Patty POV
Wala na silang lahat sa dorm and gabi narin. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto kaya agad akong pumunta don.
Pagbukas ko ay wala akong nakitang tao kundi isang litrato na katulad ng nasa libro.
Malinaw na malinaw ang mukha niya, siya ba si Azulan? May sulat sa likod ng litrato kaya agad kong binasa. "Magkita tayo, sundan mo ang direction na nakasulat dito." Nakita kung may direction kung saan ako pupunta kaya agad akong nagbihis at pumunta kina Alice.
_________
Nandito rin sina Andrew sa dorm nila Alice.
"I have something to tell you, here." Agad kung binigay ang litrato na ikinagulat nila. "Siya si Azulan? Isa siya sa Janitor dito, nakita ko siya nung mag CR ako." Seryusong sabi ni Xian.
"Aalis ako ngayon pupuntahan ko ang binigay niyang direction." Walang emosyong sabi ko sa kanila. "Samahan kana nami-"
"Wag na Alice, mag pahinga nalang kayo. Alam kung pagod kayo sa pakikipaglaban kanina." Nakangiting sabi ko sabay kuha ng litrato at umalis.
Napunta ako sa likod ng lumang CR I admit na natatakot rin ako baka kasi may multo.
"Patty." Agad na napatingin ako sa likoran ko at nakita ko ang may katandaan na lalaki. Tumawa ito ng mahina dahil siguro sa mukha ko na gulat.
"Alam kung marami kang katanongan, tama ako?"
"Alam niyo naman pala bakit pa kayo nagtanong?" Seryusong sabi ko at umupo sa upuan.
"Tama nga ang iyong ama, isang ka ngang pilosopa." Natatawang sabi nito. "Tsk."
"Straight to the point please." Pilit na ngiting sabi ko, rinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"Ako si Azulan ang kaibigan ng iyong am-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may katanang tumama sa kanya, and namangha ako dahil nahawakan niya ito habang sa akin ang kanyang tingin.
"May sinabihan ka ba tungkol sa pag punta mo dito?" Seryusong sabi nito. Bigla ko nalang naisip ang mga ka grupo ko, no this can't be.
"Isa sa ka grupo mo ang ispiya ng kalaban." Walang emosyong sabi nito at itinapon ang katanan rinig ko naman ang paghiyaw ng lalaki, natamaan siguro ng katana.
Biglang lumabas ang mga nakaitim na mga lalaki kaya naghanda na rin ako.
"Umalis ka na Azulan! Ako na ang kakalaban sa kanila, matanda na kayo baka mapano pa kayo dito!" Seryusong sabi ko habang nakikipaglaban.
"Kaya ko ang sarili ko, matanda lang ako pero kaya ko pang makipaglaban bata." Natatawang sabi nito.
Bakit habang tumatagal ay dumadami sila shit!
"Nasa likod mo Azulan!" Sigaw ko dahil muntik ng matamaan ng baseball bat si Azulan.
Kung hindi lang talaga ako mataba! Ubos agad 'to.
Kinuha ko ang baril na nasa hita ko at pinaputok ito, and thanks kay Azulan ang bilis niyang makipaglaban madali lang naming natalo ang mga kalaban.
"Sa susunod ko nalang sasabihin ang lahat kapag alam mo na kung sino ang ispiya sa grupo mo." Huling sabi niya at agad siyang nawala sa paningin ko.
May traydor ba sa grupo ko? Sana mali ang kutob ko.
_________
Nanatili akong nandito sa dorm ko, ayaw ko munang pumasok. Alam kung pupunta sila dito sa dorm.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SOCIETY: LOVE SYNDICATE
Mystery / ThrillerAviona Icy Monterial isang anak ng mafia boss lahat nang gusto niya ay nakukuha niya, siya ay isang basagulera palaging nasasangkot sa away at walang inaatrasang laban, lalaban siya hanggat kaya niya. She pretending to be a fat so that those who wa...