CHAPTER NINETEEN

18 1 0
                                    

"Naging kayo nun?" Tanong ni Chelsea sakin.

Nasa isang coffee shop kami ngayon at kinwento ko sa kanya ang tungkol samin ni Irene.

"Ang fake friend mo. Ngayon mo lang sinabi sakin yan kung kelan wala na yung babae." Sabi nya sa pabirong boses.

One week na mula nung umalis sila.
Namimiss ko na sya, lalo na di ko na sya mahahawakan.

Di naman ako umimik sa sinabi ni Chels.

"May social media pa naman, makakapag usap pa kayo." Sabi nya ulit habang iniinom ko ang kape ko.

"Pano kapag maging busy sya? Mawalan ng oras sakin? Pano kapag mas gusto nya yung nahahawakan at nakikita nya sa personal. Pano pag may nahanap syang mas maganda sakin? Pano pag ayaw nya na sakin?"
Mahabang sabi ko habang nakatingin sa kape kong nasa harap ko.

That thoughts are really killing me.

"Ayan sige mag overthink ka. Tsaka ikaw naman nakakakilala sa gf mo." Sana nga makaya namin yung layo ng distansya namin.

"Kahit na, baka kasi bigla magbago yung tipo nya. Magaganda pa ang mga taga ro'n." Sabi ko at yumuko.

"Hay nako kulang ka lang sa kape." Sabi nya at iniba na lang ang topic namin.

Nag usap na lang kami sa University na pwede namin pasukan.

-

"Wency kumain ka na ba?" Tanong ni kuya sakin pagpasok nya ng bahay galing sa school nila.

Alas 3 na ng hapon at nakahiga lng ako sa sofa habang nakatingin sa ceiling.

"Oh bakit walang bawas tong niluto ko?" Tanong nya ulit habang nasa kusina.

Nagluto sya kaninang umaga bago pumasok.

"Wala pa kong gana kuya. Busog pa." Sagot ko at bigla naman syang sumulpot sa harap ko.

"May problem ka ba? Nung nakaraan ka pa walang tamang kain" Ewan ko, dahil sobrang nalulungkot ako.

Di pa kami break ni Irene, nakakapagvc pa kami pero hays.

"Nagd-diet lang ako kuya." Sinamaan nya ako ng tingin.

"Diet? Payat payat mo magd-diet ka. Wag mo kong dinodogshow wency, sumabay ka sakin ngayon." Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at umiling sa kanya.

"Ayaw mo? Tanggalan kita ng internet." Nilakihan ko sya ng mata at ginaya nya ko.

Nakakainis ka kuya.

Sinabayan ko na lang sya dahil no choice, yun na lang ang way of communication nmin ni Irene.

-

"Love kamusta ka dyan hmm?" Nasa kwarto ako ngayon at ka-vc si Irene.

Gabi na ngayon kaya umaga na dun sa kanila.

"Namimiss ka. I love you." Sabi ko.

"I miss u more. Sobrang namimiss na kita mahal ko." Ngumiti nmn ako sa sinabi nya.

Hangga't miss nya ako, ako pa rin nmn siguro.

"Inaalagaan mo ba sarili mo hmm? Are u eating on time?" Tumango nmn ako.

"Kasi kapag di ka kumain sa tamang oras, ako kakain sayo minu-minuto." I heard her chuckles. Napaka talaga nito.

"Sige di na ko kakain on time." Sabi ko at tinitigan nya lang ako na parang naghahamon.

"Tumatapang ka na." Sabi nya at tinaas taas ang kilay at kagat kagat ang labi.

Lalo ko lang sya nammiss e.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now