CHAPTER 18

35 2 0
                                    

Patty POV

"Aray!"

"Huy mataba! Bumalik ka dito!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ng babae dahil sinusundan ko ngayon si Porn, gusto ko siyang sundan baka may malaman ako. Dahil malakas ang kutob ko na siya ang leader ng Darkness Organizations.

Sana nga tama ako....

Napunta ako dito sa pinakadulo ng University, sobrang baho! May matataas na pader at may mga dugo sa bawat pader. Malamang palaging may patayan kaya palaging may dugo bawat sulok ng University nato.

Inikot ko ang paningin ko at wala akong nakitang Porn, laking gulat ko ng may biglang humila sa kamay ko at isinandal ako sa pader kaya napadaing ako. "Shit!"

"Sinusundan mo ba ako?!" Boses lalaki, sobrang init ng hininga niya.

I know he's Porn.

"Hindi." Mahinahon kong sabi sa kanya. I heard his chuckles.

"Lier! Alam kong sinusundan mo 'ko FATty!" Agad ko siyang pinalayo sakin at seryusong tumingin sa mga mata niya. "Tsk! Sino ka ba para sundan kita huh? Napaka assuming mo talaga kahit kailan!" Inis kung sabi sa kanya.

"Don't you dare look at me in my eyes! I hate being looked at!"

"Kung ayaw mong tingnan kita sa mga mata mo pwes ako gustong gusto ko! Ikakasaya ko ang pinaka ayaw mo!" Nakangising sabi ko, mas lalo niya naman Inilapit ang mukha niya.

Gulat nalang akong napatingin kay Porn at Damon, yes nagaaway na sila ngayon. Ang bilis ng pangyayari.

Thanks to Damon.

Kinuha ko ang baril ko sa hita at itinutok kay Porn, "Stop it Porn!" Seryusong sabi ko pero hindi parin sila tumigil.

"I said stop!" Galit kung sigaw at ipinutok kay Porn, pero dahil magaling umilag si Porn ay mabilis siyang nakailag at galit na tumingin sakin habang si Damon ay nakangisi.

Namumula ang mga mata niya, tumitig ako sa mga mapupula niyang mga mata. Agad na bumalik sa pagiging kulay brown ang mga mata niya.

Kahinaan niya talaga ang titig ko....tsk!

"Hindi pa ako tapos sa inyong dalawa!" Galit siyang tumingin samin ni Damon at agad na umalis.

"Okay ka lang lilsis?"

"Nakita mo naman ang nangyari diba? Tapos magtatanong ka pa kung ayos lang ako? Tingin mo ayos lang ako huh?!" Iritang sabi ko sa kanya at ibinalik ang baril sa hita ko.

"Sorry naman lil sis, bakit mo kasi sinusundan si Porn?" Agad ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. "Hindi ko siya sinundan!" Madiing tugon ko.

Tumawa naman siya, "'Wag ka ng mag deny, halata kaya kanina. That's why I decided na sundan ka baka kasi may mangyari sayong masama and hindi nga ako nagkamali. Buti nalang sinundan kita lil sis, hindi mo ba ako pasasalamatan?" Nakangusong sabi nito.

"Inutosan ba kitang sundan ako huh?" Seryusong sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang napakamot sa ulo niya, "Lumayo-layo ka nga! Baka may kuto ka mahawa pa ako! Shoooo!" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Grabe ka lil sis! Wala akong kuto no!" Natatawang sabi niya at kinurot ang pisnge ko kaya napanguso ako.

"You're so cute lil sis." Nanggigigil na sabi niya kaya tumawa nalang ako at naunang maglakad. "Hey lil sis wait!"

Hindi na ba ako ang dating Aviona? 'Yong taong seryuso, hindi tumatawa. Binago na ba talaga ako ni Damon? Hindi ako mahilig tumawa pero si Damon nagawa niyang patawanin ako.

UNDERGROUND SOCIETY: LOVE SYNDICATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon