30

37 0 0
                                    

                                  30


Napakamot ako ng batok bago bumalik sa kinaroroonan ni Niecy. Henry Ruiz. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Wala akong matandaan na may buyer or investor kaming Henry Ruiz ang pangalan.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik ah" Ipinilig ni Niecy ang kanyang ulo para suriin ako.

"May iniisip lang ako,"

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa company namin."

She smiled. "Okay, puntuhan ko muna si Tita. Balikan ko kayo mamaya."

Paalam niya saka pinuntahan si Lia para magpaalam rin. Itinuon ko muna ang pansin ko kay Lia at panay ang pagkuha ko nang litrato sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto gawin ni Lia sa birthday niya.

"Mommy I made friends po!" Tuwang tuwa naman ang anak ko.

"That's nice! Please be good to them, huwag kang makikipag-away."

Nakahumalukipkip ako habang tinitignan ang mga litrato sa cellphone ko. Natigil ako sa ginagawa ko dahil naagaw ni Lia ang atensyon ko. Nadatnan kong nilapitan ni Lia si Adriel.

"Hello po, we met again!" Abot langit na naman ang ngiti ng anak ko. "Mommy! Come here,"

Napakagat ako ng labi bago ko sila nilapitan.

"Mommy, do you remember him?"

I nodded.

"What's your name po?"

Bigla akong kinabahan sa tanong ni Lia. Kung sasabihin ni Adriel ang pangalan niya, baka maalala ni Lia ang pinag- usapan namin ni Ali. Ariel the friend of Ali, potek.

Adriel bent down a little to gently pinch Lia's cheek.

"I'm Adriel, and you are?"

"I'll call you kuya Adriel. And my name is Rosalia Desse."

I saw Adriel flashed a smile.
"Nice to meet you, Desse"

"You know what po, your name sounds familiar, I think I heard it na" Umarte pa si Lia na parang nag iisip.

"Huhu hindi ko matandaan kung saan ko narinig eh" naghihinayang ang boses ng anak ko.

"It's okay, Desse. Don't force yourself to remember it," Malambing na wika ni Adriel.

Si Adriel palang ang tumatawag kay Lia ng Desse. Nakakapanibago lang pakinggan.

"Okay po, I'll go back to my friends now" Paalam ni Lia. Mabilis itong tumakbo papunta sa mga kaibigan niya habang nakasunod sa kanya si Manang.

Napamura ako ng mahina nang maalala, katabi ko pa pala si Adriel. Paalis na sana ako nang bigla siyang magtanong.

"Where's your husband? I haven't seen him here?" Matigas na ingles niyang sabi.

Nakakunot ang noo ko at lumingon sa kanya.

"Where's Ali? Bakit hindi niya kayo sinamahan?" Tanong niya ulit.

Napangiwi ako sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin bago siya sagutin.

"He's busy,"

He chuckled. "He's working hard for his family, huh?"

"Anong pakealam mo?" Bulong ko sa sarili ko.

"Yes, he's working very hard for us" I emphasizes 'us' .

Tumango lang si Adriel at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang nakalayo na siya. Natawa ako ng mahina sa katotohanang akala niya asawa ko si Ali. I wasn't expecting Adriel will talk to me.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now