CHAPTER TWENTY-THREE

16 3 0
                                    

"Hoi bakit naman ganito?" Tanong ko kay Marge habang tinaas ang one piece na niregalo nya sakin.

Nude brown sya at ayos nmn ang parteng taas, pero yung baba feeling ko ay konti na lang ang nattakpan sakin.

"Bagay yan sayo at sure ako. Isuot mo na baka hinihintay na tayo."

Wala na kong nagawa kundi isuot na lang. Baka kasi sumama pa ang loob.

"See, perfect, pati ang kulay ay bagay sayo."

Nude brown sya na bumagay nga sakin at ang kanyang two piece naman ay color black.

Di ako mapakali sa pangbaba ko dahil para talagang t-back na.

"Hoi ano ginagawa mo hahaha." Tawa ni Marge.

"Sexy mo nga e, witwiw~" Asar nya at tinarayan ko nmn.

Sinuotan ko na lang ng denim shorts para makapaglakad ng maayos, dahil kung hindi ay panay ako takip ng kamay nito.

"Let's go to the moon." Sigaw nya sabay labas namin.

-

"Ang sexy nmn ng mga dalagang to." Bungad ni mama nang makarating kami sa pwesto nila.

"Ayos po ba tita? Regalo ko po yan." Sabi nmn ni Marge na tuwang-tuwa.

Napatingin nmn ako sa pwesto nila Baste na nag thumbs up sakin habang si Andie ay nakatitig sakin.

Ganito yung titig nya nung unang apak nya sa bahay.

She's wearing a polo shirt at nakaunbutton ang tatlo at nakashorts sya katulad nila kuya.

Tsk papogi.

"Oh tara na, ayan na yung bangka." Sigaw ni tito at inabutan nmn kami ng staff ng mga lifevest.

Pwede raw mag forda dive mamaya parteng gitna, pero dahil di ako marunong ay kakain na lang ako sa bangka.

May tatlong mahabang mauupuan bago ang nagddrive ng bangka.

"Ang sarap nito~" Sigaw ni Marge.

Tirik ang araw pero malamig ang hangin kaya nagsuot ako ng sunglasses. Alas dos na pasado kaya pababa na rin siguro yung araw.

Parteng likod sila kuya, sumunod kaming tatlo ni mama at Marge, habang sila tito at tita ay nasa unahan.

"Picture tayo." Sabi ni Marge. Handang handa dahil may dala pang stick(YUNG BASTA NILALAGAY YUNG CP DUN TAPOS PWEDE SYA HABAAN GANON, NAKALIMUTAN KO NA.)

"Isa pa. One two three~~"

"Maam dito po, pwede na po kayong bumaba, ititigil ko na po muna ang bangka para anytime pwede kayong bumalik." Sabi ng driver.

Nagtalunan nmn sila kuya, Baste at Andie.

"Ano baba na rin ba tayo?" Tanong nmn ni tito kila mama.

Maya maya ay bumaba na rin sila.

"Reminder lang po na bawal kumain kapag nakalusong sa tubig, salamat po." Sabi ni kuyang driver.

Nakita ko nmn silang enjoy na enjoy lumangoy. Pano ba kasi yan.

"Hoy kakain ka lang ba dyan insan?" Tanong ni Marge habang kumakain ako ng buko salad.

"Oo, tumalon ka na rin dun." Sinunod nya naman ako.

Kinuha ko ang cp ni mama para picturan sila.
Pati sila kuya ay nagpapicture rin.

Paglipas nga ilang minuto ay umahon si Andie habang ang iba ay nasa ilalim.

Ang linaw ng tubig at kitang kita yung ibang isda. Tinanaw ko naman yung resort at malaki pala talaga. Kitang kita ang kabuuan dahil mejo malayo na kami dun.

"Di ka bababa?" Sabi ni Andie habang may subo subong pakwan.

Tinanggal nya muna ang lifevest nya kaya nahuhulma ang katawan nya.

Mejo sumisilip din ang dibdib nyang may kalakihan.

Umiwas ako ng tingin bago magsalita.

"Hindi na." Sabi ko at sinubo ang apple na kinakain ko.

"Di mo maeenjoy to, bday mo pa nmn." Sabi nya ulit bago isuot ang lifevest nya.

"Kahit lusong ayaw mo? Tara na, samahan kita." Sabi nya at napatingin ako sa kanya.

May lifevest nmn diba kaya di ako malulunod.

"Tanda tanda mo na di ka pa rin marunong lumangoy." Sabi nya habang inaalalayan akong bumaba. Sinamaan ko nmn sya ng tingin.

"Salamat ha."
Ngumuti lang sya ng bahagya.

Pagkababa sa tubig ay mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya, parteng braso.

"Wag mo kong bibitawin, sasapakin kita." I heard her chuckles.

"Di nmn talaga, tsaka kung malunod ka man ready ako icpr ka." Tinarayan ko nmn sya.

"Basain mo buong ulo mo." Sabi ni Andie habang nakakapit pa rin ako sa kanya.

Kanina ko pa rin gustong gawin dahil kanina pa kaming ganito ang pwesto, nakalusong lang sa tubig.

"Wag mo ko bibitawan, dyan ka lang."

"Sa higpit ng kapit mo mabibitawan pa ba kita." Sabi nya nmn ng nakatingin sakin.

Unti-unti kong nilubog ang ulo ko at medyo tinagalan.

Pagkaahon ko, nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha nya sakin.

"Ang ganda mo pa rin kahit basa ka." Sabi nya sa seryosong mukha.

Di ako nakapagsalita dahil sa gulat din.
Bakit nya ba sinasabi yan.

"Pinsannnn!!!"
Natinag kami sa lakas ng sigaw ni Marge habang papunta samin.

"Akala ko di ka bababa e, tara na alis na raw."

Hinigit ako ni Marge pabalik sa bangka habang nauna syang tumaas.

Tinulungan nya akong makataas, di ko napansin na nasa likod ko pala si Andie at inalalayan ako sa bewang.

Di ko sya kinibo hanggang makarating kami.

Pagbaba ay nagdiretsuhan na sila sa mga kwarto para maligo, sila tito ay doon kay mama sumama habang kami ni Marge ay nandito pa rin bandang dagat dahil sa magpapapicture sya.

"Sabay na tayo kasi." Pangungulit ni Marge sakin nang mapagdesisyunan naming maligo na.

"Ayoko nga kasi, di na ko sanay."

Dati kasi ay nakakapagsabay pa kaming maligo, at maliliit pa kami nun.

"Di wag, tatagalan ko para magsisi kang di ka sumabay sakin." Tinawanan ko nmn sya kahit tunog tampo sya.

Pagpasok namin sa loob ay saktong labas naman ni Andie sa CR nang nakabihis na at nagpapatuyo ng buhok.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now