Wait, kinakabahan talaga ako! Bakit naman ganoon yung tingin ni kuya HAHAHA nakakapanghina ng tuhod. Grabe!
Sa stage kami magpapalitan ng partners, and ngayon, papunta palang kami sa gilid ng stage pero parang hihimlay na 'ko sa kaba.
Bakit ba ganoon 'yong tingin ni kuya?
Hindi naman sa pangjujudge ha, pero what if sobrang inip na ni kuya tas iniisip niya na bakit ang haggard ng kapalitan niya. Halla!
Sa kakaoverthink ko, napaayos ako ng buhok ko, lumingon ako kay Eliz sa likod ko. "Eliz, maayos ba 'ko?"
"Halla oo, bakit?" Tumango siya pero bakit parang mas nagduda ako sakaniya. Kaya nginitian ko nalang siya at sinabing wala lang 'yong tanong ko.
Ayaw ko namang isipin niya na tumatarget ako ng grade 10. Kahit totoo naman, hehe!
'to na nga! The moment of truth.
Aakyat na kami ng partner ko sa stage. Bawat hakbang ko, kinakabahan ako, hindi ko akalain na nangyayari 'to. I mean, wala naman talaga akong specific na reason kung bakit ako kinakabahan, basta ang alam ko lang eh kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil malalapitan ko na si kuya o dahil lang talaga sa anxiety kong bigla bigla nalang umaatake.
Noong nagpalitan na ng partner, ang alam ko nalang na sumunod na nangyayari ay naglalakad na kami pababa ni kuya ng stage.
Ngiting tagumpay!
Dahil nga malawak 'tong quadrangle at hindi naman namin kailangang magmadaling lumakad, mayroon naman akong courage para kausapin si kuya, ito na rin kasi yung chance para malaman ko name niya.
Hinawakan ko siya sa braso niya, kasi ganoon naman talaga 'yon, e, huwag kayong ano diyan. Oo, malandi ako sa part na 'yon pero shh nalang.
"Hello kuya!" Binati ko siya at sinilip 'yong mukha niya dahil nakahoodie nga siya at nakamask pa. Baka shy person tsaka ayaw umitim. Wow, nahiya naman 'tong balat kong kanina pa hinihingal sa initan.
Aba! Hindi man lang ako binati pabalik ni kuya, anong akala niya gold siya?! Nakakahiya kaya 'yong ginawa ko. Nakakahiya rin na hindi niya ako pinansin. Papansin lang siguro talaga ako, hay.
Pero nakakasakit ng dignidad 'yon, ha! Ang dami dami kong pinagdaanan para lang ma-gain 'yong courage na 'yon tas hindi lang pala niya ako papansinin?!
Nakapunta na kami sa linya namin, jusko, nakakainlove 'tong si kuya kahit walang ginagawa saakin.
Ilang minuto rin kaming nakabilad sa araw. Meron din 'yong time na nakikichika ako sa mga kaibigan ko, eh kasi naman pano naging heart 'tong formation namin eh para ngang mangga.
"Paano kaya naging heart 'to?" Tanong ko sa sarili ko kasabay ng awkward na tawa. Alangan na tanungin ko mga kaibigan ko eh baka ma-awkwardan ako kapag 'di ako pinansin HAHAHA.
"Ganito." Nagform ng oblong na heart si kuya para ipakita saakin. Halla shet! Ang pogi! Pati boses jusko nakakamatay! Lord, easy-han niyo lang po, sasabog na po ako sa init at kilig dito!
Nagulat ako. As in, nagulat talaga ako, hindi ko ine-expect na kakausapin ako ni kuya, akala ko talaga kanina snobber siya pero sige dahil cute at pogi siya, pagbigyan ko na hehe.
Dahil sa hindi ako makapaniwala sa nangyari, hindi na rin ako nakapagsalita, napatawa nalang ako at ngumiti. Pero sana hindi nakita ni kuya, baka isipin niya kasing creepy ako.
In fairness, ang funny mo, kuya! HAHAHAHA.
"Uy, ganito 'yong heart natin." Ginawa ko 'yong heart na oblong ni kuya sa mga kaibigan ko. 'di ko ine-expect na matatawa sila HAHAHA pero nakakatawa naman kasi talaga.
Sinabi naman noong isang kaibigan ko sa isa pa niyang kaibigan yung heart na oblong. Teka lang, bakit parang ang bilis naman maging famous ng heart na oblong na 'yan.
"Guys, ulitin natin. Hindi nakakasunod 'yong iba, hindi kasi kayo nakikinig." Sinermonan kaming lahat. Pinabalik pa kami sa dati naming linya para ulitin 'yong rehearsal ng formation.
Dahil nga nag-ulit kami ng linya, 99% din na maiiba na 'yong makakapalitan namin. Kasi 'yong iba gusto na ng ibang partner, hindi raw nila bet 'yong partners nila.
Not meeee, first kapalitan ko pogi at cute.
"Ginagawa mo?"
"Binibilang niya 'yong partners para malaman niya kung sino makakapalitan niya HAHAHA."
So, 'yon na nga. Nagbibilang 'yong mga kaklase ko para malaman nila kung pang ilang number sila lilipat para same person pa rin 'yong ka-partner nila mamaya.
While me, kinakabahan nanaman dahil baka maiba 'yong partner ko, pang lima ako so dapat pang lima rin si kuya, dahil kung hindi, iiyak talaga ako.
Sinimulan na ang pangalawang rehearsal ng formation, kinakabahan talaga ako. Kung hindi ko makakapartner si kuya this time, maggigive up na 'ko, pero kapag nakapalitan ko ulit si kuya, edi ang swerte ko naman!
Ayokong lumingon sa gilid ko, baka mawalan ako ng pag-asa agad kaya mamaya nalang para surprise pero tagos sa buto 'yong kaba ko.
Umakyat na kami ng stage, nagulat nalang ako noong umakyat din si kuya ng stage. Halla! Edi... halla! OMG!
Edi siya pa rin partner ko?!
:> i've been really busy. thank you for your patience and understanding.
BINABASA MO ANG
Month of Love
Romance*Based on real life events. Lahat tayo ay nakakaencounter ng tao na nag-iiwan ng asal, memories, sakit, saya, at iba pa. Pero para kay Aliza Mallari, lahat ng taong minamahal mo, nawawalan ng interes sayo. Sabi nga nila, "people come and go." Ayon k...