35

42 1 0
                                    

                                                                                                35



"If you're not married to Ali, then who's the father of your child?"

Naramdaman kong unti-unting binabalot ako ng kaba. My knees are trembling right now. My palms are sweating hard. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Marahan kong pinapaypay ang sarili ko dahil naiinitan ako at hindi ako mapakali.

Napalunok ako ng ilang beses. Dahan dahan ko siyang tinignan. He's waiting for my answer. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Mukhang nagtataka siya sa mga kinikilos ko. I don't think this is the right to tell him the truth. Napayuko ako dahil hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong. Tila ba nanghihina ang buo kong sistema.

Laking pasalamat ko nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Kailangan ko ng bumalik sa opisina.

"K-kailangan ko ng bumalik sa opisina. T-Thank you for joining me h-here"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmamadali ako umalis sa cafeteria. Halos takbuhin ko na pabalik sa opisina. Mabilis ang bawat hakbang ko. May ilan akong nakakasalubong na may pagtataka sa kanilang mukha. Habol- habol ko ang aking hininga pagkarating ko sa opisina.

"Fvck, hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang katotohanan." Bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa swivel chat at ginulo ang buhok. Nagtatanong palang siya kanina, kinakabahan na ako. Paano pa kaya kung alam na niya ang totoo. Nanginginig pa rin ang katawan ko. Fvck. I wasn't expecting that he will asked that question. Hindi ko napaghandaan.

"Excuse me Ma'am, the board of directors are already there. They're expecting your presence any minute from now."

I nodded. Inayos ko muna ang aking sarili. Ilang minuto ang nakalipas, tumulak na ako sa meeting. It is the usual meeting. We discussed new policies and reviewed the company's performance. Nag inat ako ng katawan nang matapos ang meeting namin. Naiwan kaming dalawa ni Janice sa conference room. May nirereview akong papers habang siya tumutulong sa pag aayos ng mga papeles na tapos ko nang pirmahan.

"Janice" tawag ko sa kanya.

Natigil siya sa kanyang ginagawa at binalingan ako.

"Yes po, ma'am?"

"Wag mo na ulit papasukin si Mr. Villarreal sa opisina ko"

"P-paano po....kung ayaw magpa awat?"

"Call the guards. Throw him out of my company."

"O-okay ma'am."

Pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa. I need to divert my attention. Marami akong iniisip, dumagdag pa talaga si Adriel. Nang matapos ko ang aking ginagawa, niligpit ko na ang mga gamit ko. Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa isang shop para bumili ng donuts.

"Hello, mommy"

Sinalubong ako ni Lia ng yakap. Hinalikan ko siya ng paulit ulit. I miss this little girl. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong donut. Niyakap niya ulit ako dahil sa galak.

"Thank you, mommy. How's work po?"

"It's tiring baby. Aakyat muna sa taas si mommy, magbibihis muna ako then we'll play, okay?"

She nodded. Binigay ko kay manang ang donut. Sinenyasan ko siya na isang donut lang muna ang ibigay kay Lia dahil kakain pa kami ng hapunan. Naglaro kami ni Lia hanggang napagod ito. Minsan ko nalang makasama si Lia dahil balik trabaho na ako.

Kinaumagahan, hindi na ako nakapagpaalam kay Lia dahil ang himbing ng tulog niya. Tumulak na ako sa opisina.

"Good morning, Ma'am"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now