26

31 0 0
                                    

26


"Yes, mom. Asan po si Lia? I want to talk to her" I said over the phone

Nag aayos ako nang gamit habang kausap si mommy sa phone. Mamaya pa 1pm ang convention kaya may oras pa ako para mag ayos.

"Lia! Mommy wants to talk to you" dinig kong sigaw ni mommy

"Hi, mommy!"

"Hello, baby. Have you eaten your breakfast?"

"Yes po, when are you going back home? Miss you, mommy"

I pursed my lip. "Tomorrow afternoon. I miss you already, baby"

"Lia will play now, bye bye mommy"

I miss her already. Pagkatapos kong mag ayos, naligo ulit ako para fresh mamaya. Bandang alas dose nang napagpasyahan kong magtungo na sa Convention center. Malapit lang naman sa hotel kung saan ako tumutuloy. Pagkarating ko sa venue, agad akong umupo sa bandang dulo.

Ilang minuto ang nakalipas. Dumadami na ang mga tao sa venue. I saw a lot of familiar faces. Ang iba sa kanila, lumalapit sa akin para kumustahin ako. Iba't ibang CEO or leaders ang nandito. Ang iba sa kanila, nakasama ko na sa convention at trainings noon.

Napaangat ako ng tingin nang may naglapag ng sandwich at juice sa harapan ko. My hands flew to my mouth to cover my shock. Agad akong tumayo para yakapin ito.

"Oh my god! How are you, Ali?"

He gently taps my shoulder.
"I'm good, at pogi pa rin"

Mahina ko siyang kinurot at bumitaw sa yakap.

"May utang ka pang dalaw sa amin ah! Hindi ka na kilala ng anak ko, nakalimutan na niya ang pagmumukha mo" Natatawa kong sabi.

Alistair Ameer. He's one of the few who knows about my child. Alam niya lahat. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, hindi siya nagdadalawang isip na tumulong. Isa siya sa tumulong sa pagpapalaki kay Lia. Parang tatay na rin ang turing ni Lia kay Ali. Kaya hindi siya nagkakajowa dahil pinagkakamalan siyang daddy ni Lia.

He spoils Lia as if it is own his daughter. Lagi nga niya sinasabi ' What Lia wants, Lia gets' I have told him several times to stop spoiling my daughter.

Umismid ito bago umupo sa tabi ko.

"Paano niya makakalimutan ang pagmumukhang ito? No one forgets this handsome face of mine"

"Ang feeling mo!"

He chuckled. "Are you free next week?"

I nodded.

"Let's go out, babawi ako sa inyo ni Lia. I miss that cutie patootie"

Mahina akong natawa sa sinabi ni Ali. Kung makapagsalita naman 'to parang siya talaga ang daddy ni Lia. Kami nga ang dapat bumawi, ang laki ng utang na loob namin sa kanya.

"Why are you laughing?"

"Wala, may iniisip lang"

Humalukipkip ito saka mataman akong tinignan.

"Sus, pwede mo naman sabihin na ako yung kaligayahan mo, na ako ang dahilan nang pagtawa at pag- ngiti mo"

Napanganga ako sa sinabi niya. Binatukan ko siya ng ilang beses. Kahit kailan talaga.

"Ouch! That hurts, Leila."

"Sorry, ikaw kase eh ang feeling mo,"

"Kaya hindi ka nagkaka- boyfriend, dahil mapanakit ka" Umarte pa ito na parang nasasaktan.

"Wow, kung makapagsalita ka akala mo naman may girlfriend ka!"

"Kaya nga, single ka at single ako. Baka tayo-"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now