EPILOGUE

47 1 0
                                    

                         EPILOGUE


"Pakikuha lahat ng papers, tapos ko nang pirmahan iyan" utos ko kay Janice.

Nag inat ako ng katawan at naghilot ng sintido. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na pala ng gabi. Today was another tiring day. I ran some errands. Umattend ng meetings. Kakatapos ko lang mag review at pumirma sa mga mahahalagang papeles.

Kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan ang mga mensahe. Sa sobrang busy kanina, wala akong oras para basahin ang mga mensahe. May naramdaman akong kiliti sa may tiyan ko nang makita ang pangalan ni Adriel.

Adriel: Nag lunch ka na ba?

Adriel: Are you busy?

Adriel: I'm at the airport. May flight kami ngayon.

Adriel: I'll pick you up later

Adriel: Tapos na ba work mo, ma'am?

Adriel: I guess you're not yet done.

Adriel: Nandito na ako sa parking lot. Dito nalang ako maghihintay, Ma'am :)

Marami pa siyang mensahe pero hindi ko na binasa lahat. Nakangiti ako habang nag iisip ng irereply sa kanya. Paulit ulit ako nagtitipa tapos buburahin ko lang din naman. Kaya bandang huli, hindi ko nalang siya nireplyan.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas ng office. Nagpaalam ako sa ibang empleyado na nandito pa. Tumulak na ako papuntang parking lot. Konti nalang ang mga sasakyang nandito. Kaya agad nahanap ng mga mata ko si Adriel. Nakasandal siya sa kanyang kotse at nasa kanyang bulsa ang kanang kamay niya. Habang ang kaliwang kamay niya, ay may hawak na isang bouquet of red roses.

My heart hammering my chest. I bit my lip. I can still feel my heart is pounding loud. Tumikhim ako. His eyes darted on me. Ngumiti si Adriel at naglakad papalapit sa akin.

"Hi....I bought this for you" he said and handed me the bouquet.

I smiled. "Thanks"

Inamoy- amoy ko ang bulalak. Red roses never fails me. Bumaling ulit ako sa kanya.

"Natapos mo ba lahat ng paperworks, Ma'am?"

"Oo, I'm exhausted."

"Mag dinner muna tayo. Where do you want to eat?"

"Doon nalang sa palagi nating kinakainan"

He flashed a smile. "Okay, Ma'am. Copy that!"

Napangiwi ako. Pinagbuksan niya ako  ng pintuan sa front seat. Umikot siya ang pumasok na rin sa driver's seat. Inayos muna namin ang seatbelt. Binuhay niya na ang makina bago tumalak papunta sa restaurant.

Tatlong buwan na simula noon nalaman niya ang totoo. Simula nun, palagi na siya pumupunta sa bahay at kadalasan doon na rin siya natutulog. Ginagampanan niya talaga ang pagiging ama niya. Nagtatampo ako minsan dahil mas close na sila ni Lia. At hindi ko gusto sa pagiging ama ni Adriel ay, he's spoiling Lia. Iyan din ang nagiging dahilan ng pag aaway namin.

Sa loob ng tatlong buwan. Naging maayos ang lahat. Nag usap na rin si mommy at sila Tito Albert. Nagkapatawaran na at bumalik sa dati ang pakikipagtungo nila sa isa't isa.

Ganun rin kami ni Adriel. Nag usap na rin kami ni Adriel tungkol sa nangyari noon. Adriel is still winning me back. Hindi siya sumusuko. I rejected him many times but he still tried a million times. I hated the fact that he has still an effect on me. Hindi ko magawang mag sinungaling sa sarili ko. I've fallen for him again. And that's the fact.

Sa loob ng tatlong buwan. He never fails to make me feel love.  Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya nahuhulog na rin ako. I'm afraid that he will leave me again, pag sinasabi ko sa kanya. O may malaki na namang problema ang darating.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now