20

37 2 0
                                    

                                  20


Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog galing sa cellphone ko. Napahikab at nag inat ng katawan. Nagkusot muna ako ng mata bago bumangon at kinuha ang cellphone. Mga mensahe galing kay Adriel ang natanggap ko.

Adriel: Good morning. Don't forget to eat your breakfast. Be there at 7pm.

Adriel: Don't pack too much, we'll just spend one night there.

Adriel: Start your day with a smile:)

Napangiwi ako sa huling text niya. Ang hirap ngumiti lalo na kung badtrip ka. Sobrang late na akong natulog dahil kila Novie,nagchismisan kami hanggang umabot kami ng madaling araw. Napahawak ako sa eyebags ko, pinaghirapan ko itong eyebags ko. Tumayo na ako at inayos ang higaan. Sumilip ako sa bintana at nakitang nililigpit na nila ang mga upuan at lamesa na ginamit kagabi. Natanaw ko sa may pool side sila Daddy at Tito Albert. Nandito rin pala sila.

Hinanda ko muna ang susuotin ko at ang mga dadalhin ko mamaya. Nagdala rin ako nang chips at cookies para may kakainin kami sa byahe. Nagtext sa akin sila Caesar na dito nalang kami magkikita lahat, sasakyan ni Adriel ang gagamitin namin. Pagkatapos kong mag ayos nang gamit. Naligo na ako. Nang matapos akong maligo at magbihis, bumaba na ako para kumain nang agahan. Agad akong ngumiti nang makita sila Daddy na nasa may sala.

"Good morning po" I greeted them.

Tita Leslie smiled. "Hello, Leila. Kumain kana, Adriel will be here anytime soon"

"She's right, Leila. Eat your breakfast na" Mommy said.

"Sana magustuhan at maenjoy niyo ang resort namin sa La Union. Nakahanda na ang lahat pati na rin ang villa." Nakangiting wika ni Tito Albert.

Tumango ako. Ngumiti ako sa kanila at saka nagtungo sa kusina. Mabilis akong natapos sa pagkain dahil konti lang naman ang kinakain ko tuwing agahan. Nag ayos ulit ako ng sarili ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang hinihintay si Adriel. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang mga kaibigan ko. Bumaba na ako dala- dala ang gamit ko.

"May dala ba kayong sunblock?" Rinig kong tanang ni Caesar.

"Ang aga niyo naman" Saad ko at tumabi kay Caesar.

"We're excited, Leila. Hindi nga raw makatulog si Caesar" Wika ni Niecy.

Napangiwi ako."Sus, hindi ka lang makatulog dahil marami ka kachat"

"Slightly true pero excited ako Leila. Halos dalhin ko na ang buong bahay namin" pabiro nitong banggit.

"Halata naman sa mga dinala mo. Balak mo ba dun nalang tumira?"

"Oo, I want to be away. Away from pain and that only love can hurt like this, only love can hurt like this" he dramatically said.

"Wag kana sumama pauwi" Pang aasar ko. "Kanta yan baliw"

Ilang sandali ang nakalipas, dumating na rin si Adriel. Inayos na namin ang gamit.

"Good morning," he greeted.

"Kumain na ba kayo?" He asked

Tumango kaming lahat. Bumaling ang kanyang tingin sa akin.

"Did you start your day with a smile?" Tanong niya sa akin.

Mabilis akong tumango kahit hindi totoo. Napatingin sa akin sila Caesar. Tinignan nila ako na may pagtataka. Inirapan ko lang sila. Inilagay na namin sa sasakyan ang mga gamit namin. Nagpaalam na kami kila daddy bago tumulak papuntang La Union. Nasa front seat ako ng kotse habang sila Niecy ay nasa likuran. It's a good thing that Caesar is here, hindi kami mababagot sa byahe.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now