CHAPTER THREE

42 3 0
                                    


Patagal nang patagal, pahirap na rin ng pahirap ang activities namin.
I'm g12 btw, HUMSS ang strand na kinuha ko.

"HUMSS 12-B makinig. Magkakaroon ng iba't ibang activities sa darating na foundation day na pwede nating salihan. Dagdag rin to sa grades kaya wag nyo ng sayangin." Mahabang lintanya ng president namin na si Lacey. Binanggit niya rin ang iba't ibang activities.

Tatlong araw ang foundation day ng school kaya hayahay din ang students.

"Para sa mga gustong sumali, approach our VP and secretary. Thank you."
Sabay labas niya sa room at nagrecess na rin kami.

"Wen ano, may sasalihan ka?"
Tanong ni Chelsea sakin, oo pumasok na siya.

"Di ko pa alam, baka hanggang nood ulit tayo"
Last year kasi ay wala rin kaming sinalihan. Bukod sa nakakatamad wala rin akong talent.

"Sulitin na natin to uy, magccollege na rin naman tayo."
Di ako makapaniwalang magccollege na kami.

"Ano ba bet mo?"
Humarap na ko sa kinauupuan niya.

Nasa loob lang kami ng classroom dahil nakakatamad bumaba.
Nasa 4th floor kami sinong di hihingalin nun?

"Try ko sa poetry, ikaw? Sa sayaw ka na lang. Sali ka kina Alexis dahil ang alam ko dapat 5 or more sa isang group."
Sayaw? Pramis guys wala akong talent.

"Gsga ka. Sayaw? Ako ba niloloko mo?"

"Sus be wag ako, ako na mismo maglilista sayo sa sayaw."
Epal talaga to si Chelsea.

"Alexis pwede sumali sa inyo?"
Sigaw na tanong ni Chelsea, nasa bandang likod kasi sila Alexis at nasa pinakaunahan kami.

"Ikaw Cortez?"

"Hindi ako, etong si Salvilla." Napatakip na lang ako ng mukha.

Napatingin din sa pwesto namin si Nathan na kumakain kasama ang kaibigan nya.

"Yon kasali na ang tiktokerist ng HUMSS B!" Sigaw ng isa ko pang classmate.

Tinarayan ko na lang si Chelsea. Lagi na akong magpapraktis nito dahil 2weeks na lang before ang foundation day.

Uwian na.

"Paiwan po muna ang mga kasali sa sayaw."
Sabi sa harap ni Alexis.

Eto na nga ang sinasabi ko.
Gusto ko na lang matulog sa bahay.

"Hintayin mo ko, kasalanan mo to."
Banta ko kay Chels at ang gsga tinawanan lang ako.

"Yow Wency."
Nagulat ako na sumali siya.

Sabagay dancer din naman ang isang to kaya ko siya naging crush haha.

"Si Chelsea ang may kasalanan nito."
Sagot ko kay Nathan na ikinangiti niya lang.

May tampo pa ako sayo Nathan tigilan mo ko.

Tampong one-sided haha.

"Seven lahat tayo dahil sinama ko na rin si Brandi na absent."
Simula ni Alexis.

Dalawa lang kaming babae ni Lacey, oo dancer sya ng school na to kasama sila Alexis, Brandi, at Klyde. And the rest, kaming tatlo dancer danceran lang. Chos magaling din tong dalawa dahil alam kong nagtitiktok din sila hahahahaha.

"At dahil nga dalawang linggo na lang bago ang event, aaraw arawin natin ang practice." Aaraw-arawin kita Nathan charot bastos nyo ha.

"After class at sa weekends dun natin papaspasan. May steps na at tugtog, papraktisin na lang talaga."
Yan ang HUMSS B laging handa.

Friday ngayon pero ang sabi nila Lacey bukas na lang namin simulan.

"Yun lang guys, pwede na kayong umuwi salamat." Sabi ni Lacey.

"Oh ano lugi ka pa? Kasali naman crushie mo. You should thank me girl."
Inirapan ko ulit sya. Naghiwalay na kami ng daan ni Chelsea dahil magkaiba kami ng Subd.

"Si Wen ba yun? Oo nga. Uy Wen." Biglang akbay sakin ni Baste. Alam ko na boses nito e.

Bigla din nyang tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin at may isa pang tumabi sakin sa kabila.

"Bakit mag-isa ka lang naglalakad?" Tanong ni Baste sakin.

"Kasi mag-isa lang ako, dapat ba by partner?"
Biro ko sa kanya.

Mukha namang tuod yung nasa kabila ko.

Napakadaldal sa chat pero sa personal tiklop ang gsga.

Pero nung nakaraan naman na mag isa sya ang daming sinasabi tsk.

Oo si Andie mga syug.

"Natututo ka na ha."
Sabi nya sabay tawa, na ikinangiti ko na lang.

"Pero dapat may naghahatid sayo Wen, wala ka jowa?"
Tanong nya sa seryosong tono.

Umiling naman ako.

"Jowa jowa pa mamamatai rin naman." Seryoso ko ring sagot.

"Sus."
Sagot nya at siniko siko pa ako kaya nababangga ako kay Andie.

"Oy pre dito na ko, Wen ingat." Nagpanic ako sa sinabi nya.

Edi kami na lang nitong babae na to?

"Hoy diba kayo ang magkasama nito?" Maririnig mo sa boses ko na ayoko talaga kasama ang isang to.

Di na rin sumagot si Baste dahil tumakbo na rin sya, kupal talaga.

"Hatid na kita sa inyo."
Palakpalakan dahil finally nakapagsalita sya hahahajk.

"Kaya ko na, kaya okay lang."
Sabi ko at nilingon siya. Nakakahiya naman na kausapin syang nakaharap sa kalsada diba.

Nakaharap din sya sakin kaya nakita ko ng buo at malapitan ang mukha nya. Medyo singkit ang mata nya at may katangusan ang ilong.

Napaharap naman ako bigla ng tingin at napataray sa isip.

Appreciation lang yun sa ganda nya, na wala ako haha.

Konti lang din ang pagitan ng taas namin, hanggang tenga niya ako.

"Hatid na kita tutal pupunta naman ako sa bahay nyo."

???

"Hindi hatid tawag dun, sabay na te oo." Natatawang ani ko sa kanya.

"Edi sabay tayo."
Tingan mo to hahahahaha ang lt nya.

"Pero ano ba gagawin mo sa bahay?"
Tanong ko. Lagi na lang kasing nasa bahay.

"Basta"
Sabi ko nga tatahimik na.

Nilikot ko naman ang tingin ko sa bawat makakasalubong namin. Gaganda nila, sanaol malala.

Puro astitik sila sa gitna ng tirik na araw. Ala-una pa lang dahil 12 ang uwian namin.

"Sayang kutis"
Nasabi ko na lang bigla.

"Ha?"
Tanong ng isang to.

"Sayang kako kutis nila, kasi tingnan mo nakasleeveless at maiksi ang suot tapos walang payong."
Paliwanag ko.

"Hayaan mo sila, alagaan mo sarili mo at wag kang magsusuot ng ganyan dahil di bagay sayo."
Haha wandat sasapakin ko to.

"Di naman talaga ako nagsusuot ng ganyan no lalo na sa labas."
Defensive na sagot ko at naunang maglakad.

Bahala syang mainitan dyan.

Naramdaman kong binilisan nya rin at pumantay sakin.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now