CHAPTER TWENTY-ONE

23 1 0
                                    

"Kuya dalawang bote po ng beer." Tawag ko sa bartender sa bar ng resort.

"Di ho ako kuya, pero mas okay yun. At isa pa, nasa legal age ka na ba miss?" Nagulat nmn ako sa parehong sinabi nya.

Nakaboycut kasi at nakatalikod pa, pero may kalakihan ang dibdib nya kaya malalaman mong babae sya.

"Di po ako minor, magnnineteen na rin po ako bukas." Magalang na sagot ko at nginitian nya ako bago may kinuha sa lalagyan ng mga alak.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng bar.

"Here miss, well advance happy birthday." Binigay nya na sakin ang order ko at inasikaso ang iba pang customer.

"Kinny pls, wag mo nmn akong iwan oh. Wag ganito."

Narinig ko ang kalakasang sigaw ng isang babae sa isa pang babae. Magjowa to sure.

May katamtamang lakas ang tugtog sa bar, pero malapit lang sila sakin kaya rinig ko sila.

"Ayoko na nga Thea, pagod na ko, nakakasawa na."

Yan sige magsawa kayo lahat, mga babae nga nmn.

Napatingin ako sa bote na iniinom ko at naubos ko kaagad ang isa.

Gusto ko makalimot kahit ngayon lang. Gusto ko mawala sa isip ko si Irene.

Ang sakit, para akong mababaliw.

"Ayoko na sayo, wag mo idamay si Jay dito."

Sabi ng isa na sa tingin ko ay si Kinny. Oh thirdwheel? Sa lalaki?

"Oh bakit? Simula ng naging katrabaho mo yun nanlamig ka sakin. Kayo na? Gusto mo ng t1t3 ha?"

Napa ow nmn ako ng mahina dahil sa lakas ng sampal sa kanya ni Kinny.

"Fck u Thea."

Pagkatapos ay lumabas na ang isa tapos hinabol nmn ng isa.

Hays, bading moments.

"Ayan ang masakit e." Nagulat ako sa biglang pagsalita ng bartender, natawa nmn sya sa naging reaksyon ko.

"H-Ha?" Utal na sagot ko at sinimot ang laman ng bote ko.

"Mukhang kulang ah, want more?" Tumango nmn ako at kumuha sya ng dalawa pa.

"Ang masakit sa part ng pagiging lesbo or bi ay ang mainlab ang isa sa lalaki. Kasi di nmn namin kayang ibigay ang satisfaction na nakukuha nila sa lalaki. Although may instances na may chance mainlab ang mga bi sa lalaki pero still, masakit."

Mahabang sabi ng bartender habang may minimix na alcoholic drinks.

Napaisip din ako sa sinabi nya dahil sa scenario nila Kinny at Thea kanina.

Di nmn siguro mahuhulog si Irene sa lalaki diba?

Pareho nmng masakit kahit sa ibang babae sya mapunta.

"11 na miss di ka pa ba aalis?"
Sinubukan ko nmng tumayo at bigla akong napaupo ulit dahil sa hilo ko.

"Bakit kasi uminom ka pa ng hard drinks di mo nmn pala kaya." Ngumiti na lang ako sa sinabi nya.

"Wala bang magsusundo sayo?" Tanong ni Sev, pangalan ng bartender.

Panglalaki ang Sev pero ang buo nyang pangalan ay Seveinna.

Buti at hindi Princess hahaha.

"K-Kaya ko p-po, dyan lang oh" Sabi ko at turo kung saan.

"Oo sige alis na kung saan man yang tinutukoy mo." Natatawang sabi ng bartender.

Nagsimula naman akong tumayo at dahan dahang naglakad. Para akong sasakyang nag oovertake hahahaha.

"I-Irene..."

*THIRD PERSON POV*

Matutumba na sana si Wency nang masalo sya ng kuya nya na si Sync na naiinis sa kapatid nya.

"Kanina ka pa hinahanap ni mama, lagot ka bukas." Tanging hagikhik lang ang nasagot ni Wency na lalong ikinanis ng kuya nya.

Nakakapit sa bewang ng kapatid si Sync habang nakaakbay sa kanya ito hanggang makarating sila sa kwarto nila ni Andie.

"Tulog?" Bungad ni Andie pagkabukas nya ng pinto.

Pasalampak na nilagay ni Sync ang kapatid nya sa kama habang si Wency ay ngingiti ngiti at parang may sinasabi.

"Lasing." Sagot ni Sync at nagpaalam na kay Andie dahil matutulog na at sasabihin nya sa mama nya ang nangyari.

Pinuntahan nmn ni Andie ang kinaroroonan ni Wency.

Inayos nya ang higa ni Wency at kinumutan ito.

"Ano bang nangyyari sayo." Biglang tanong nya sa natutulog na dalaga.

Tinanggal nya ang nakaharang na buhok sa mukha ni Wency at marahang hinaplos ang pisngi nito.

"Hay..rin.." Wency mumbled.

"Hay what?" Takang tanong ni Andie.

Ngumiti ngiti nmn si Wency.

Bigla itong tumagilid at ngayon ay nakaharap kay Andie na nakatitig lang sa kanya.

Di nagdalawang isip na halikan ni Andie si Wency kahit tulog.

"Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin? Ang hirap mong kalimutan, nakakabaliw ka Wen." Pagkausap ni Andie nang mapaghiwalay nya ang labi nila.

"Hmmm..mhm" Ungol ni Wency nang halikan sya ulit ni Andie.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now