29

33 0 0
                                    

                                 29




Kinabukasan, late na akong nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Mabuti nalang, naka vacation leave ako. I'm free from stress sa work. Ginising ako nang anak ko dahil may lakad kami ngayon kasama si Niecy. Inimbita niya kami sa birthday party ng pinsan niya. It's a kid's party, kaya mag eenjoy talaga si Lia. Alas dos pa ng hapon ang party, may oras pa kami maghanda.

Bumaba na ako para puntahan si Lia, kasalukuyan itong naglalaro kami si Manang. Kinuha ko muna ang binili namin mga damit ta binalot ito, nakakahiya naman kung wala kaming dalang regalo.

"Tata Niecy we'll be there, right?"

Napalingon ako kay Lia bago tumango.

"Then we will play there, mommy."

Lumapit ako sa kanya at marahabg sinusuklay ang buhok.

"Oo, baby. She misses you so much,"

Matagal na rin silang hindi nagkikita ni Niecy. Busy rin kasi si Niecy. Bandang ala una, bumyahe na kami ni Lia kasama si Manang. Medyo malapit lang naman ang venue ng party kaya hindi masyadong hassle.

Pagkarating namin sa venue, nahanap ng mga mata ko si Niecy nakatayo sa may pintuan, may kausap itong lalaki na mukhang business man. Lumabas na kami sa kotse at nilapitan si Niecy. Hawak-hawak ko ang kamay ni Lia.

"Holy cow! How are you, Leila? I miss you" Wika ni Niecy na may kasama pang tili. Yumakap ako at bumeso sa kanya.

"I'm fine, miss ka rin namin"

"Hello our little cutie patootie! Did you miss me?" Mabilis na kinuha ni Niecy si Lia para kargahin.

Nakangiting tumango ang anak ko.

"You're growing too fast, Lia. You're so pretty talaga," Sabay kurot sa pisngi ng anak ko.

Tumikhim ako saka sinaman siya ng tingin.

"Ang pretty mo rin, Tita"

Lumapad ang ngiti ni Niecy dahil sa sinabi ng anak ko.

"Eto naman, sinabihan ka lang ni Lia ng maganda, naniwala ka agad" Mapang- asar ko sambit.

"Aray! Ano ba" Napahawak ako sa braso nang hinampas ito ni Niecy.

"Kahit hindi sabihin ni Lia, maganda naman talaga ako" she confidently said and flick her hair.

"Pumasok na tayo sa loob, puntahan natin ang birthday celebrant," dagdag niya.

Pagkapasok namin, masayang pumalakpak si Lia halatang natutuwa siya sa mga nakikita niya. Barbie themed party ito kaya sobrang saya ni Lia. She roamed her eyes around while clapping her hands. Karga- karga pa rin siya ni Niecy.

"Happy birthday," Bati ko sa birthday celebrant at inabot ang regalo namin ni Lia.

"Thank you po," nakangiting tugon nang bata.

"Is that you, Leila Natividad?"

Napatingin ako sa likuran ko at ngumiti nang makita si Mrs. Ferrer. Isa siya sa mga investors namin. And she's the mother of the birthday celebrant.

"How are you, madame?" Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso.

Tinapik-tapik niya balikat ko.

"Glad you're here."

"Ah opo, inimbita kami ni Niecy."

"That's nice -- Mr. Villarreal!"

Agad akong naestatwa ng marinig ang sinabi ni Mrs. Ferrer. Mr. Villarreal? Yung ama or anak?

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now