CHAPTER FIVE

20 2 0
                                    

Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa isang sulok at nagcp. Nagpicture ako ng mga ilan lang at nagmyday sa fb.

Naglalaro pa rin sila pero iba na. Parang mga bata pfft.

"Bukas bago tayo magstart magpractice, maghanda kayo ng 1-2mins ng dance move. Para malaman namin ang genre na kaya nyo. Kitakits guys."
..
Chat ni Lacey sa gc namin.

Dapat ngayon pa lang ay nagpapractice na ako. Tiningnan ko ang oras at lagpas alas kwatro na.

"Kuya don lang ako sa upuan sa 3rd floor." Sabi ko kay kuya habang naglalaro sila.

"Ichachat kita kapag hindi kita makita mamaya." Tumango naman ako.

Doon naman din ang pupuntahan nila pagkatapos nila dito.
-
Pagkaakyat ko ay naghanap ako ng pwesto na mejo malawak para makagalaw ako ng maayos.

Naghanap ako ng tugtog na magandang gawan ng steps at nakahanap ako ng remix.

Umupo ako sa lapag na may authentic na damo at nagsuot ng earphone at pinakinggan ng dalawang beses ang tugtog.

Sana naman ay ayos na tong naisip ko.

Hiphop. Mas gusto ko ang hiphop at ayun din ang tingin ko na babagay sakin.

Tumayo na ako at sinimplehan muna ang galaw ko.

May mga hindi sumakto kaya pinalitan ko.

I was grooving when i noticed the people around me.

May ibang tumatawa, may ngumingiti at makikita mong may namamangha rin.

Napayuko naman ako, nakakahiya at nasa SM pa talaga. Pero kailangan ko ng magawa to e.

Nagpractice pa ko ng isa pa at hindi inisip ang nasa paligid ko.

"Magaling ka sumayaw huh." Inistop ko na ang tugtog at humarap sa nagsalita.

"Hindi naman po." Hiyang sagot ko kay Satara.

"Nagmumukha akong gurang sa po mo, tigil mo yan hahahaha." Natawa na lang din ako.

Maya maya rin ay dumating na rin sina kuya.

"Dito na lang tayo." Sabi naman ni Andie.

Nagform kami ng circle at umupo. Katabi ko pa rin si Satara at si Baste sa kabila ko.

May dala rin silang snacks at speaker kaya nagpatugtog sila ng di ganon kalakas.

"Picture guys." Sabi ng lalaki na di ko pa din alam ang pangalan at naglabas ng cp.

Nakailang kuha rin kami at nagpic din ako mag isa.

"Sama naman oh." Biglang sabi ni Satara habang may nginunguya. Bigla ring sumali si Baste.

"Picturan kita gusto mo?" Offer ni Satara.

Di pa kami ganon ka-close pero mabilis mo sya makakagaanan ng loob.

"Nahihiya ako." Nahihiya talaga ako. Lalo ako lang mag isa kukuhanan nya, kung may kasama pwede pa.

"Ako lang to Wency, di ako mangangagat hahahaha." Pumayag na lang din ako at tumayo.

"Smile. 1 2 3." Ang galing nya kumuha hahaha.

"Infairness mukha akong maganda dito." Sabi ko sa kanya at nagthankyou.

"Maganda ka na talaga Wency." Puri nya. Enebe.

"Oh papicture kami." Sigaw ni kuya kay Satara. Habang nakita ko naman sa kabilang side na pinicturan ni Andie ang gf nya, how supportive gf.

They look good together. I do not really like girls pero ang cute lang na makakita ng magkopol na both girls hihi.

"Andie, Misie, pic tayo." Suhestiyon ni Satara at binigay ang cp nya kay kuya.

Sa gilid ko si Satara at sa kabila ay si Misie, habang katabi nya naman si Andie.

Infairness din mabango sya. What if ako lang mabaho dejk.

Inakbayan ako ni Satara at nakita ko ring nakalagay sa bewang ni Misie ang kamay ni Andie.

"Guys closer." Sinunod namin kaya ang kamay ni Andie ay naaabot ang bewang ko.

After three takes ay umupo na kami ulit.

Time check 4:48.

"Kuya uwi na tayo." Ungot ko kay kuya.

"Maya-maya." Tumango na lang ako.

Nagcp na lang ako at nag ol.

'Satara sent you a friend request' Agad ko ring inaksep yun.

Nagpost ako ng apat na pics na kuha ni Satara sakin at tinag sya.

'Ang ganda ng kuha'. Lagay ko sa caption.

"Ganda always"
"Waw gala di ako kasama."
"Istitik yarn"
Ilan sa comments ng fbf ko at si Nathan na sticker lang ang nilagay.

Ehe enebe laloves q.

Nagulat ako na nagcomment din si Andie ng sticker. Napatingin ako sa pwesto nila at busy sya sa cp nya ganon din ang gf nya.

"Ang ganda po" Comment naman ni Satara na tumatawa sa gilid ko.

"Hindi po" sabi ko at tumingin sa kanya. Tumawa na lang kami pareho.

Naglagay ako ng earphone at pinakinggan ang tugtog para sa sayaw ko bukas.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now