03

40 3 0
                                    

                                  03



" How's your day?" Novie asked.

Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa cafe kung saan nagtatrabaho. Ayoko muna umuwi baka andun na naman si Adriel.

"Mabuti, may sasabihin ako beh---"

"Pwede mamaya nalang, may customer kase"

Tumango ako.

"Sige, take your time"

Gusto ko rin sabihin kay Novie tungkol sa engagement ko. Sila lang gusto kong makaalam tungkol dito, including Alina. Hinihintay ko pa rin ang tawag niya.

Habang tumatagal mas dumami ang customers nila. Kaya napagpasyahan kong umuwi nalang. Nagpaalam muna ako kay Novie bago tuluyang umalis.

Pagkarating ko ng bahay, napakunot ang noo nang makita ang mga gamit ko na nasa sala. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ang mga kasambahay namin na may binababa na gamit galing sa kwarto ko.

What the hell is happening here? Pinapalayas na ba ako?

Tinignan ko ng marahan ang gamit. Nakumpirma kong akin nga mga gamit.

"Glad you're here, Leila"

Mabilis akong lumingon kay Mommy. May bitbit siyang kahon.

"What on earth is happening?" Naguguluhan kong tanong.

"You're moving,"

"What?!"

"We told you before that you and Adriel will be leaving under the same roof."

"Last time I checked, hindi ako pumayag sa ideya niyong yan"

"Makakatulong ito para makilala mo si Adriel"

"Please, I don't want this. Hindi pa ako pumapayag sa lintek na engagement na iyan."

Nagtangkang lumapit sa akin si mommy pero agad akong umatras.

"Wala ka ng magagawa, Leila. Kahit baliktarin mo pa ang mundo, si Adriel pa rin pakakasalan mo"

"You're supposed to be on my side, mom. Akala ko maiintindihan mo ako, ayoko ng ganito"  naiiyak kong sambit.

"Leila.... please, I know you're a smart girl, alam kong maiintindihan mo ito. Give it a try, live with him and you'll see."

Umiling iling ako.

"This is too much, give me some time to think. But..... this sucks"

Dali dali akong pumanhik sa kwarto. Pagkahiga ko sa kama, doon na bumuhos ang mga luha ko. Bakit walang nakakaintindi sa akin? Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa mangyayari pag ikinasal na ako.

Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon. Kailangan ko magpakasal para sa kapakanan ng kompanya.

Agad kong pinunasan ang pisngi ko nang narinig ko na may kumakatok. Huminga ako ng malalim at kinalma ko muna ang sarili ko.

"Come in," sigaw ko.

Napaayos ako ng upo nang makita si Daddy. Umupo siya tabi ko at humarap sa akin.

"Leila.... I know this is too much. But please understand, this is the only hope for our company. I am doing this for our company and you."

"Wala na bang ibang paraan? Hindi ko mapigilang mag isip kong ano ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang engagement."

"We tried all possible solutions but it didn't work. The company is losing more and more."

"Pero dad....."

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now