CHAPTER TEN

23 2 0
                                    

Pagmulat ko ay sya namang pagkagulat ko ng bahagya dahil sa magkatapat yung mukha namin ni Satara na nakatitig sakin. Napangiti na lang ako at napapikit.

"Hmmm.." A soft moan escaped from my mouth.

Napamulat ako ng mata kahit sobrang gusto kong pumikit dahil sa hilo.

Nakita ko ang saradong mata ni Satara at nakadikit nyang ilong sa ilong ko.

Nalasahan ko naman ang strawberry na halo kanina sa ininom namin mula sa labi nya.

Nababasa ang bibig ko sa halik nya. Nararamdaman ko ang ngipin nya sa labi ko. Di ako makagalaw dahil siguro sa tama ng alak.

Napapikit ako ng bigla nyang ipalupot sa bewang ko ang braso nya at ilapit lalo sa kanya.

Gumagalaw pa rin ang labi nya na nakadikit sa labi ko.

Napahawak naman ako sa braso nya dahil anytime ay bibigay na ang tuhod ko sa pinagsamang hilo at nakakalasing na halik nya.

Nakapikit pa rin ako habang nakahawak sa kanya nang mapansin ko na tapos na sya sa ginagawa nya. Pero nararamdaman ko pa rin ang labi nya sa labi ko.

"Wen.." Usal nya at bigla akong niyakap.

Amoy na amoy ko naman ang pabango nya kaya napapikit ako dahil sa parang paghele nito.

Ang ulo ko ay nakapatong sa dibdib nito dahil hanggang kili-kili nya lang ako.

Ang higpit ng pagkakapulupot nya sa bewang ko kaya napayakap na rin ako sa leeg nito.

"Ang ganda mo." Bulong nya sa bandang leeg ko kaya mejo nakiliti ako sa hininga nya.

Naramdaman ko namang may basa sa leeg ko at napansin kong halik nya yun.

Bakit di ko sya magawang itulak? Dahil ba sa alak o nagugustuhan ko ang ginagawa nya sakin?

"T-Teka lng." Sabi ko dahil mejo ang tagal na rin namin sa ganung pwesto.

Umalis naman sya sa pagkakayakap sakin pero nakahawak sya sa braso ko.

"Una na ko. I had a fun night." Sabi nya at mabilis akong hinalikan sa labi at naglakad palabas kaya di na ko nakaangal. Nakadami na sya ah.

That was my first bukod sa pinsan ko noong nagbahay bahayan kami.

"Oh Wenwen di pa kayo tapos?" Maya mayang sabi ni mama habang nasa second floor, tiningala ko naman sya at nginitian.

Buti na lng at nakaalis na si Satara bago pa kami makita ni mama. Bumaba sya ng hagdan at nilapitan ako kaya niyakap ko sya.

"Mama happy bday." Sabi ko ng nakangiti.

"Ikaw talaga, may tama ka na, matulog ka na." Sabi ni mama habang yakap yakap din ako.

"Sige ma labyu" Kumalas na ko at naglakad pataas. Dahan dahan pa ang lakad ko at nakakapit ng mahigpit sa hagdan.

"Kaya mo ba nak?" Tanong ni mama na ikinatango ko.

Dumapa naman ako agad sa kama ko pagpasok sa kwarto at nakaramdam ng kaginhawaan.

"Hmmm sarap"

Ng kiss ni Satara o humiga? Oo humiga.
-
"Umayos ka Wency." Ang ingay ni kuya nakakainis.

Feeling ko ang haba na ng tulog ko pero pagmulat ko ay alas 9 pa lang ng gabi dahil nakabukas ang ilaw ng kwarto ko at naaninag ko sila mama at kuya.

"Dito muna matutulog si Andie nak, alam na rin ng mama nya dahil sa ayaw daw umuwi nyan." Sabi ni mama habang inuurong ako para makahiga si Andie na sa tingin ko ay knockout na.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now