CHAPTER ONE

90 4 0
                                    


"Kelan ka ba uwi?" Rinig kong sabi ng kausap ni kuya sa cp nya. Jowa nya ba to? Edi sanaol.

"Miss mo na ko agad?" Sagot ni kuya ng tumatawa. Rinig na rinig ko kasi katabi niya lang ako.

"S4pak gusto mo? Miss ka na ng tropa uy." Di ko alam kung siga yung kausap nito ni kuya o siga sigaan.

"Baka next week pa sabi ni tita e. Sige na maliligo pa kami." Sabi ni kuya sabay baba ng cp nya.

Bigla naman syang tumingin sakin ng nagtataka.

"Gf mo kuya? Naks binata ka na hahahaha"
Pang aasar ko sa kanya at sinundot sundot ang tagiliran nya. Wala namang kwenta kasi wala siyang kiliti tsk.

"Tigil tigilan mo ko Wency, lunurin kita dyan." Maliligo kasi kami sa dagat. Nandito kami sa pinsan namin at nagbabakasyon.

-
-

"Bye Marge, see you next summer"
Sigaw ko sa pinsan ko dahil pauwi na kami samin.

Hays, balik na sa reyalidad.

"Kuya tawagan mo na gf mo. Pauwi na tayo oh yieee"
Bulong ko kay kuya habang nakaupo sa loob ng bus.

Di naman nya ako pinansin. Meron kaya to ngayon? Hays araw araw na lang.
-
-
-
"Wency!! Bumaba ka nga maglinis ka dito. Dadating mga kaibigan ko!" Makasigaw kala mo laki ng bahay e.

Tatlong linggo na rin mula nong makauwi kami.

Di na ko sumagot at bumaba na lang.
Pinapagod ako nito ni kuya e anong pake ko sa mga kaibigan nya?

"Nagpaalam ka b--"

"Manahimik ka na alam ni mama to."

Tinarayan ko na lang sya.

Actually ngayon ko lang talaga makikita barkada nito ni kuya. Yung isa lang kilala ko, si Baste. Kasi lagi sila sa ibang bahay nakatambay tapos ngayon lang dito.

Ano kaya nakain ni mama bat pinayagan to si kuya.

Btw dalawa lang agwat ng edad namin ni kuya, 18 ako at 20 na sya.

Naglinis lang ako saglit tapos umakyat na rin sa kwarto ko para makagawa ng assignment.

Dalawang linggo pa lang nakalipas nung magpasukan. Gusto ko rin namang may pasok kasi wala naman akong magawa sa bahay at wala akong masyadong kaibigan.

Ehe friends na tayo ha?

"Jowaaaa~~ gusto kooo ng jowaaa~~" Kanta ko habang pababa ng hagdan para kumuha ng pagkain. Nagutom utak ko beh kahit wala ako nun.

"Anong jowa yan ha?"
Napatingin ako sa may sala.

Lima silang nandun. Si kuya, si baste, at may isa pang lalaki at dalawang babae.

Si baste yung nagtanong kanina.

Napansin ko naman ang tingin sakin ng isang babae. Dukutin ko mata mo gurl.

"Andyan na pala kayo Sync and company hahahaha hi."
Pakapalan na tutal bahay naman namin to.

"Kapatid mo?"
Tanong nung babaeng masama ang tingin sakin.

'Pake mo?'

"Oo, baliw kong kapatid"
May mabait ba kayong kuya? Sanaol sa inyo.

"Dyan na nga kayo, ginugutom nyo ko lalo. Hi pala sayo Baste."
Tutal si Baste lang kilala ko bahala na yung iba.

Pero sa totoo lang naccurious ako dun sa babaeng masama tingin sakin.

Oo maputi sya tapos maganda pati yung buhok nya na wolf cut yata tawag dun bagay sa kanya. Pero sama talaga tumingin beh jusq.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now