16

33 3 0
                                    

                                  16



"Let's dance" Yaya sa akin ni Caesar.

Mahina akong umiling. "Dito nalang ako, I'll join you later"

Ngumuso si Caesar bago tumalikod at nagtungo sa dance floor. Naiwan akong mag isa sa table namin. Inubos ko na ang beer at inilipag na ang baso. I won't drink anymore. May pasok pa bukas. Inilibot ko ang aking tingin para hanapin ang mga kaklase ko. Kumulo ang dugo ko nang makita si Anitha. She's wasted. Bigla nalang akong naiinis sa kanya, sa mga kilos at sinasabi niya. Minsan, kahit hindi pa siya nagsasalita, naiinis na ako.

I heard that Adriel is here with his friends. Inilibot ko pa ang tingin ko para hanapin sila. Natigil ang tigil ko sa pamilyar na mukha. Sinipat ko ito at namataan si Taj na kausap si Adriel. Napansin ko rin si Rhys sa tabi ni Adriel na may kasamang babae. Kaya pala ginagalingan ni Anitha sa pag sayaw dahil andito si Adriel, lol.

Agad akong umiwas ng tingin nang napansin ako ni Taj. Inilabas ko nalang ang cellphone ko para libangin ang sarili. Habang abala ako sa pagtingin sa social media ko, nabalikwas ako ng may biglang humawak sa balikat. Habol habol ko ang aking hininga dahil sa gulat. Napahawak ako sa dibdib saka hinampas si Caesar sa balikat.

"Mamamatay ako sa gulat dahil sayo, nademonyo ka!" Bulyaw ko sa kanya.

"Sorry, magugulatin ka pala. Come on, let's dance"

"Paano kung ayoko?"

"Susuntukin ko puson mo"

Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Dahan dahan akong tumayo. Inakbayan niya ako papuntang dancefloor. Nilapitan kami ng mga kaklase namin. Napanganga ako ng biglang sinayawan ako ni Caesar. Napatakip ako ng bibig. Ang landi ng potek, kung hindi lang kita kaibigan, iba ang iisipin ko.

Nakahumalukipkip ako habang tinitignan pa rin si Caesar na parang tanga na sumasayaw sa harapan ko. Narinig ko ang mga mapanuyang sigaw ng mga kaklase ko. Hindi ko mapagilang matawa. Lasing na ata si Caesar. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko saka kinuhanan siya ng video. Ipapakita ko sa kanya bukas ang video. He's so hilarious.

"Gusto mo ba ako?!" Sigaw ko.

Kailangan ko iyon isigaw dahil sa lakas ng music, halos hindi na kami magkarinigan. Imbes na sagutin niya ako agad. Lumapit muna siya sa akin saka may binulong. Sa sobrang lapit namin, halos halikan na niya ang pisngi ko. Kinurot ko siya sa tagiliran nang marinig ang sinabi ni Caesar.

"Mas gugustuhin ko pa magkagusto sa pader"

"Gago, hindi ako flat!"

He chuckled. " Wala akong sinabi. To see is to believe"

"Gusto mo makita?" Hamon ko sa kanya.

"Joke, yuck" umarte ito na parang nasususka.

"Taray mo, ikaw pa talaga ang nasusuka ah"

He laughed. Hinampas ko siya mahina saka sinabayan siya sumayaw. Ngayon ko lang napansin, wala si Anitha. Kanina pa siya hinahanap ng mga kaklase ko. Nagpatuloy ako sa pagsayaw. Napatigil ako nang kinalabit ako ni Caesar at ngumuso tila ba may itinuturo. Nilingon ko ito. Nakita ko si Anitha na nasa table nila Adriel. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Inaabangan ko ang gagawin ni Anitha.

"Are they really close now?"

Nakuha ni Caesar ang atensyon ko. Nagkibit balikat ako.

"Iba talaga ang kamandag ni Anitha"

"Don't mind them"

Nilibang namin ni Caesar ang sarili namin sa pagsasayaw. Bandang 12 am na kami nagpasyang umuwi. Sabay na kaming lahat pumunta sa may parking lot. Habang papalapit kami sa parking lot, namataan namin si Anitha kasama sila Adriel. Lasing na lasing na talaga siya. She can't even stand straight. Akay- akay siya ni Taj.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now