CHAPTER TWELVE

13 1 0
                                    

Third and last ng foundation day.

Tanungin nyo ko kung nakatulog ako ng maayos dahil hindi ang isasagot ko.

"Dancers dito tayo." Tawag ni Lacey samin.
Nasa loob kami ng classroom para makapaghanda sa performance namin mamayang alas dos ng hapon.

"Alam nyo na yung part nyo ha. Basta wag nyo iisipin na pagalingan to. Enjoy nyo lang." Panimula nya.

"Yung angas wag nyong kalimutan, reaksyon tapos yung sa inyo Wency at Nathan, yung part na yun ay intimate ha." Sabi naman ni Alexis.

"Mamayang 1 last practice tayo." Sabi ni Lacey dahil alas 10 pa lang naman.

Mamaya ko na rin isusuot yung para don dahil baka pawisan lang ako.

Ang uniform namin ay pang street dance ang style. Kaya naisipan ko na maluwag na pants na may butas butas, sando na itim sa loob na nakatuck-in at papatungan ko ng checkered na pula habang ang buhok ko ay nakabraid sa apat habang kay Lacey ay dalawa.

"Wency parang ang tamlay mo." Sabi ni Klio sakin habang pababa kami ng hagdan.

"Kabado lang." Sabi ko na lang. Binabagabag pa rin kasi ako sa kahapon e hays.

"Canteen tayo." Yaya ni Nathan pero sabi ni Klio ay kami na lang daw dahil may aasikasuhin pa sya.

Kaya ending kami na lang dalawa dahil si Chels ay nasa booths.

"Oh pampawala ng tamlay mo." Sabay abot ni Nathan sakin ng isang bottled juice at isang burger.
Yiii borjer ka sakin.

"Salamat." Nginitian nya na lang ako.
-
Nakapagbihis na ako at nakalast practice na rin kami.
Sa sampung magpeperform ay panghuli kami.

"Let's welcome the performer of Cookery 11-C!" Parang dalawa pa lang ang nagpeperform sa g11 ah.

"Whooooo!"

"Mas malambot ka pa sa babae!"

Sigaw ng ibang students. Talo na kami. Chariz di kami papatalo no.

"Wait judges kaya nyo pa ba? Panglima pa lang yan at may lima pa!!" Sabi ng emcee at kasabay ng pagsigaw ng students.

Tapos nun ay nagperform na ang iba at ngayon ay kami na.

"Syempre naman, last but not the least HUMSS 12-B!!" Sabay ng paglabas namin ay hiyawan ng iba.

Oo kruxx nila si Klyde at Alexis dahil sa dancers sila ng school.

Nakita ko naman si Chelsea sa pwesto namin na nakaready na sa pagvvideo.

Tiningnan ko naman ang mga tao sa harapan at dun nakapwesto si Xenna na nakatingin sakin.

Magpapakitang gilas na ko nito hahahahaha.

Pumwesto na kami sa pagluhod at nagsimula na ang tugtog.

'Hey hey all of u. Are u ready?....To see our *tigs tigs* performance ha ha ha'

Angas na simula ng kanta habang nilalagyan ng groove at dinadub ni Alexis na nakatayo sa unahan.

Habang sumasayaw ay kay Xenna ako napapatingin at nakikita ko ang seryoso nyang mukha.

At hanggang sa part namin ni Nathan ay binigay ko na ang lahat sa kanya charot.

Ang høt tingnan ni Nathan dun, may eye contact kasi kami.

"ANGAS!"

"ANG GWAPO MO KLYDE!"

"ALEXIS! ALEXIS!"

Kung sa audience impact, kami na ang panalo hahahaha.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now