong nila Jewel saakin.

Paano 'ko ba sasabihin sakanila na matagal na 'kong nakamove on kay Will? Kahit kasi ako, hindi ako makapaniwala na nakamove on na 'ko, e.

Happy crush ko lang naman siya, biglaan ko lang din sinabi sakanila na crush ko si Will. So paano ko ie-explain 'to ngayon?

"'di pa." Matipid ako magsalita ngayon, ano naman kasing isasagot ko diyan? Baka iniisip nila hulog na hulog pa rin ako kay Will.

Tanggap ko ngang hanggang friends lang kami, e, at saka hindi naman masakit, para ngang wala lang.

Bahala na. Sasabihin ko rin naman sakanila 'to kapag ready na 'ko sa mga reactions nila.

Oo nga naman, hindi ako takot na sabihin sakanila 'to, takot lang ako sa reactions nila.

Lumingon ako kila Jewel at Miah, nagkakatitigan sila na para bang nag-uusap sila gamit 'yong mga mata nila.

Hula ko pinag-uusapan nila ako, kung bakit ganun lang 'yong reaction ko nung tinanong nila ako about kay Will.

...

"Parang ewan naman!" Oo na, reklamador ako. Halos lahat ba naman ng tao dito mayroong dalang jacket.

"Aliza, 'di mo dala jacket mo?" Tanong sakin ni Jewel habang isinusuot 'yong jacket niya na croptop. Wow.

"Nakalimutan ko sa bahay, sis." Sagot ko sakaniya. 'yong totoo talaga niyan HAHAHAHA wala talaga akong jacket, humihiram nga lang ako sa kapatid ko, e.

"Ayon oh, hiramin mo 'yong kay Miah." Ngumuso siya sa direksyon ni Miah, pero tumanggi nalang ako, titiisin ko nalang 'tong nakakapasong init ng araw.

Nakakahiya naman kasi humiram, dinala nila 'yon para sakanila tapos akong pachill chill lang dito kukunin ko 'yong sakanila.

Kahit kaibigan ko pa 'yang si Miah, sobrang kapal naman ng mukha kong hiramin 'yon.

Life update: parang ang empty empty ko, hindi naman sa wala akong gana sa mundo ha. Parang ano lang, parang gusto ko munang mapag-isa, gusto ko ng peace of mind.

Hindi ko talaga ma-explain 'yong sitwasyon ko ngayon, kung ano bang gusto kong gawin or may gusto ba talaga akong gawin. Ang gulo no? HAHAHA.

By the way, nakita ko si Will kanina. Wala lang, sinasabi ko lang. Sinusure ko lang kung talagang nakamove on na 'ko, at 'yon nga nakamove on na talaga ang ante niyo! BWAHAHAHA! Nakikita ko na siya as a friend lang talaga and no one can change my mind.

I'm consistent. My consistency is one of my loveliest trait. Kapag may nagugustuhan kasi ako, hindi ko yun tatanggihan ng ilang buwan. Akalain mo 'yon, happy crush lang pero umabot ng 6 months HAHAHAH.

Dati abot ng mga singkit 'yong standards ko, pero ngayon hindi na. Kasi ayaw ko na talaga sa mga singkit.

CHAPTER 6 (2)

Kinaumagahan na naman at siyempre magpapraktis ulit kami, magbababad na naman kami sa araw. Aray ko ha.

"Kailan daw ba natin ia-ano 'yong formation?" Tanong ni Miah saamin. Yes naman, magkasama ulit kaming tatlo nila Jewel.

"Anong formation?" 'to naman, sinagot ni Jewel si Miah ng tanong din.

"'yong heart formation ngay."

"Ay, oo! Ang init naman kasi. Tutok pa talaga 'yong araw." Sumbat ko. Kahit na ganoon 'yong sinabi ko, super duper excited naman akong ma-try 'yong heart formation na 'yan! Nakakaexcite talaga siya and once in a lifetime lang naman, kaya g na g ako.

"Kaya nga, nakakainis." Nakisabay naman si Miah sa trip ko, hehe! Akala niya talaga wala ako sa mood magpraktis ng heart formation, pwes! Nagkakamali siya BWHAHAHAHA!!

"Grade 10 and Grade 9, doon na tayo sa quadrangle." In-announce ng teacher na nagbabantay saamin, well, marami silang teachers na nagbabantay saamin, halos lahat ng mga advisers namin ay present.

"Tara na."

Sa dami ba namang tao, sa liit kong 'to, siyempre ang hirap makita ng pupuntahan ko, baka mamaya ibang section or grade pala 'yong napuntahan ko, buti nalang nandito 'yong mga classmates ko, ang tatangkad ba naman.

Naglinya na kaming mga Grade 9 sa left side, while 'yong mga Grade 10 naman ay sa right side. Dapat kami 'yong right, e, kasi lagi kaming tama CHAR! pero ayos na rin dahil mas malinong naman dito sa left side. Para naman kahit sandali lang, makatikim naman 'yong mga balat namin ng preskong hangin.

"Guys, ayusin na ang mga linya niyo please." At siyempre hindi kumpleto ang araw naming mga estudyante kung hindi magpapasuway sa teacher namin. Matigas ulo namin, e!

"Mayor! Suwayin mo nga 'yong nasa likod." Tinawag ni Mitchell si Leyla, mayor namin, para suwayin 'yong mga iba pang nakapila sa likod, at para na rin maumpisahan ang praktis.

"Guys! Umayos na kasi, ah. Wala ng aalis sa linya para makapagsimula na." Sigaw ni Leyla sa likod, oh ayan, pinapainit niyo talaga 'yong ulo ni pres HAHAHAHA boys at the back kasi!

Mga lalaki talaga, ayaw paawat, e. Aminin ko, matigas din ulo ko pero ibang level 'yong sakanila, mapapakulo talaga nila 'yong blood, sweat, and tears mo.

Ganoon din kaya 'yong mga Grade 10? Kahit mas matanda sila saamin, matigas pa rin kaya ulo nila? Siyempre duh, oo kaya 'yan!

Speaking of Grade 10, narinig ko kanina magpapalitan daw ng partners ang Grade 9 at 10 para sa grand march. Okay, so 'tong ginagawa namin ay grand march.

Nag-aalala ako baka hindi matino 'yong makakapalitan ko na Grade 10, ayaw ko namang sumayaw na may ganiyang partner.

Okay na ako sa matangkad kahit hindi ko abot basta sana naman matino 'yong makakapartner ko! 'di na ko magmamanifest, hindi naman 'yon effective!

Nagmanifest ako dati ng high grades pero walang nangyari! Siyempre 'di ko naman gets 'yong lessons, e, hehe! Okay balik tayo sa topic.

Nanenerbiyos pa rin talaga ako, kahit anong kalma ko rito, NEVER AKONG KAKALMA!

Isang beses lang 'to mangyayari sa isang taon, bakit pa ako kakabahan? As if gusto rin naman ako kasayaw ng future kapalitan ko, 'di ba?

Pero kahit na talaga! Ayaw ko. Wala naman din akong magagawa kung hindi matino makakapalitan ko, tanggapin ko nalang ang katotohanan. Ouch talaga, masakit na.

Nagplay na si Davine ng music, soft music kung gusto niyo specific. Cellphone kasi ni Davine ang ginagamit pangmusic dahil sakaniya ang available. I mean, available naman 'yong cellphone ko but wala akong downloads. Ok stop na talaga ako.

Naglakad na si Davine kasama ang partner niya kasabay din ang Grade 10 na makakapalitan nila papunta sa gitna ng quadrangle. Ayan na, nagsisimula na. Sumunod naman ang kasunod niya sa linya.

Noong kami na ng partner ko ang lalakad, lumingon ako kabilang side, gusto ko lang malaman kung sino 'yong makakapalitan ko kahit 'di ko naman kilala si kuya.

Sh!t!

'di ko alam kung nag-eye contact ba kami ni kuyang Grade 10 o nauuhaw lang talaga ako sa sobrang init.

Wait lang! AAAHHH!!!

Malabo 'yong mata ko pero... bakit parang ang ganda ng mata niya.

HALLA!!!


:>

Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon