14

33 2 0
                                    

                                  14


Habang naglalakad kami papuntang National Book Store, kay Virgo lang ako tumatabi at siya lang kinakausap ko. Dahil naiinis ako sa mukha ni Adriel. Kanina pa siya tumitingin sa akin na may mapanuyang ngiti. Ayaw niya akong tantanan matapos akong matalo sa laro.

Inaasar niya ako dahil sa reaksiyon ko kanina. Sino naman kasi ang matutuwa sa dare niya. He even said that, he likes to annoy me. That he likes to see me being annoyed. Ang layo ng ugali ni Adriel sa kapatid niya. Kung ugali ang pag uusapan, panalo na si Virgo. Kumbaga sa laro, hindi pa nga nagsisimula, disqualified na si Adriel.

Pero pagdating sa itsura, I'm not gonna lie. Adriel is more handsome and attractive. Meron kasing gwapo pero hindi attractive, pero si Adriel ay gwapo at attractive.  Habang si Virgo, ang cute niya at hindi nakakasawa tignan ang mukha niya.

"Maganda ba ito basahin?" Tanong sa kin ni Virgo.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa iyan nababasa"

"How about this?"

Kinuha at ipinakita niya sa akin ang libre na may genre na romance.

"I don't know, pero mukhang maganda. Iyan nalang bilhin mo" I suggested.

"Okay, I'll buy this."

I chuckled. "Ang bilis mo kausap"

"Ikaw nagsabi eh, I trust you. Pag nagustuhan ko ito, ililibre kita"

"Yown! Aasa ako"

I heard Adriel cleared his throat. Napalingon kami sa kanya. Muntik ko nang makalimutan na kasama pala namin si Adriel. Blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa amin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Let's go home," he said while his eyes remained on me

"Mauna kana kung gusto mo, may bibilhin pa ako. Sana hindi ka nalang talaga sumama"

His jaw clenched. He stares at me so intensely. He didn't even blinking. I swallowed hard. He sighed.

"Sorry... I won't go home without you"

"Okay, but please stop staring at me like that."

"Why?"

"I don't like it. Para mo akong pinapatay sa tinginan mo. You're always like that, kaya maraming naiilang sayo."

Kitang- kita ko ang pag igting ng panga niya.

"May ibang tumatakbo sa isipan ko habang nakatitig ako sayo. I refrain from saying it"  He licked his lower lip.

Napakurap-kurap ako ng maisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Iba ang nasa isipan ko ngayon. Nakakainis dahil iba't iba na ang pumapasok sa isipan ko dahil sa mga kilos niya.

Inirapan ko siya saka bumalik sa paghahanap ng libro. Bumili na rin ako ng canvas at paint brush. Tahimik lang na nakasunod si Adriel sa amin. Tumigil siya para mamili rin. Habang si Virgo ay kinakausap ako.

"Hindi kita nakita sa Acquaintance Party, hindi ka ba pumunta?" He asked.

"Pumunta ako kaso umuwi rin agad"

"Bakit? Ang daming nangyari. Sigurado akong usap- usapan ang nangyari sa marriage booth."

Napatigil ako sa pamimili. Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka.

"Why?"

"Nagbayad si Anitha para masubukan ang marriage booth. Si Adriel ang gusto niyang groom. Ang lapad ba ng ngiti niya noong nahuli si Adriel ng student council." Natatawa niyang Saad.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now