Patty POV
Nagising ako sa kwartong lahat ay kulay itim, madilim pero mabango.
Biglang bumukas ang pinto kasabay ng ilaw. "Queen!" Agad na niyakap ako ni Vainley.
"Vainley kamusta na ang hita mo?" Tanong ko sa kanya.
"Okay na siya Queen." Nakangiting sabi nito.
"Sino ba ang mga lalaki kanina? Bakit ka sumigaw ng kuya huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ahmm, ganon na nga Queen eh. Hindi ko pala alam na nadito pala nag-aaral si Kuya." Nakakamot batok na sabi niya.
"Sino siya? Siya ba si Arkin?" Agad na umiling iling naman siya.
"Yes but hindi Arkin ang name niya dito, siya si-"
"Vainley!" Agad kaming napatingin sa apat na lalaki at 'yong isa naman ay kahit mata lang ang makikita ko ramdam ko parin ang galit na expression ng mukha niya.
Bakit hindi pa nila tanggalin ang nasa mukha nila.
"Ahm Queen, si Kuya pala." Sabay naman kaming napatingin sa isa't-isa. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at kita ko ang saya, takot at galit.
Agad siyang umiwas ng tingin, bakit parang naalala ko sa kanya si Porn? Wait what? bakit naman nasali si Porn.
"Queen are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Vainley, hindi ko pala na pansin na umiiling ako. "Y-yeah." Nahihiyang tugon ko.
"Nasaan pala tayo?" Tanong ko sa kuya ni Vainley, bumuntong hininga muna siya.
"Nandito ka sa secret dorm namin, actually ako lang ang nakakaalam nito at ako lang din ang gumawa nito." Seryusong sabi niya.
"Hindi ko tinanong kung sino ang gumawa nito at kung sino ang nakakaalam nitong sekretong dorm mo, tinatanong ko lang kung nasaan tayo." Walang ganang sabi ko rinig ko naman ang mahinang tawanan nila.
"Yeah you're right, but sasabihin ko din sayo na nasaan lang walang TAYO!" Mas lalong umingay ang kwatro dahil sa tawa ni Vainley at nong tatlong kasama ng kuya niya.
Really nagawa pa nilang tumawa eh kumplekado na ang situation namin dito. "Pangit naman siguro pakinggan kung sasabihin ko kung nasaan lang diba?" Iritang sabi ko sa kanya itinaas niya naman ang dalawang kamay niya.
"Okay, Okay. Panalo ka na." Natatawang sabi niya at umalis, sumunod naman sa kanya ang tatlo.
_________
Alfred POV
Nandito kami ngayon sa room na hindi na ginagamit, nagtatago kami dito. Gumugulo na ang skwelahan sa tingin ko kagagawan ito ng leader ng Darkness.
"Anong gagawin natin?" Nagaalalang tanong ni Heartliar.
"Kailangan nating magsama-sama." Seryusong sabi ni Andrew na ikinatayo ni Angel.
"Wala na ngang pakialam si Queen diba! Kaya 'wag na tayong umasa sa kanya!" Galit na sabi ni Angel kaya lumapit ako sa kanya at pinaupo.
"Intindihin niyo rin si Patty, kahit ako ganon din ang mararamdaman ko. Sa ngayon kailangan niya munang ipahinga ang sarili niya." Seryusong sambit ni Andrew.
"Bakit, tayo? Pagod na rin naman ah! Mas mabuti pa sigurong mag hiwa hiwalay na lang tayo!" Padabog na sabi ni Heartliar at lalabas na sana ng pinigilan siya ni Xian.
"Akala ko ba solid tayo? Akala ko ba walang iwanan? Bakit ngayon parang hinahayaan niyo na, na matalo tayo! Alam niyo hindi mananalo ang kalaban pag sama sama tayo, at nagtutulongan tayo! Sabay sabay tayong lalabas diba? Ngayon pa ba tayo mag aaway away? Ngayon pa ba tayo maghihiwa hiwalay? Sa dinami dami na nating pinagdaanan ngayon pa ba tayo magkakawatak-watak!" Kaming lahat ay natahimik dahil sa sinabi ni Xin, ngayon lang siya nagsalita ng ganyan.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SOCIETY: LOVE SYNDICATE
Mystery / ThrillerAviona Icy Monterial isang anak ng mafia boss lahat nang gusto niya ay nakukuha niya, siya ay isang basagulera palaging nasasangkot sa away at walang inaatrasang laban, lalaban siya hanggat kaya niya. She pretending to be a fat so that those who wa...