23

36 0 0
                                    

                                  23



Napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko. Agad akong napatingin sa oras, 6am na pala. Dali dali akong nag- ayos at naligo. Habang naliligo ako, bigla ko naalala si Adriel. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko ng maalala ang sinabi niya kagabi. That he will never like Anitha as much as he likes me. My heart is going crazy right now. Ilang beses ko sinapo ang noo ko para kalimutan ang sinabi ni Adriel.

"Umuwi ba siya kagabi?" Mahina kong tanong sa sarili ko.

Nang matapos ako maligo at magbihis, bumaba na ako para magluto ng agahan. Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong boses ng babae, kausap ito ni Adriel. Dahan dahan akong naglakad sa kusina para malaman kung sino ang kausap ni Adriel. My hands flew to cover my shock when I saw a woman busy talking with Adriel. What the heck? Nag uwi ng babae si Adriel? I clenched my fist out of anger.

Napalunok ako ng ilang beses ng bigla akong tinawag ni Adriel.

"Come here," malumanay niyang tawag sa akin.

Blangko ang ekspresyon ko habang naglalakad papalapit sa kanila. Mataman kong tinignan ang babae, parang kaedad lang ni Ali, mas matanda pala ang gusto ni Adriel.

I chuckled.

"Kumain muna tayo," pag aaya niya.

Nakita kong may gumuhit na ngiti sa labi ng babae, ngunit hindi ko magawang ngumiti pabalik. Iginiya ako ni Adriel papaupo at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa babae, what is she doing here? Ang tigas ng mukha ni Adriel, nagdala pa talaga siya ng babae dito. Hindi pa kami kasal pero nagtataksil na siya sa akin.

I glanced away when I heard the woman cleared her throat. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

"I-I think you should introduce me to her, Adriel. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, nakalamay na siguro ako" natatawang sambit ng babae.

Adriel chuckled. "Leila meet Corem Villarreal, my cousin"

Bigla akong nasamid ng marinig ang sinabi ni Adriel. Mabilis niya akong inabutan ng tubig. I pursed my lip. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa hiya. Ang judgemental ko pala. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko.

"Nice to meet you, Leila. Adriel talks a lot about you"

"U-Uh nice to meet you too"

Nanginginig kong inabot ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto, na may pagkakahawig sila ni Adriel. Gosh, quit being judgemental Leila.

"Buo na ba ang desisyon mo na si Adriel talaga ang papakasalan mo?" Mapanuya niyang tanong.

"Stop it, Corem" matigas na sabi ni Adriel.

"Why? I am just asking, Adriel. Baka gusto niyang umatras, I don't want her to regret it at the end. You know what I mean, Adriel"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Corem. She sounds so serious. Anong ibig niyang sabihin? Agad kong tinuon ang tingin ko kay Adriel. His eyes are now fuming mad. The atmosphere immediately became awkward.

"If you're done eating, you can now leave, Corem" He said in a low baritone voice.

Napakunot ang noo ko. Natatawang tumayo si Corem at nagpaalam na. Isang nakakabinging katahimikan ang bumulot sa amin ni Adriel. Nang matapos kaming kumain, tumungo na kami sa campus. Wala ako sa sarili habang naglalakad sa corridor, naramdaman kong nakasunod pa rin sa Adriel sa akin. What Corem said earlier is still bugging me.

"Don't mind what Corem said earlier. She was just making fun of me" Rinig kong sambit ni Adriel.

"She's too serious to joke around, hindi ganoon ang dating sa akin, she wasn't making fun of you"

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now