CHAPTER 25

41 2 0
                                    

Third Person POV

"Walang hiya ka! Ginagamit mo ang anak ko sa kademonyohan mo!" Galit na sigaw ni Preselia ang ina ni Damon.

Hindi alam ni Damon na buhay ang kanyang ina.

"Wala ka ng magagawa Preselia, malapit na akong maging isang Emperor King!" Demonyong tumawa si Fred.

Nakagapos sa kadena ang dalawang kamay ni Preselia habang nasa kama. "Demonyo ka! Dinadamay mo ang anak ko sa kademonyohan mo!"

"Saan pa ba magmamana ang anak mo? Edi sa ama niya, sino ba ang ama niya diba ako Preselia?" Lumagok ng wine si Fred.

"Hindi ikaw ang kinikilala niyang ama Fred, hindi mo rin karapatang maging ama dahil wala kang kwentang ama!" Galit na inihagis ni Fred ang basong may wine at sinakal si Preselia.

"Oo wala akong kwenta, dahil sa oras na makuha ko na ang gusto ko, papatayin ko na siya kahit anak ko pa siya!" Natakot naman si Preselia sa narinig niya.

"Hayop ka! Hayop! Walang kapantay ang kasamaan mo!"

"Paano kaya kapag nalaman ni Damon na bunga siya ng pagtataksil mo?" Malademonyong sabi ni Fred.

"Hindi ako nagtaksil, ikaw ang nagtaksil Fred! Ginahasa mo ako! Pinagtaksilan mo ang asawa kong si Juan! Kaibigan ka niya Fred, pero paano mo nagawang gahasain ako na asawa niya huh!" Humahagulgol na sigaw ni Preselia.

"Mahal kita Preselia, ako ang una mong nakilala diba? Pero bakit si Juan ang pinakasalan mo! Kaya hindi mo ako masisisi Preselia kung bakit ko nagawa 'yon sayo!" Galit na isinara ni Fred ang pinto at naiwang umiiyak si Preselia.

"Damon, 'wag ka sanang lamunin ng galit mo." Umiiyak na sambit ni Preselia.

__________

"Bakit ba tayo nandito sa likod?" Saad ni Porn na mahahalata mong galit. "Kailangan kung hanapin ang mga ka grupo ko, kung ayaw niyong sumama pwede na kayong umalis." Seryusong sabi ni Patty habang patuloy na naglalakad.

"Kung hindi lang sasama si Vainley sayo, aalis talaga kami!"

"Vainley, sumama ka na sa pesteng kuya mo! Para wala ng maingay!"

"Anong peste huh?"

"Bakit? Peste ka naman talag-"

"Pwede ba, Wag na kayong mag away baka magka envelopan kayo!" Natatawang sabi ni Vainley na ikinahinto ni Patty sa paglalakad.

"Manunukso ka na nga mali pa!" Iritang sabi ni Patty.

"Developan Vainley hindi envelopan!" Seryusong sabi naman Porn.

"Bakit galit kayo na mali ako? Kayo huh!"

"Titigil ka o putol dila mo? Choose?" Walang emosyong sabi ni Patty.

"Pano kong si Andrew ang pipiliin ko?"

"What the fvck Vainley! Sa dinami dami ng lalaki si Andrew pa talaga!" Galit na sambit ni Porn.

"Magbabangayan lang ba kayo dito?" Pag singit ni Hub habang inaalalayan si Sperm na walang malay.

"Maiwan ang gustong magpaiwan, let's go!" Seryusong sabi ni Patty at naunang naglakad.

"Talo ka yata Porn?" Natatawang sambit ni Cells.

"How can I win if the enemy is my Queen?" Nakangiting sabi ni Porn habang nakatingin kay Patty na ngayon ay naunang naglakad.

"Inlove na ba ang no girlfriend since birth namin?" Natatawang sabi ni Cells.

Umiling iling nalang si Porn bago sumunod kina Vainley.

UNDERGROUND SOCIETY: LOVE SYNDICATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon