10

31 2 0
                                    

                                  10


Pagkarating ko sa school, lahat sila ay abala sa paghahanda para sa acquaintance party. They are talking about this upcoming event. Naghahanda na sila sa mga booth. Sa aming department, food stall ang na assign sa amin. Ngayong friday na ang Acquaintance Party.

Papunta kami ngayon ni Caesar sa food stand namin para tumulong. Ang Pera na kikitain. Ang kikitain namin ay itutulong namin sa projects ng student council.

"Dito tayo dumaan"

Hinila ako ni Caesar papunta sa mga nakahilirang booth. Abala lahat ang bawat department. May photo booth, horror house, jail booth, movie booth, bazaar, and video game booth at marami pang iba.

"Parang gusto ko ng marriage booth"

I chuckled. "Okay, sino ba ang gusto mong bride?"

"Ang ibig kong sabihin, may gusto akong ilibre sa marriage booth" mapanuya itong tumingin sa akin.

"Why are you looking at me like that?"

Nagkibit balikat siya. "Dapat maganda ka ngayong friday"

I flipped my hair "Maganda naman ako palagi ah,"  Mayabang kong sabi.

"Maghanda ka ngayong friday"

"Subukan mo, Caesar. Try me" hamon ko.

He just laughed.

"Kahit sino makita ko ngayong biyernes, gagawin kong bride mo"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nauna na siyang naglakad papunta sa booth namin. Ang una nakita ng mga mata ko si Kaius.

"Dito niyo nalang ang lamesa" utos ng president namin.

"Hi," bati sa akin ni Kaius.

"Good morning. Kanina pa kayo dito?"

Tumango siya. "Manonood kayo ng basketball mamaya?"

"Yeah, inaya ako ni Anitha"

"Good, may cheerleader kami"

I laugh a bit. " Sino ba ang kalaban niyo?"

"BS Tourism Management. Kalaban namin ang team ng boyfriend mo"

"He's not my boyfriend. Huwag ka maniniwala sa kanya. He's annoying"

"Good to know that. Cheer for us later, Leila"

"I will, ihahanda ko na ang lalamunan ko"

Napalunok ako ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko. Binaling ko ang tingin ko sa ibang bagay. Panigurado, namumula na ako ngayon. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtulong sa pagdidisenyo ng booth namin. Taga lagay ako ng tela at sinusubukan ko rin mag table skirting.

Nang sumapit ang tanghalian. Nagpaalam na kami sa president namin na kakain muna kami ni Caesar. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, bigla niya akong inakbayan. Hinyaan ko lang siya dahil wala namang malisya. Minsan, iba ang pakiramdam ko kay Caesar.

Napapatingin sa amin ang ibang estudyante na nakakasalubong namin. Sa gwapo ni Caesar, ang daming nahuhumaling sa kanya. Kung maaga ko lang nakilala si Caesar, nahulog na siguro ako sa kanya. He's attractive and handsome. Ang talino, talented, madaldal at nakakatuwang kasama.

"Nakakapagod, sumasakit ang kamay ko sa pag disenyo ng lamesa" reklamo ko.

"Halikan ko kamay mo para mawala ang sakit. Diba noong bata pa tayo, ganoon ang ginagawa ng mga magulang natin. Ngayong lumaki na tayo--"

"Lumaki ka ba?" I jokingly said.

"Grabe ka! Mas matangkad ako sayo"

"Sige nga, halikan mo nga ang kamay ko", hamon ko sa kanya.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now