CHAPTER THIRTEEN

24 1 0
                                    

"Ma si Wency oh, pangiti ngiti na nmn."
Kahit kailan ang epal nito ni kuya.

"Tigilan mo yang kapatid mo Ash." Sabi naman ni mama sa kusina habang nagluluto. Dinilaan ko naman sya at tumawa.

Tumabi sya ng upo sakin sa sofa at bahagyang sinilip ang cp ko pero nilayo ko sa kanya.

"Ano ba kuya ang epal mo." Singhal ko sa kanya.

"Sino ba kasi yan? Tayo lang makakaalam pramis." Kumbinsi nya sakin.

Natawa naman ako sa iniasta nya.

"Bahala ka nga kuya." Sabi ko at napagdesisyunang umakyat muna sa kwarto ko habang nagluluto pa si mama.

"Call ako." Saktong chat ni Irene sakin.
...

Sinagot ko naman agad ang tawag nya.

"Mag open cam ka." Sabi nya habang nakatutok sa mukha nya ang cam.

Bakit ba ang ganda ng babaeng to.

"Haggard ako e, wag na." Sabi ko nmn.

"Wala akong pake mahal, mag open cam ka." May gigil na sabi nya.

Napangiti nmn ako sa tinawag nya sakin.

Oo at oo, kami na. Mag-oone na month na rin. Mahabang istorya kung pano naging kami.

Isang linggo nya akong niligawan.

Ang sweet nya kasi kaya ayun. Akala ko rin ay hindi ako papatol sa babae but here I am, kinain ko ang sinabi ko at nainlab sa singkit na to.

"Eto na madam." Sabi ko sabay nag open cam at nakatapat lang sa kaliwang mata ko. Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti nya.

"So bakit ang tagal mo magreply kanina? Kachat mo laloves mo?" Sabi nya sakin.

Ang laloves na tinutukoy nya ay si Nathan, nagtanong kasi sya about sa mga crush ko kaya nasabi ko yun sa kanya.

Pero di ko sinasabi sa kanya yung nangyari at ginawa sakin ng dalawang baklang hindot.

"Boang ka talaga. Ang kulit kasi ni kuya kanina kaya di ako makareply. Kasalanan mo rin kasi, pabanat banat ka pa." Sabi ko na ikinatawa nya naman.

"Alam kong maganda yang mata mo mahal but please let me see ur face." Wala na beh nag english na beh.

"There u are, ang ganda mo." Pinigilan ko namang ngumiti sa sinabi nya dahil makikita nya ang reaksyon ko.

"Kulang ka sa lamon." Nasabi ko na lang.

Nacconcious pa rin ako sa tuwing sasabihan nya ako ng maganda.

Dahil hindi ako maganda.

"Ayan ka na naman mahal. Di mo na naman matanggap na maganda ka?" Napatingin ako sa cp ko at nakita ang seryoso nyang mukha.

Dahil ba sa sya pa lang ang unang nagsabi sakin nyan?

"Pero mas maganda ka." Sabi ko at nginitian sya.

"Gwapo ako mahal, gwapo."

"Oo na gwapo ka na." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit parang napipilitan ka? Samantalang lagi mong sinasabi sa chat pati sa school na ang gwapo ko." Nahiya naman ako sa sinabi nya dahil totoo yun.

May ganun pala talagang babae, ang pogi.

"Oo na, tama na." Nahihiya talaga ako sa babaeng to. Binubuking ako.

"Hoy babae kakain na!" Sigaw ni kuya sa labas.

"Sige na, kumain ka ng madami i love you." Sabi nya.

"I love you too." Sabi ko at sya na mismo ang nagpatay ng call.
-

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now