CHAPTER SEVEN

17 2 0
                                    

"Ako na magbayad." Sabi ni Nathan nang makasakay kami sa jeep at dumudukot na ko sa bag ko. Nagthankyou na lang din ako.

Nasa bandang gitna kami nakapwesto sa right side. Mejo siksikan na rin nung sumakay kami.

Bigla namang nagulat lahat ng pasahero sa loob ng jeep dahil sa biglaang preno ng driver.

Kasama na rin ako.

Nasa left side ko si Nathan kaya natamaan ko sya. Ang laki din kasi ng aleng katabi ko sa kabila kaya ang lakas ng pagtama ko kay Nathan na nakahawak sa hawakan.

"Ang sakit." Daing ko ng mapatingin ako sa kanya. Ang lapit lapit ng mukha namin.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.
Tumango na lang ako at mejo nilayo ang mukha sa kanya.

Napadako naman ang tingin ko banda sa upuan ng driver at nakita ko ang familiar na mukha.

Si Andie kasabayan ko rin dito?

Mukhang mag isa lang sya at dun sya sa mismong likod ng driver nakaupo. Nakaearphone at tutok sa cp kaya hindi nya rin siguro ako napansin.

Nakita ko naman ang kanang kamay ni Nathan na nakalagay sa bintana ng jeep at parang nakaakbay sakin.

Helpppp. How to calm????

"Para po." Sigaw ng pasahero at sumabay na rin kami ni Nathan sa pagbaba.

"Sasakay ka?" Tanong nya sakin.

"Trip ko maglakad e, ikaw?" Sagot ko sa kanya.

"Sabayan na kita." Nagsimula na rin syang maglakad kaya sumunod na rin ako.

Magkapantay na kami ng lakad ngayon.

"Nagulat talaga ako sa biglaang preno na yun." Nasabi ko na lang bigla.

"Buti na lang ako katabi mo dun. Ang gaan mo pa naman." Ewan ko kung asar yun o ewan, pero kinikilig ako.

"Ang laki kaya ng nasa unahan ko kanina, pisat ako nun kung sakali." Natawa naman sya sa sinabi ko.

Napamulsa naman ako ng kamay dahil nagkakabanggan ang likod ng palad namin.

Mas maganda rin palang di alam ng crush mo na crush mo sya no.

"Dito na ko Wency, ingat ka." Paalam ni Nathan at pumasok na sa street nila.

Mejo may kalayuan pa ang bahay namin pero keri pa naman. Ala singko pa lang naman ng hapon.

Kinikilig na naman ako sa buong araw na to. Sheeesh.

"Bf mo yun?" Biglang sulpot ni Andie sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya.

Di na nya suot ang earphone at nakapamulsa ang pareho nyang kamay.

Itinuon ko na ulit ang tingin ko sa daan.

"Sa tingin mo bagay kami?" Baka kasi akala nya bf ko si Nathan dba, edi parang bagay kami ehe.

"Hindi. Mas bagay ka sa babae." Seryosong sagot nya. Napangiwi naman ako dun.

"Alam kong unti-unti nyo ng sinasakop ang mundo kaya di na ko sasali sa inyo." Sagot ko sa kanya.

"Hmmm okay." Ayan na lang ang naisagot nya at tahimik na kaming naglakad.

Maya maya ay nagpaalam na rin sya dahil sa ibang street din sya nakatira.
-
Sabado na ngayon at isang linggo na rin akong pagod kakapraktis. Pero okay lang kasi nandun naman ang pahinga kong si Nathan my loves.

"Kuya umalis na si mama?" Tanong ko sa kanya habang pababa ako ng hagdan.

May praktis kami ngayon pero mamaya pang hapon.

"Oo. May praktis ba kayo?" Tanong nya habang sumusubo ng pagkain.

Tumabi naman ako sa kanya at kinuha ang tinapay sa tabi nya.

"Meron, hatid mo ko?" May motor kasi si kuya at minsan lang talaga nya gamitin.

"Anong oras ba?"

"Mga alas dos." Sagot ko ng ngumunguya.

"Saan?" Sinabi ko naman ang subd. nila Alexis at pumayag naman si kuya.
-
Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Andie na nakaupo sa sofa katabi si kuya at nakikipag usap.

Nahiya naman ako dahil nakatapis lang ako ng tuwalya.

Bakit kasi ang layo ng kwarto ko at bakit ba naman kasi nakalimutan ko ang mga damit ko.

Nakita ko naman syang napatingin sakin kaya napayuko ako at nagmamadaling umakyat.

Ang awkward kahit babae sya, knowing na bisex sya e.
-
"Sakay na." Tawag ni kuya pero nagtaka ako dahil nandito pa rin itong si Andie.

"Kasama sya kuya?" Tanong ko ng makasampa ako sa motor at sumunod naman sya.

"Oo dahil bibili ako para sa bday ni mama bukas." Yes, bday na ni mama bukas.

Nang makasakay si Andie ay lalo akong nahiya. Dahil siguro sa scenario kanina o dahil bandang likod sya?

Ok i feel her boobies, na wala ako tsk. Edi sya na meron tanggalin ko yan e.

Gusto kong sikuhin dahil nakikiliti ang likod ko. Ganun ba yan kalaki? Di ko napapansin dahil laging oversized shirt o kaya hoodie ang suot nya.

Bigla naman akong napahawak sa bandang legs nya sa biglang pag overtake ni kuya.

Napadiin pa yata yun nakakahiya. Nagpiece sign na lang ako ng nakatalikod, bahala na sya.
-
After that d@mn long ride ay nakarating na kami. Parang ang tagal tagal nun kahit ang bilis ni kuya magpatakbo tsk.

Pagbaba ko ay inayos ko naman ang buhok at sumbrero ko.

"Salamat kuya, wag mo na ko sunduin mamaya."

"Di na talaga kita susunduin no." Ako ay naiinis na naman.

"Edi wag, kasama ko naman laloves ko." Akala nya ha.

"Hanapin mo pake ko." Wandat mga beh sasabunutan ko to.

Nakatingin lang din sakin si Andie. Her casual look.

"Madapa sana kayo." Sigaw ko ng pinaharurot ni kuya ang motor nya.

Dapat masemplang yun dba? Bahala sila.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now