27

35 1 0
                                    

                                 27



Bandang 6pm na ako dumating pilipinas. Sinundo ako ng driver ni mommy. Dumaan muna kami sa paboritonh donut shop ni Lia. I ordered honey glazed, it's her favorite flavor. Pagkatapos ko bumili, agad na kaming nag tungo sa bahay.

Ang unang sumalubong sa akin ay si mommy. Agad kong hinalikan ang kanyang pisngi.

"Did the convention go well?" She asked

"Yes, my. Where's Lia?"

"She's in her room. Kanina ka pa niya hinihintay."

Tumango ako. "Puntahan ko muna siya, my. "

Mabilis akong pumanhik sa kwarto ng anak ko. Nadatnan ko siyang nanonood ng children song's and videos sa iPad niya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hi, I'm back" I said and I open my arms widely.

Kita sa mukha niya ang pagka gulat. Niyakap ko siya ng mahigpit at tinadtad ng halik sa pisngi.

"You're back, mommy! Namiss kita"

"And I missed you too"

"And I bought something special for you," dagdag ko sabay pakita sa isang box ng donut.

Excited niya itong binuksan at kumuha ng isang honey glazed. Natawa ako dahil mukhang sarap na sarap siya sa donut.

"Thank you, my" saad nito habang ngumunguya.

"You're always welcome. Isa muna ang kakainin mo ah, let's eat dinner first"

Nag ayos at nagligo muna ako. Babawi ako ng tulog. I've been very busy this week. Panay ang hikab ko habang nagsusuklay ng buhok. Pagkatapos ko mag ayos, sakto rin na tinawag kami ni mommy para mag hapunan.

"Kailan kayo uuwi sa condo niyo?"

Uminom muna ako ng tubig bago sagutin si mommy.

"Bukas po, pagkatapos natin madalaw si daddy."

"Bibisita ako minsan, mamimiss ko 'tong apo ko"

Tumango ako. Pagkatapos namin kumain, naglaro muna kami ni Lia bago siya pinatulog. Maaga pa kami bukas kaya maaga rin kami matutulog. Kailangan ko nang lakas para bukas, we'll be visiting dad tomorrow.

Kinabukasan, nauna akong nagising para ayusin ang gamit namin ni Lia dahil babalik na kami sa condo. Mabuti nalang, hindi masyadong marami ang dinala naming gamit. Sakto nang matapos ako, nagising na rin si Lia. Tinulungan niya akong mag ayos ng higaan at maglinis ng kwarto. Pinaliguan ko muna si Lia bago kami bumaba para kumain sa agahan. Nadatnan namin si mommy na abala sa pag- eehersisyo.

"Good morning, sweethearts!" Bati niya sa amin habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Good morning, Lala"

Mommy smiled. "Mauna na kayo kumain, tatapusin ko lang ito."

I nodded. Tinulungan ko rin ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapag- kainan. Pinaupo ko si Lia para pakainin.

"Mommy I want donuts! Pretty please" she said and pouted.

Kinurot ko ng mahina ang kanyang pisngi.

"I will give you your donuts after you finish your breakfast, okay?"

Nakabusangot itong tumango. Pagkatapos namin kumain, pumanhik na ako sa kwarto para maligo. Nakalipas ang isang oras, bumyahe na kami papunta sa cemetery. Magkaiba kami ng kotse na sasakyan ni mommy dahil dederitso na kami sa condo. Pinauna ko nang pinababa sa kotse si Lia dahil kukunin ko pa ang bulaklak na nasa likod ng kotse.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now