13

28 2 0
                                    

                                  13

May kirot sa puso akong naramdaman matapos naming mag usap ni Adriel. Parang pinupunit ng dahan dahan ang puso ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak habang naglalakad sa campus ground. Mukha akong tanga maglilibot, nagtitingin sa mga booth. They're all having fun. Nakatulala ako habang naglakad ng biglang may humawak sa balikat ko.

"I've been looking for you," Anitha said.

Hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Bigla akong nawalan ng gana. I feel bad for Adriel. Ako mismo ang nagsabi noon na hindi na kami mangangako sa isa't isa. Ganito pala ang pakiramdam pag nangako kay at hindi mo natupad. Parang may mabigat kang pasanin sa dibdib.

"Hey, are you okay?" Alala niyang tanong.

I nodded.

"Liar, you don't look okay. What happened?" She asked

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

"Okay lang ako, Anitha. May iniisip lang"

"Okay, if you say so. By the way, have you seen Adriel?"

"Hindi,"

"May napagsabi sa akin na kasama mo siya kanina, please Leila"

"Hindi ko alam"

Sumimangot ako. Bigla akong nairita sa kinikilos ni Anitha.

"Please, Leila. I want to talk to him, this is my only chance!" Desperado niyang sambit.

"Hindi ko nga alam!" Iritado kong bulalas.

Napalakas ang boses ko kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. Napahilot ako ng sintido at pinakalma ang sarili.

"Pasensya na kung makulit ako. Ako nalang ang maghahanap sa kanya" she said.

Ngumiti siya sa akin bago naglakad papaalis. Naiwan akong nakatulala. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. May mga nagtatanong kung ano ang nangyari, nag away ba kami ni Anitha.

Hindi ko sila pinansin at naglakad na pabalik ng classroom. Naabutan ko si Caesar na nakikipag usap sa mga kaibigan niya. Nang mapansin niya ako, agad niya akong nilapitan.

"Saan kayo nagpunta ni Adriel kanina?" Usisa niya.

"Kiosk"

"Bakit ka niya dinala roon?"

Umupo muna ako at nakapalumbaba.

"N-nag usap kami tungkol sa business nila" palusot ko

"Iba kasi ang dating ng pagkakahila ni Adriel sayo"

"What do you mean?"

Nagkibit balikat siya. " It's like something is going on between you two"

"Ewan ko sayo"

"Tara, manood tayo ng basketball" anyaya niya

"Ikaw nalang manood, Caesar. Tinatamad ako"

Ngumuso siya. "Ang pangit mo kabonding"

"Alis na!" Utos ko.

Inirapan niya ako saka lumabas na sa classroom. Naiwan ako kasama iba kong classmate. Gusto kong kausapin muli si Adriel, pero huwag nalang . I don't want him to really get mad.

Isang oras ang nakalipas, naisipan kong umuwi. Wala akong gana na tumambay pa sa school o magsaya. Inayos ko na ang gamit ko saka naglakad papaalis. Pagkarating ko sa condo, dumiretso ako sa kwarto. Naligo ako at nagbihis. Kasalukuyan akong nakahiga habang nakatingin sa kisame.

BOUND TO YOU [CAMPUS SERIES #2] COMPLETED Where stories live. Discover now