Patty POV
Nandito ako ngayon sa dorm ko, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Ibig sabihin si Vainley ang nagliligtas sakin sa tuwing nanganganib ako?
Agad na lumabas ako sa kwarto ko dahil sa ingay sa labas.
"Queen buksan mo ang pinto!"
"Open the door Queen!"
Agad kong binuksan ang pinto.
"Can you all shut the fvck up!" Iritang sigaw ko sa kanila.
"Q-queen, kanina habang nasa dorm kami biglang may kumatok sa pinto at pag bukas namin walang tao at ang nakita lang namin ay ang itong kahon." Humahagulgol na sabi ni Heartliar at ipinakita ang kahon.
"Then?"
"Queen ang laman nito ang damit na isinuot ni Alice! Dugoan ang damit na nandito Queen! Baka kung ano na ang nangyari kay Alice at James, Queen gumawa tayo ng paraan para mahanap sila!" Umiiyak na sambit ni Angel habang ako ay seryusong nakatingin sa kanila.
"Bakit pa hahanapin ang taong wala na?" Bigla namang huminto sila sa pagkakaiyak. "Wala ka na bang pakialam kay Alice huh! Hindi mo ba inisip ang mga nagawa niya sayo huh!" Saad ni Trina habang dinuduro ako.
"Inisip din ba niya ang nagawa kong mabuti sa kanya bago niya 'ko traydorin? She betrayed me, bakit ko pa siya hahanapin? Maganda nga 'yon diba? Siya na mismo ang lumay-" tatalikuran ko na sana sila ng agad na sinampal ako ni Xin the childish.
"Ginagalang kita Queen, pero hindi naman po tama na hayaan natin si Alice, alam naman nating may rason siya kung bakit niya nagawa satin 'yon! Napatawad na namin siya kasi naiintindihan namin siya!" Umiiyak na sabi ni Xin.
"Hindi ako kagaya niyo! I'm not soft hearted, I'm ruthless, I'm baddass, I'm the Queen of all Assassination, I'm the Princess of Underground, the leader of the Deadly Demons! How dare you to slap me childish?" Galit kung sigaw na ka ikinatakot nila.
"D-dahil sumusobra ka na Queen!" Pag singit ni Alfred.
"I don't care! Kung gusto niyong hanapin si Alice, edi hanapin niyo!" Padabog kung isinara ang pinto at inilabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ilang minuto ang nakalipas ay agad ko ng pinunasan ang luhang nasa pisnge ko.
"Ano pala ang connection ng 10509?"
"Hmmp, bibigyan kita ng clue. Nasa dorm mo."
Agad kong naalala ang sinabi ni Azulan kaya agad kung hinalungkat ang buong dorm.
Lahat hinalungkat ko na pero wala naman! Pinaprank lang siguro ako ng matandang 'yon!
Dahil sa pagod at ang lagkit na ng katawan ko, napagdesisyonan kong maligo muna.
Inopen ko na ang shower at bahagyang pinikit ang mga mata ko. "Kailan ba matatapos ang misyon ko dito? Malapit na ang birthday ni Mom." Umiiyak kung sabi habang nakapikit.
Tumitig ako sa salamin at tiningnan ang buong mukha ko, "Manang mana talaga ako kay mom, kahit mataba ako maganda pa rin." Natatawang sabi ko.
Agad na pinatay ko ang shower at naglagay ng tuwalya sa katawan ko. Napatingin naman ako sa kurtina, may pulang umiilaw kasi, agad kung tiningnan at iniwalis ang kurtina.
Isa itong locker, 'yon bang may pipindotin kang password.
"Hmmp, bibigyan kita ng clue. Nasa dorm mo."
Ito ba ang sinasabi ni Azulan?
Dali dali kong tinype ang numerong 10509, and I was shocked biglang bumukas ang pader.
Pumasok ako at kinakapa ang switch ng ilaw, pag bukas ng ilaw tumambad sakin si Azulan. Buti nalang naka towel ako.
Pumalakpak pa siya habang patungo sakin, "Sa wakas nahanap mo rin." Nakangiting sabi niya.
"If you really want to get out, find where the door is. You shouldn't ask anyone for help. Try to find the door with your own ability bye my angel." Naalala ko ang sinabi noon ni Dad nong tinawagan ko siya.
"Ito ang pintong tinutukoy ni Dad?" Naguguluhang tanong ko kay Azulan.
"Yes."
"Diba sabi mo inabandona niyo na ito? Paano kayo nakagawa ng labasan dito sa skwelahan?" Bahagya naman siyang natawa.
"Simple, pinapasok namin ang isang spy namin dito para gawin ito."
"Diba sabi mo hindi lang kami ang naghahanap sa leader ng Darkness, sabihin mo sakin kung sino sila! Dahil gulong gulo na ang utak ko!" Seryusong sabi ko sa kanya.
"Malapit mo ng malaman, bumalik ka na sa dorm mo at magbihis. Basta kung may mangyari man alam mo na kung saan kayo lalabas." Umirap muna ako bago bumalik sa dorm.
__________
"Patty!" Padabog kung binuksan ang pinto. "Diba sabi ko sa inyo, hindi ko hahanapin si Alice-oh Vainley anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko, akala ko sina Angel ang kumatok.
Agad ko siyang hinila at pinaupo sa sala. "Vainley, ikaw ba ang nagliligtas sakin sa tuwing nanganganib ako?" Nagtataka naman siyang tumingin sakin.
"Gosh Quern! Hindi ko nga alam saan ang labasan dito diba, bago pa nga lang ako nakapasok dito sa skwelahan!"
"Kung hindi ikaw, sino?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam Quee- wait lang Queen sasagutin ko muna ang tawag huh." Saad nito at nagtungo sa bintana.
"What?!" Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"What happened Vainley?" Kasabay ng tanong ko biglang umingay ang buong paligid ng skwelahan.
"Queen, si Alice kasi hawak ng leader ng Darkness, Queen humihingi ng tulong sina Alfred nasa abandonadong room sila kung saan ka daw kinulong noon." Nanginginig na sambit ni Vainley.
Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng mga gamit, "Let's go." Seryusong sabi ko at agad na lumabas.
Pagkarating namin ay walang tao, "Shit! Vainley!" Galit kung sambit dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.
Binlockmail kami! Ginamit niya ang boses ni Alfred! Tuso talaga ang leader ng Darkness! Damn.
Umayos ako ng tayo at ganon din si Vainley na nasa likod ko, "Queen I'm sorry, hindi ko alam."
"Tsk!" Saad ko at sinangga ang katana ng lalaki, madaming mga nakaitim na mga lalaking papunta sa amin nakapalibot sila.
"Queen, kaya ba natin 'to?" Kinakabahang sabi ni Vainley.
"Kakayanin." Seryusong sabi ko at nakipaglaban.
"Ahh!" Agad na napatingin ako kay Vainley dahil natamaan siya sa hita.
"Kuyaaaaa!" Malakas niyang sigaw at agad namang lumabas ang apat na lalaki at pinaggitnaan kami.
Pumunta ang isang lalaki kay Vainley at inalalayan palapit sakin, habang ang dalawa ay nakikipaglaban.
Ibinigay niya sa isa niyang kasama si Vainley at seryusong nakatingin sakin ang mga mata niya, naka pang ninja kasi sila.
"Sleep well my Queen." Huling sabi niya bago ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SOCIETY: LOVE SYNDICATE
Mystery / ThrillerAviona Icy Monterial isang anak ng mafia boss lahat nang gusto niya ay nakukuha niya, siya ay isang basagulera palaging nasasangkot sa away at walang inaatrasang laban, lalaban siya hanggat kaya niya. She pretending to be a fat so that those who wa...